Thursday, 24 July 2008

Tampo

May tampo ako kay Kulot.


Hindi naman bayolenteng tao si Kulot. Ni minsan hindi nya ako napagbuhatan ng kamay. Ni sampal, kurot o duro, hindi nya nagawa.


At ito ang dahilan kung bakit ako may tampo sa kanya.


Naisip ko lang kasi, dapat may drama ang buhay namin. Sobrang peaceful kasi. Walang away, walang hiwalayan the past year.


Matagal-tagal na rin akong di nakaranas ng DDD o Deep Down Depression.


Matagal-tagal na rin akong di nakapagpagupit ng buhok. Dati kasi, sa tuwing may away kami, skinhead agad ang drama ko. Ngayon, lampas balikat na ang hair ko. Makintab, malusog at laging nawi-windswept.


Dito ko naisip na dapat bigyan naman namin ng kulay ang aming relasyon. Pero ayaw nya.


"Baliw ka yata e," sabi niya sa akin noong sinabi ko sa kanya ang gusto kong mangyari.


"Sige na," pilit ko.


"Ayoko nga," pilit din nya.


Ano ba gusto kong mangyari?


Eto ang eksena: Alas Dies na ng gabi. Tahimik ang buong neighborhood. Madilim. Bigla na lang maririnig ng mga kapitbahay ang kalabog na mangggaling sa aming bahay. Magigising sila. Lalabas sa kanilang mga bahay. Makikiusyoso.


At sa bahay namin, maririnig ang mga sigaw ko.


"Tama na Pang. Maawa ka na sa akin Pang. Di na mauulit," sigaw ko habang umiiyak.


Pero ayaw gawin ni Kulot. Mag-solo daw ako.

24 comments:

fuchsiaboy said...

S&M yata ang fetish mo?

either that o naaapektuhan ka na sa mga teleseryeng napapanuod mo?

Pbear said...

hahaha! Apir! :)

Kiks said...

gusto ni mandaya ng malateleseryeng relasyon. ganun lang.

marian, ikaw ba yan?

jericho said...

Pitikin mo ang egg yolk ni Kulot. Pag hindi kayo nag-away .. ewan ko na lang .. chos!

b-i-a-t-c-h said...

hahaha! i was feeling down coz may tampo ako sa BF ko but when i read your entry, sobra akong natawa. I so looove your blog, totally. well at least 2nd favorite kasi my brother is mel beckham and for me, he'll always be no.1. thanks for making me laugh!

mrs.j said...

hindi juday lang siya!

hastydevil said...

anubeh! nakakatawa naman ito...

agree ako, kailangan ng mga ganitong drama...

gibo said...

kalokah, feeling battered woman ang moda.

syempre ayaw ni kulot, baka neighborhood association ay tumawag sa gabriela!

mel beckham-atienza said...

bwahaha!

epekto ng sobrang panunuod ng mga teleserye.

or ikaw na lng ang bumugbog kay Kulot mam, for a change. Hihi

Gayzha said...

Natakot si Kulot na baka matuluyan at macharge pa siya ng domestic violence!

Mag organize ka na lang kasi ng Dramatic Guild for Gays sa Barrio!

The Zen Bitch said...

muntik nang bumuka ang mga butas ng aking laparoscopy sa katatawa

reyna elena said...

hehehe! next time na lumuwas ka nang manila, ano naman kaya? hahaha

Jake said...

LOL!!!

Dawn Selya said...

You want drama? My relationship is full of drama. I sometimes wish for no more drama. Pero totoo ka, it makes life more interesting. Sabi nga ng jowa ko, we certainly aren't a boring couple. Sige awayin si Kulot because the worst thing on earth is to be boring. Ha ha ha!

paul h roquia said...

kung ayaw nya talaga, hwag mo namang pilitin. pero para pagbigyan mo ang sarili mo, maghire ka ng 'aktor' na gaganap bilang kulot at isagawa mo ang eksena with matching lighting & production design... tiyak pag-uusapan ka for the next 10 years hindi dahil nag-away kay0 finally ni kulot kundi dahil kasama si kulot ng mga kapitbahay nyo habang inuumbag ka "niya"... odivavonggah?

alimuom.atbp said...

we all need a little spice in our love-life once in a while. pero hindi naman ganyan, mandaya.

kain ka na lang ng sili during your oh-yeah moments! hehehehe!

Lyka Bergen said...

Very Jakolyn Jose ang drama mo 'day!

Mico Lauron said...

hahaha! sabi ni echo pitikin mo daw ung egg yolk ni kulot. at tiyak mag aaway kayo nun. hahaha!

i had too much drama na. tumatanda ako ng wala sa edad. hahaha!

pero in the fairyness, i admire kulot.

MAG-SOLO KA!

hehehe!

akosimakoy said...

hahhaha! anlufet mo rin. maganda nga yung alang gulo eh. tripero ka rin no? hehehe!

Manilenyang_Praning said...

Maganda din mag monologue. Dapat yun na lang ginawa mo ateng.

Jhamy whoops! said...

hahahahahahah!!!

kamusta naman ang scenario mo...kulet! sana sinamahan mo yun tipong kakaladkarin ka palabas at may-i-tapon naman si kulot ng gamit mo.. at sasabihing "lumayas ka dito..eklavoo".. sosyal na sosyal! pang box office yang eksena nyu!!

natuwa ako sa post mo!! =)

Sexymoi said...

di ko ata maimagine na ikaw lang gumagawa nun hehe...

bob said...

the drama! hahaha!

efrenefren said...

Join na lang ako kung ayaw ni Kulot. :)