Wala si Patricia noong White Party namin. Nasa Bukidnon ang bakla, internship sa kanyang kursong Agriculture.
Nagpadala sya ng photo.
Thursday, January 29, 2009
Monday, January 26, 2009
White Party
Noong Sabado, nag-White Party ang mga bading. At dahil ilang araw na lang ay Chinese New Year na, puro lutong instik ang pagkain-- tulad ng pancit, kikiam, lumpiang shanghai at siomai.
Si Babes in the Bukid lang ang nakaitim.
Eto nag ilang photos.
Sa likod: Fiona, Meanne at Red. Sa harap: Kirat, Jeffrey, Re-Re at Glydel
Color-blind si Jeffrey. Para sa kanya, ang white ay blue
Kunwari malayo ang tingin
Ang naka-white shorts ay si Bon-Bon, ang pangalawang straight guy na dumalo sa party, liban kay Babes
At nag-endorse pa ng gatas ang mga bakla
Si Ako. White na, Chinese pa

Tuesday, January 20, 2009
Linis
Tinotoo ni Babes in the City ang sinabi nya sa akin- sya ang maglilinis ng apartment.
Kaninang umaga, dumating sya. Di maganda pakiramdam ko kasi feeling ko tatrangkasuhin ako.
"Next time ka na lang maglinis, iba pakiramdam ko e," sabi ko.
"Sa kwarto ka na lang, ang labas na lang muna lilinisin ko," sabi niya.
"E hindi ako makakatulong," sabi ko.
"Pinapatulong ba kita?" tanong nya.
Hindi na ako sumagot.
Hindi ako tumulong, pero kinunan ko sya ng photos.
Pati dish rack, nilinis nya
At ang DVD rack
Isa-isang pinunasan ng basahan ang mga DVDs kong galing sa mga pirata
Ginawan ko sya ng pizza for merienda
Salamat Babes, ibinalik mo ang malinis kong dangal.

Saturday, January 17, 2009
Thursday, January 15, 2009
My Favorite Thing
Nagchat kami ni Bananas kahapon. Naintriga sya kay Babes in the City.
Ang tanging masasabi ko lang tugkol kay Babes in the City ay "he is one of my favorites things."
Sinagot ba naman ako ni Bananas ng "Raindrops and Roses."
Sinagot ko rin sya ng "Whiskers on Kittens."
Ipinagpatuloy namin ang kanta.
"Bright copper kettles," chat ni Bananas.
"And warm woolen mittens," chat ko.
At dahil di nya saulado ang kanta, ipinagpatuloy ko.
"Brown paper packages tied up with strings," chat ko.
"These are a few of my favorite things," chat niya.
Aaminin ko, si Babes in the city ay isa sa mga paborito kong bagay sa mundo.
At bakit naman hindi.

Tuesday, January 13, 2009
Babes in the city
Nasa city ako ngayon para makipagkita sa textmate kong makulit.
Two weeks ago, ibinigay ng kapitbahay ko sa city ang mobile number niya.
"Mabait ito," sabi ni Junie sa akin noon.
"Sige na nga, mabait na kung mabait. E paano yan, nasa probinsya sya?" tanong ko.
"Pupunta sya dito para maghanap ng trabaho," sagot ni Junie.
Dumating sya noong Sabado. Sa Lola nya sya nakatira ngayon.
Noong Lunes, nagkita kami sa NCCC Mall.
"Saan ka?" text niya sa akin.
"Nasa grocery dept," sagot ko.
"Saan yan?" tanong uli niya.
"Sa ground floor," sagot ko.
Matagal bago sya uli nakasagot. Nakapila na ako sa cashier ng magtext uli sya.
"Saan ka dito?" tanong niya.
"Hanapin mo ang stall ng Porky Best. Tayo ka don," sagot ko habang nakatingin sa stall ng "The Best Chicharon in Davao City" sa harap ng cashier counter na pinilahan ko.
Ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin akong nakikitang nakatayo sa Porky Best stall.
"Sa 54?" text niya.
"Anong 54?" tanong ko habang nagbabayad ng pinamili.
"Shelf 54," sagot niya.
Natawa ako. Taga-probinsya nga sya. Hinanap ba naman ang shelf ng Porky Best sa loob ng grocery department.
"Sa escalator na lang tayo magkita," sabi ko.
Umikot muna ako bago pumunta sa escalator. Wala pa rin akong nakikitang cute guy.
"Saan ka na?" text ko.
"Nasa third floor ako. Sa arcade," sagot niya.
"Bata pa nga sya," naisip ko.
Umakyat ako papuntang Arcade. Doon ko sya nakita. Naka-smile. Napakagandang smile.
Kinuha nya ang grocery bag sa aking kamay.
"Ako na," sabi nya.
Umuwi kami ng apartment. Bitbit nya ang grocery bag. Bitbit ko sya.
Siya si Kenneth of Surigao del Sur.

Sunday, January 11, 2009
Laban Bawi
Sa mga nag-aakalang di pa ako tapos kay Kulot, medyo mali kayo.
Karamihan sa mga tao sa bukid ang akala ay hahayaan ko na lang na nakatayo ang pwesto. Ang iba naman ang sabi ay naghihintay pa rin ako na magkabalikan kami dahil naandyan pa rin ang pulang tindahan. Meron ding nagsasabing nagpapa-api ako.
Kahapon, lumaban ako.
Kahapon, binawi ko ang aking respeto sa sarili.
Kahapon, pinagiba ko ang pwesto.

Wednesday, January 7, 2009
Mahal?
Hindi totoong mahal ko si Babes.
Katunayan, bago nya nasabi ang linyang "kasi love mo ako," may kasama akong ibang lalaki sa beach.
Eto ang pruweba.
Sina Patricia, Re-Re, Red at Fiona
Si Patricia, Eping, Balong at Jayson
Sina Tuluy, Jayson at Balong
Eto ang pruweba na hindi ko mahal si Babes. Ang paglalandi ko kay Tating, pamangkin ni Kulot.

Sunday, January 4, 2009
Happy
Nakakapanibago si Babes.
Sa bahay sya naghapunan noong Sabado. Pero nang dumating sya, nasa kwarto ako. Nakahiga. Lasing. Galing kasi ng beach ang mga bakla. Naparami ang inom. Tumabi sya sa akin sa kama. Pinunasan ang pawis sa aking noo at leeg. Bahagyang itinaas ang aking ulo, inihiga ito sa kanyang mga hita. Hinipo ang aking buhok.
"Marami kang nainom ano?" tanong niya.
"Medyo," sagot ko.
Nakatulog ako. Ginising ako ng tawag nya.
"Gang, kakain na," sabi niya.
Paglabas ko ng kwarto, nakangisi sina Fiona at Re-Re. Ngising may halong kantyaw dahil sa pagtawag sa akin ng "Gang."
Pinahigop nya ako ng mainit na sabaw. Hindi sya ang nagluto, si Fiona. Pero feeling ko ito ang kanyang alay sa isang lasenggang dalagang katulad ko.
Pagkakain, konting pahinga lang at balik higa na naman ako. At bago sya matulog, ibinulong nya sa akin ang "mamaya na lang ang sorpresa ko."
Madaling araw nang magising ako sa sorpresa nya: isang napakagandang "Oh Yeah Moment."
At pagkatapos ng halos isang oras na pakikipaglaban sa kanya, tinanong nya ako ng "Happy ka?"
Tinanong ko rin sya ng "Happy sa?"
"Sa akin," sabi nya.
Hindi ako makapagsinungaling, sinagot ko sya ng "OO naman."
Di ko na mabilang ang mga lalaking nakasama ko pero ngayon lang may nagtanong sa akin kung masaya ba ako.
"Ikaw, happy ka?" ibinalik ko sa kanya ang tanong.
"OO," sagot nya.
"Bakit mo naman nasabing masaya ka?" tanong ko uli.
"Masaya ako kasi love mo ako," sagot nya.
Di ko alam saan nanggaling yon.

Thursday, January 1, 2009
Para kay Mandy
Noong Lunes, habang nasa city ako dahil lilipat na ang uupa sa extra room sa aking apartment, nagtext si Bukid Babe.
"Happy Monthsary!" text nya.
Di ako nakasagot kaagad. Natawa ako.
"Happy Monthsary too" na lang ang sinagot ko.
At nang magkita kami ni City Babe, sinabi ko ito sa kanya. Natawa rin sya.
"Ganyan ka, nakalimutan mo," sabi ko.
"Uso pa ba yan?" tanong nya.
"Para sa isa, uso pa. Sweet nga e," sabi ko.
Nakangisi lang ang Babes in the City.
"Monthsary din natin ngayon no," sabi ko.
Ayaw manilawa ni City Babe.
"Kasi noong magkita kami ni Babes, first text ko sa yo non. Ibig sabihin noon sabay kayo," proud na sabi ko.
Mahaba pa ang usapan namin pero di pa rin nya ako gri-neet ng "Happy Monthsary."
Kinagabihan, may ginawa si Babes in the City, para daw sa akin.
Eto

Subscribe to:
Posts (Atom)