Sa aking pagsi-surf sa net, nakita ko ang isang post ko sa dati kong blog-- noong ako ay dalaga pa. Ipinost din ito ng isang blogger. Lumabas ito January of 2007. Nagpapasalamat pa rin ako at may nakita ako, kahit isa man lang sa mga sinulat ko noon. Para sa akin, mas maganda ang mga kwento ko noon. Mas may buhay.
Kaya eto ang re-posting ng "Sabong."
Isinulat ko ito habang hiwalay kami ni Kulot.
Enjoy!
Pumayag ako na magkita kami ni Kulot. Pero hindi ako pumayag na sa bahay ang venue. Kailangan neutral ground. Ayoko rin sa kung saang madilim na lugar lang kami magkikita. Ano pa lang gawin niya sa akin. Paano kung may makamundo syang balak? Paano ako manlalaban? Ano lang ba ang lakas ng isang babae?
Anyway, ang neutral ground: Ang Bread Master. Ang natatanging 24-hour coffee shop dito sa bukid naming. Para sa mga bakla, ito ang aming Starbucks.
Alas dies ng gabi ang aming usapan. Pagdaan ko ng kanto papuntang Bread Master, naandon na sya kaya sabay kaming naglakad pero walang imikan.
Umorder ako ng kape. Siya, as usual, Milo.
Wala pa ring imikan. Ayokong ako ang mauna. Idea nya ito, sya dapat ang unang magsalita.
“Bakit ganon ang desisyon mo?” tanong niya.
“Ha?” tanong ko.
“Bakit ka biglang sumerender?” tanong niya.
Nakuha ko ang punto niya.
“Kasi bigla kang umatras. Di ba ikaw ang gustong mag-aral uli, tapos bigla kang aatras,” sagot ko.
“Hindi ako umatras. Sabi ko kung di pwede sa 22, sa June na lang ako papasok,” sabi niya.
“Ang klase nag-umpisa noong January 16. Ayaw mo kasi gusto mo sa 22. Mas marunong ka pa sa school. Tapos kung sa June ka naman papasok, ano gagawin mo January to June? Tatambay?” sabi ko.
Tumahimik sya.
“Bakit nga ba di ka pwede ng 16? Anong napakaimportanteng okasyon na di mo pwedeng ipagpaliban?”
“May sabong noong 15,” sagot niya.
Umiinit na ulo ko. Ang sarap sigawan. Ang sarap buhusan ng mainit na kape. Pero di ko magawa kasi nga nasa public place kami.
“Inuna mo pa ang sabong kesa sa pag-aaral?” mariin na sabi ko, halatang pinipigilan ang galit.
“Manok mo naman ang sinabong ko e,” mabilis na sagot niya.
OO, may manok kami. Bigay ng brother ko sa amin.
Ako naman ang natahimik.
“May pag-asa pa tayo?” sabi niya.
Di ako sure kung paano niya sinabi yon. Gusto kong makasiguro.
“Ano yan, tanong o deklarasyon?” tanong ko.
“Tanong,” sagot niya.
Di ako makasagot.
“May bago ka na?” tanong niya.
“Ikaw, may bago ka na?” patanong na sagot ko sa tanong niya.
“Wala,” sagot niya.
Naniwala ako.
“Ang balita may bago ka na raw,” paakusang sabi niya.
“At sino raw?” tanong ko.
“Si Jayson,” mabilis na sagot niya.
“Hindi totoo yan,” sagot ko sa tanong ni Kulot, sabay higop sa kapeng ngayon ay malamig na.
“Totoo,” diin nya.
“Isang kape pa nga, yung bagong kulo na tubig ha,” order ko sa waitress.
Sa isip ko, ngayon kailangan ko ng kape para magkaniyerbos ako at magka-heart attack hora mismo. Sa isip ko rin, kailangan ni Kulot ng dibersyon.
“Aminin mo na,” sabi niya.
At ayaw niya akong tantanan.
“Ano naman ang aaminin ko e wala nga?” sagot ko.
“Kilala kita,” sabi niya.
“Kaya nga e, kilala mo ako, bakit ayaw mong maniwala sa akin?” tanong ko.
“Kasi nga nagsisinungaling ka,” sagot niya.
At tinawag pa akong sinungaling.
“Mas pinapaniwalaan mo pa yang mga nagkakalat ng tsismis dyan kesa sa akin?” tanong ko.
“Mas pinapaniwalaan ko ang nagsabi sa akin,” sagot niya.
“At sino naman ang may sabi?” tanong ko.
“Si Jayson mismo,” mabilis na sagot niya.
“Miss, saan na ang kape ko?” tanong ko sa waitress.
Nagpapakulo pa raw ng tubig. Punyeta! Lakasan niyo ang apoy. Dalhin nyo sa impyerno para instant kulo.
“Natahimik ka?” tanong niya.
“Ano pala sinabi ni Jayson?” tanong ko.
“Sabi mo raw na kung pwede sya na kapalit ko. Na pumayag sya pero palipasin muna ng isang buwan para di pangit tingnan,” sagot ni Kulot.
Wala akong masabi. Totoo naman kasi. Humanda ang tsismosong Jayson na yan.
“Ibig sabihin niyan wala na talaga tayo?” tanong niya.
Tahimik pa rin ako.
“Gusto ko lang malaman— hiniwalayan mo ba ako kasi may plano ka kay Jayson?” tanong niya.
“Hindi. Dahil umatras ka sa plano,” mabilis na sagot ko.
Sya naman ang tumahimik.
“Ngayong di ka natuloy sa pag-aaral, ano gagawin mo? Wala ka na rin sa tindahan. Di ba kaya nga nasa tindahan na si Jayson kasi nga mag-aaral ka? Paano yan ngayon? Tatambay ka lang? Maghihintay ka lang na abutan ko ng pera? Ano magiging dating mo nyan? Callboy? Ano magiging dating ko nyan? Customer?” sunod-sunod na tanong ko.
Walang sagot.
“Hindi mo na ako mahal?” tanong niya.
Ako naman ang walang sagot.
“Akala ko ba mahal mo ako?” tanong niya.
Gusto ko syang sagutin ng: “Akala ko rin.”
Hindi ko nagawang magsinungaling.
“Mahal,” ang sagot ko sa tanong niya.
Nang marinig niya ito, nakita ko ang saya sa kanyang mga mata. Ngingiti na sana sya nang sinabi kong: “Pero kaya kitang tiisin.”
Nagbago uli ang kislap sa kanyang mga mata. Nawala ito. Natahimik sya. Naka-bullseye ako.
"Hanggang kailan mo ako titiisin?" tanong niya.
Hindi ko sinagot.
"Ano ba dapat kong gawin?" another tanong.
"Magbago," tanging sagot ko.
"Promise, magbabago na ako," sabi niya.
"Hindi na ako naniniwala sa mga promise, promise na yan," sabi ko.
"Promise nga," mabilis na dugtong niya.
"Magbago ka muna," sabi ko.
"Ha?" tanong niya.
"Magbago ka muna bago kita tatanggapin uli," sagot ko.
"So wala na muna tayo?" tanong nya.
"Hanggang di ka nagbabago, walang tayo," sagot ko.
Natahimik uli sya.
"Paano yan ngayon?" tanong nya.
"Ha?" tanong ko.
"Paano mo makikita na nagbago nga ako kung wala na tayo?" tanong niya.
"Ikaw ang maghanap ng paraan," sagot ko.
Matagal na katahimikan bago sya nag-ayang umuwi. At habang naglalakad kami, nagtaka ako nang lumiko din sya sa daang papuntang bahay.
"Saan ka?" tanong ko sa kanya.
"Sa inyo ako matutulog," sagot niya.
"Hindi pwede," sabi ko.
"Bakit naman?" tanong niya.
"Kasi nga wala na tayo," sagot ko.
"Bakit, di ba pwedeng matulog sa inyo kahit wala na tayo?" tanong niya.
"Hindi," mabilis kong sagot.
"Paano ko mapapatunayang nagbago na nga ako kung di naman ako pwedeng matulog sa bahay mo?" tanong niya.
"Basta hindi pwede," sagot ko.
Ang totoo, gusto ko ring ipakita sa kanya na di ako nagbibiro sa sinabi kong kaya ko syang tiisin.
At naghiwalay kami ng daan.
Pagdating ko sa bahay, naandon si Jayson, nakahiga sa sofa habang nanonood ng DVD.
"Nagkabalikan kayo ni Kuya?" tanong ni Jayson sa akin.
"Hindi," sagot ko.
"A ok," sabi niya.
"Sa tingin mo, ano dapat ang nangyari? tanong ko sa kanya.
"Ewan ko," sagot niya.
Alam niyang gusto ko ng kausap. Pinatay niya ang TV at DVD player.
"Kung ikaw ang nasa posisyon ko, ano gagawin mo?" tanong ko.
"Di ko masabi," sagot niya.
Playing safe ang Jayson.
"Eto na lang. Kung ikaw ang nasa posisyon ng Kuya mo, ano gagawin mo," tanong ko uli.
"Mag-aaral," mabilis niyang sagot.
Nakapag-isip ako.
"Gusto mong mag-aral?" tanong ko.
"OO naman," sagot niya.
At dahil buo pa naman ang pang-down payment sa dapat na pag-aaral ni Kulot, nagdesisyon ako at sinabi kay Jasyon na: "Sige, ikaw ang mag-aaral."
Mahaba pa ang usapan namin. Sabi ko maghahanap kami ng school na Sabado lang ang pasok. Tuloy pa rin ang pag-manage niya ng negosyo. Kumbaga, para lang syang nag-day off tuwing Sabado. Sabi ko rin dapat ayusin nya ang pagpapatakbo ng negosyo kasi doon kukunin ang pang-tuition at pangggastos niya. OO daw.
Nang matapos ang pag-uusap, eto ang kanyang sinabi: "Dito ako matutulog."
Sinagot ko sya ng: "Hindi, uuwi ka sa inyo."
P.S.
Nakapagdesisyon din akong bumalik sa pagsagot sa mga comments at questions ng mga mambabasa ng blog na ito.
(At sa mga may kopya ng dati kong posts: paki-email naman sa mandayamoore@gmail.com. may reward: ibibigay ko sa inyo ang natitirang puri sa aking katawan)
Tuesday, July 29, 2008
Thursday, July 24, 2008
Tampo
May tampo ako kay Kulot.
Hindi naman bayolenteng tao si Kulot. Ni minsan hindi nya ako napagbuhatan ng kamay. Ni sampal, kurot o duro, hindi nya nagawa.
At ito ang dahilan kung bakit ako may tampo sa kanya.
Naisip ko lang kasi, dapat may drama ang buhay namin. Sobrang peaceful kasi. Walang away, walang hiwalayan the past year.
Matagal-tagal na rin akong di nakaranas ng DDD o Deep Down Depression.
Matagal-tagal na rin akong di nakapagpagupit ng buhok. Dati kasi, sa tuwing may away kami, skinhead agad ang drama ko. Ngayon, lampas balikat na ang hair ko. Makintab, malusog at laging nawi-windswept.
Dito ko naisip na dapat bigyan naman namin ng kulay ang aming relasyon. Pero ayaw nya.
"Baliw ka yata e," sabi niya sa akin noong sinabi ko sa kanya ang gusto kong mangyari.
"Sige na," pilit ko.
"Ayoko nga," pilit din nya.
Ano ba gusto kong mangyari?
Eto ang eksena: Alas Dies na ng gabi. Tahimik ang buong neighborhood. Madilim. Bigla na lang maririnig ng mga kapitbahay ang kalabog na mangggaling sa aming bahay. Magigising sila. Lalabas sa kanilang mga bahay. Makikiusyoso.
At sa bahay namin, maririnig ang mga sigaw ko.
"Tama na Pang. Maawa ka na sa akin Pang. Di na mauulit," sigaw ko habang umiiyak.
Pero ayaw gawin ni Kulot. Mag-solo daw ako.

Monday, July 21, 2008
Eto na po
Alas Sais ng umaga. Umuulan sa labas. Kagigising ko lang. Ang Kulot, mahimbing pa ang tulog. Lumabas ako ng kwarto para umihi. Dito ko naisip na ito ang tamang panahon para kunan sya ng picture para sa aking promise na "Kulot in his underwear."
Aktuali, ang balak ko sana e nakawan sya ng picture habang natutulog. FYI, naka-underwear lang kasi kami kung matulog.
Bago ako bumalik ng kwarto, nagpakulo muna ako ng tubig para makapagkape.
At sa aking pagbalik, eto ang inabutan ko.
Sinisiguro kong nakabriefs lang sya sa ilalim ng kumot. Peks man. Mother, father die pa.

Friday, July 18, 2008
Balikbukid
Tatlong araw lang ako sa Manila. Di ako nag-enjoy. Maulan kasi.
Umpisa pa lang ng biyahe, di ko na nagustuhan. Cebu Pacific kasi sinakyan ko. At dahil libre, di ako makapagreklamo. Ang liit ng eroplano. Ang sikip ng mga upuan. Ang likot sa itaas. Konting ulap lang, umuuga na ang sasakyan. Di maubos-ubos ang aking Hail Mary Full of Grace. Di ko pa man matapos ang Glory Be, jump agad ako sa Our Father sabay sa pagkilos ng eroplano.
At nang ako'y nasa Manila na, ang hirap kumilos. Laging umuulan.
Tanging na-meet ko na blogger ay si Gibbs.
Kaya naman noong umuwi ako kahapon, diretso ako sa bukid.
Masaya na ako ngayon.
Mas masaya si Kulot.
Eto ang pasalubong ko sa kanya.
Up Next: Kulot in his new Bench Briefs

Sunday, July 13, 2008
Byahe
Nasa city ako ngayon. Babyahe kasi ako para Manila bukas.
At dahil bukas pa ang lipad ko, nanood muna ako ng sine. First time ito since "Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros."
At dahil mabagal ang mga pirata, napilitan akong pumasok ng sinehan. Pinanood ko ang Mamma Mia! Ang ganda. Very me. Aktuali, habang ginagawa ko itong post na ito, nagda-download ako ng Mamma Mia Soundtrack sa Limewire.
Tatlong araw lang ako sa Luzon-- specifically, sa Makati. Confidential kuno ang mission.
Nag-offer ang dati kong student, na ngayon ay nagtatrabaho na sa isang call center, na doon ako magstay sa place niya. Makakalibre ako.
Missed ko na si Kulot.
"Anong gusto mong pasalubong?" tanong ko sa kanya bago ako umalis ng bukid.
"Ikaw na bahala," sagot niya.
"Ano nga?" pilit ko.
Di sya sumagot. Bahala sya.
Kanina, habang nasa loob ako ng sinehan, nagtext ang Kulot.
"Bench underwear na lang pasalubong mo sa akin," text niya.
Naisip ko lang-- bakit sa lahat ng pwedeng ipabili sa Manila, briefs pa?
Naisip ko rin-- pagbalik ko na lang ng city from Manila ako bibili ng pasalubong niya. Marami kayang Bench stores sa city no.

Wednesday, July 9, 2008
Paborito
Patapos na ang season ng avocado. Sa katunayan, na-harvest na ng kapitbahay namin ang bunga ng puno nila. Pero ang maganda dito sa bukid namin, nakakahingi ka.
"Kunin nyo na lang yung mga natira sa puno. Di kasi naabot ng anak ko," sabi ng kapitbahay naming si Manang Mary.
At dahil paborito ni Fiona ang avocado, dali-dali nitong inaya si Kulot.
Papuntang farm
Si Kulot, nanunungkit
Si Kulot at Fiona
Papel ko ang hawakan ang bamboo ladder. Pero dahil ako ang photographer, pose na rin ang Fiona
Si Fiona at ang basket na puno ng naharvest namin
Totoong paborito ni Fiona ang avocado. Minsan nga, habang rumarampa ito sa stage sa kalagitnaan ng evening gown competition sa isang Miss Gay Pageant, nagcomment ang MC sa background.
MC: "Candidate number six is wearing a black serpentina gown that she designed. She looks healthy because she drinks two glasses of milk everyday. Her favorite fruit is avocado."

Wednesday, July 2, 2008
Saan?
Katatapos lang ng "Oh Yeah Moments" namin ni Kulot.
Napagod ako. Kakaiba kasi ang nangyari sa amin.
Tinalo ang mga eksena namin sa kama, sa kusina, sa sala, sa banyo, sa hagdan, sa kwarto ni Fiona.
Tinalo rin ang mga ginawa namin sa CR ng barangay hall, sa palengke, sa waiting shed, sa canteen ng elementary school, sa gilid ng kapilya, sa gilid ng simbahan.
Nakahiga at naninigarilyo, share kami sa isang stick dahil naiwan ko ang aking pack sa sala, tinanong ko sya ng: "Saan mo natutunan yon?"
Humithit muna sya bago ako sinagot ng: "Sa triple X."
Di ako nakaimik.
Tinapos namin ang yosi. Pumikit na sya. Ako, tumagilid. Nag-isip.
Di naman sa pagmamalaki, may naabot na rin ako sa buhay. Honor student ako from elementary to high school. Nakatapos ako ng college. Nakapagtrabaho ako sa gobyerno, NGO at pribado. Naging head ako ng opisina ko. Di masasabing pipitsugin lang ako.
Hindi ko maubos-maisip na ang lahat ng pinagdaan ko sa buhay ay susumahin lang ng isang kantutan-- na ang tingin ni Kulot sa akin ay isang porn star.
Bumangon ako. Iniwan ko sya sa kama.
At ginawa ko ito.

Subscribe to:
Posts (Atom)