Mahaba rin ang pila sa nag-iisang NFA outlet dito. Alas sais pa lang ng umaga, nakalinya na ang mga taong gustong bumili ng bigas sa halagang P18.25.
Pero ang ipinagtataka ng mga tao dito sa bukid namin ay kung bakit ang mahal ng commercial rice, samantalang sa kabilang munisipyo lang naman nanggagaling ang high-grade na Banay-Banay 7-tonner na bigas. Malawak ang palayan sa bayan ng Banay-Banay.
Noong una, kapag taghirap, ang alternatibong bigas ng mga tao dito sa amin ay ang mais. Ngunit di na ngayon. Mas mahal pa kasi ang mais, sa halagang P35, kung ikukumpara sa NFA rice.
Minsan, nainterview si Fiona ng isang reporter kung anong masasabi niya sa krisis sa bigas.
"Dapat siguro mag-umpisa na tayong kumain ng kamote," ang sagot ng bakla.
Sa banner story ng Inquirer noong June 2, lumabas ang quote na ito ni Fiona, yun nga lang, totoong pangalan niya ang ginamit.
Ayaw magpatalo ni Kirat. Dahil sya ang reigning Miss Christmas Gay, naghanap siya ng paraan para mapansin, para mapatunayang isa siyang beauty with a purpose.
Noong Biernes, pumila ang Kirat para bumili ng NFA rice.
Dalawang oras ding nakatayo sa ilalim ng araw ang bakla. At noong turn na niya para pagbilhan, nagwala ito.
Nilitanya ni Kirat ang reklamo ng karamihan. Kesyo dapat may priority number. Kesyo dapat hindi pinaghihintay ang mga mamimili. Kesyo dapat magbukas pa ng ibang Tindahan ng Bayan. Ginawa ni Kirat ang lahat para mapansin. Sumigaw. Tumili. Nakipagdebate. Nakipag-away.
Pumalakpal ang mga tao. Sa loob-loob ni Kirat, nakangiti sya sabay wave.
Kaninang umaga, nagbukas ang isang Tindahan ng Bayan sa kabilang barangay. Umikli na ang pila sa NFA outlet sa palengke namin.
Monday, June 30, 2008
Saturday, June 21, 2008
Oh My Papa
Sa lahat ng bakla dito sa bukid namin, si Kirat lang ang may problema sa Tatay niya.
OK ang tatay ko. Walang reklamo.
OK din ang tatay ni Fiona. Nasa bahay na lamang ito matapos ang ilang taong pagsasaka.
Ang tatay ni Red, nagtatrabaho sa munisipyo bilang driver ng dump truck.
Ang tatay ni Glydel ay isang empleyado sa municipal court dito sa amin.
Ang Tatay naman ni Kaye ay syang nag-aasikaso sa niyogan nila.
Lahat ng tatay namin di pumapalag sa pagiging bading namin.
Kung ang tatay ni Kirat ang pinakamasamang ama sa sanlibutan-- binubugbog kasi nya noon ang bakla sa kadahilanang isa itong bakla --ang tatay naman ni Patricia ang matatawag na perfect father.
Kahit lampas biente na ang bakla, tabi pa rin sila ng ama kung matulog. At, dapat nagpapaalam ito sa kanya kung sa bahay namin matutulog.
Araw-araw, automatic ang P20 unlimited load ng bakla, courtesy of his father dearest.
At kapag sumasali ito ng Miss Gay Pageants, todo suporta ang kanyang ama. Proud sa kanyang anak.
Pero noong isang araw, nagkaroon ng mild stroke ang tatay ni Patricia.
Panic ang bakla sa umpisa. Pero nang maglaon e natanggap na rin niyang medyo deformed na ang mukha ng tatay niya. Hirap na rin itong tumayo ng mag-isa.
"Sa left side ng katawan niya ang medyo paralyzed," kwento ng bakla sa amin kagabi.
Mula noong mild stroke, di na gumagala ang bakla. Busy sya sa pag-aasikaso sa kanyang ama.
"At least man lang mapagsilbihan ko siya," sabi niya.
Kasama sa pagsisilbi niya ay ang pag-alalay tuwing itoy iihi, maliligo, hihiga, tatayo, kakain o pag-inom ng tubig.
At kaninang umaga, matapos mag-agahan, sa tulong ng isang anak, dumiretso ang Tatay ni Patricia sa kuwarto at nahiga.
Ikinagalit ito ng bakla.
"Di ka dapat humihiga pagkatapos kumain," sabi niya sa ama habang inaalalayan itong tumayo.
"Bakit?" tanong ng ama.
"Ewan ko,"sure na sagot ng bakla.
"E di ka pala sure," sabi ng ama.
"Basta sunod ka na lang," sabi ng bakla.
"Bakit nga?" tanong uli ng ama.
"Kasi..." hindi sya sigurado sa isasagot.
Inantay ng tatay niya ang sagot.
"I care for my job! I care for you!" nasabi ng bakla.
"OK Sharon," sagot ng Tatay.

Wednesday, June 11, 2008
Sa Mata ng Bata
Maganda ang gising ni Kirat. Matapos magtimpla ng kape, diretso ito sa duyan sa labas ng inuupahang bahay.
Masarap ang pagkatimpla nya sa kape. Tama lang ang tamis. Tama lang ang pait.
"Perfect ang lahat. Maganda rin ang panahon. Di pa gaanong sumisikat ang araw kaya di pa natatamaan ng init ang duyan," sabi niya.
Pero hindi pala perfect ang lahat.
Dumating ang walong-taong gulang na si Aida.
"Sinabihan niya ako ng Good Morning. Magalang na bata," sabi ni Kirat.
Sinagot din naman daw nya ng Good Morning din.
"Pinuri ko pa sya. Sabi ko gustong-gusto ko sa sya sa lahat ng bata kasi magalang siya," sabi ni Kirat.
Nagpasalamat naman daw ang bata.
"Dinagdagan ko pa ang puri. Sabi ko ang ganda ng pilik-mata niya. Ang ganda ng curl," dugtong ni Kirat.
Nagpasalamat uli ang bata.
"Pati buhok nya pinuri ko rin. Sabi ko ang kintab, at straight na straight," sabi ng bakla.
Di na nagpasalamat ang bata. Dinaan niya ito sa pagtulak sa duyan. Happy ang Kirat. Pero takot din sya dahil baka bumigay ang lubid sa taba at bigat niya.
At habang patuloy ang pagtulak ni Aida sa duyan, tuloy rin ang puri ni Kirat sa bata.
"Ang ganda ng kutis mo. Dapat di ka nagpapa-araw para di masira," sabi ng bakla.
Walang imik ang bata. Nakatitig lang sa kanya.
"Yan ang gusto ko sa yo, laging malinis ang mga paa. Laging naliligo. Laging mabango," dugtong ni Kirat.
Nakatitig pa rin ang bagets.
At nagsalita ang bata habang nakatingin sa matabang mukha ni Kirat.
"Ate..." sabi niya.
"Ano?" tanong ni Kirat na tuwang-tuwa at tinawag syang ate.
"May beke ka?" tanong ng bata.
"Umalis ka sa harap ko. Alis!" tanging nasabi niya.

Thursday, June 5, 2008
Fiona, the tailor
Dinala ni Fiona ang sewing machine ng kanyang nanay. Missed na raw niya ang pananahi. Marami-rami na rin syang nagawang gowns-- nirecycle mula sa mga damit na binili sa ukay-ukay. Paghahanda niya ito sa beauty pageant na gaganapin sa darating ng foundation day sa bayan namin next week.
Si Fiona Tailor, habang busy sa phone ang kapitbahay naming si Bon-Bon.
Naging busy rin si Red. At sa kanyang free time, ginawa niya ito mula sa pinaglumaang jeans

Monday, June 2, 2008
Otin
Wala na akong hihilingin pa. Sa aking kalagayan ngayon, tulong-tulong ang mga bakla para di maging mas mahirap ang aking recovery.
Ganon din si Kulot. Laging naandyan. Handa sa ano mang iuutos, sa ano mang dapat gawin.
Tulad na lang nito
At inihanda pa nya ang aking comfort food, ang OTIN.
Odong at Tinapa

Subscribe to:
Posts (Atom)