Wednesday, 11 June 2008

Sa Mata ng Bata

Maganda ang gising ni Kirat. Matapos magtimpla ng kape, diretso ito sa duyan sa labas ng inuupahang bahay.

Masarap ang pagkatimpla nya sa kape. Tama lang ang tamis. Tama lang ang pait.

"Perfect ang lahat. Maganda rin ang panahon. Di pa gaanong sumisikat ang araw kaya di pa natatamaan ng init ang duyan," sabi niya.


Pero hindi pala perfect ang lahat.


Dumating ang walong-taong gulang na si Aida.


"Sinabihan niya ako ng Good Morning. Magalang na bata," sabi ni Kirat.

Sinagot din naman daw nya ng Good Morning din.


"Pinuri ko pa sya. Sabi ko gustong-gusto ko sa sya sa lahat ng bata kasi magalang siya," sabi ni Kirat.


Nagpasalamat naman daw ang bata.

"Dinagdagan ko pa ang puri. Sabi ko ang ganda ng pilik-mata niya. Ang ganda ng curl," dugtong ni Kirat.


Nagpasalamat uli ang bata.


"Pati buhok nya pinuri ko rin. Sabi ko ang kintab, at straight na straight," sabi ng bakla.


Di na nagpasalamat ang bata. Dinaan niya ito sa pagtulak sa duyan. Happy ang Kirat. Pero takot din sya dahil baka bumigay ang lubid sa taba at bigat niya.


At habang patuloy ang pagtulak ni Aida sa duyan, tuloy rin ang puri ni Kirat sa bata.


"Ang ganda ng kutis mo. Dapat di ka nagpapa-araw para di masira," sabi ng bakla.

Walang imik ang bata. Nakatitig lang sa kanya.


"Yan ang gusto ko sa yo, laging malinis ang mga paa. Laging naliligo. Laging mabango," dugtong ni Kirat.

Nakatitig pa rin ang bagets.


At nagsalita ang bata habang nakatingin sa matabang mukha ni Kirat.


"Ate..." sabi niya.


"Ano?" tanong ni Kirat na tuwang-tuwa at tinawag syang ate.


"May beke ka?" tanong ng bata.


"Umalis ka sa harap ko. Alis!" tanging nasabi niya.

17 comments:

Kiks said...

haaay kirat, bata lang ang magpapablag sa loka.

gibo said...

ang galing ng bata, gifted. i'm sure one day, magiging duktor sya!

mel beckham said...

na-overdose ang bata sa papuri ni Kirat kaya ayun, bumula ang bibig ng bata at nailuwa ang lason. hihi

Manilenyang_Praning said...

ang gandang punchline nung beke.

may beke ang becky.

Clark Can't said...

anong ibig sabhin ng BEKE? please pakiliwanag lang po...tenk yu...

peter penducker said...

beke = mumps

goddess said...

taray!
only a child can do that talaga..

Lyka Bergen said...

Di ako natawa ng una dahil di ko alam kung ano ang beke.... but thanks to Peter Penducker, ngayon natawa na ako.

Ely said...

hahaha, beke-mumps! tinanong ko pa yan sa ka-opis ko kasi di ko rin alam...

cant_u_read said...

tigilan na kasi ang pagpapainom sa mga bagets ng promil!

angpinaybrodkaster said...

Bwahah! Buti at hindi binangasan ni Kirat 'yung bata... beke ampft!

Niel Camhalla said...

nabitin ako sa kwento...

pero may beke ba talaga?

hehehe

*blog hop*

kalansaycollector said...

hahahahahahahaha

ang mata nga naman ng mga bata.

rAzAzO'o said...

beke nemen teneteneng ng bete keng meren seleng bekehen! eneve????

Bryan Anthony the First said...

ahahaha
kaya dapat wag na kumain ng white rice

Bryan Anthony the First said...

ay beke ba
ahaha
kala ko bebe
cfe funny parin

- A n g e l - said...

Hahaha! That's so funny!