Sunday, 4 January 2009

Happy

Nakakapanibago si Babes.


Sa bahay sya naghapunan noong Sabado. Pero nang dumating sya, nasa kwarto ako. Nakahiga. Lasing. Galing kasi ng beach ang mga bakla. Naparami ang inom. Tumabi sya sa akin sa kama. Pinunasan ang pawis sa aking noo at leeg. Bahagyang itinaas ang aking ulo, inihiga ito sa kanyang mga hita. Hinipo ang aking buhok.


"Marami kang nainom ano?" tanong niya.


"Medyo," sagot ko.


Nakatulog ako. Ginising ako ng tawag nya.


"Gang, kakain na," sabi niya.


Paglabas ko ng kwarto, nakangisi sina Fiona at Re-Re. Ngising may halong kantyaw dahil sa pagtawag sa akin ng "Gang."


Pinahigop nya ako ng mainit na sabaw. Hindi sya ang nagluto, si Fiona. Pero feeling ko ito ang kanyang alay sa isang lasenggang dalagang katulad ko.


Pagkakain, konting pahinga lang at balik higa na naman ako. At bago sya matulog, ibinulong nya sa akin ang "mamaya na lang ang sorpresa ko."


Madaling araw nang magising ako sa sorpresa nya: isang napakagandang "Oh Yeah Moment."


At pagkatapos ng halos isang oras na pakikipaglaban sa kanya, tinanong nya ako ng "Happy ka?"


Tinanong ko rin sya ng "Happy sa?"


"Sa akin," sabi nya.


Hindi ako makapagsinungaling, sinagot ko sya ng "OO naman."


Di ko na mabilang ang mga lalaking nakasama ko pero ngayon lang may nagtanong sa akin kung masaya ba ako.


"Ikaw, happy ka?" ibinalik ko sa kanya ang tanong.


"OO," sagot nya.


"Bakit mo naman nasabing masaya ka?" tanong ko uli.


"Masaya ako kasi love mo ako," sagot nya.



Di ko alam saan nanggaling yon.

23 comments:

bananas said...

ay. kilala ko itong lalaking ito. ito na at ikaw na--ang hinulaan! kayo ang kukumpleto sa sagrada familya sa sabsaban ng betlehem neks yer. pramis.

MkSurf8 said...

murag lain akong tan-aw kang Babes.

OA lagi!

blagadag said...

maniniwala na ako sa barang! babes, barangin mo rin ako, utang na loob. pliiiizzzz. mga mambabarang, tulungan nyo ako....crspin...basillliiooo.babes...

Roy@Siam said...

Speechless in Bangkok...

Well, not quite. A lovely story Ms. Mandaya. What a way to start the year.

A Bangin' Happy New Year indeed. Cheers to you both!

Lyka Bergen said...

"Gang" ang tawag ko sa pamangkin kong mataba.

mel beckham said...

Hala..
Love mo na ba siya 'nang?

Anonymous said...

Sampalin mo nga ako Atetch!!!!! Aray!!! nagising ako, thanks ha! EEEEEEEEKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK!!!

Anonymous said...

Wala akong masabi kundi, GO GO GO MANDAYA. Sana nga LOVE na yan.

Isaribi said...

Wow! Nakakainggit...

balyan diwata said...

nice shot! winner ka mandaya :-) happy ako for you...

sonya sonya said...

happy ang new year mo te. first oh yeah moment for 2009. great way to start ur new year right :P

krizandy said...

hahaha... shet! Eget! Pelet!!! kinilig ako dun ah!!! hmmnn/... ewan ko sayo, mabuti ka pa kasi always may nagpapasaya. hehehehe,.... gow gurl!!!!! ur too hot for all of them, buti naman na keri ka nila... hehehehe... buti nga kay curly! now he cud see what he let go! hehehe...

mwahhh... hapi xmas and a bountiful new year@!!!

[G] said...

nanggaling yun sa pagitan ng hita nya. chos!

Jake said...

...andyan ka na naman...tinutukso-tukso ang aking puso...

happy new year mandaya! :)

Neneng_Praning said...

ayos yan si babes ah. madaling araw pa kung magbigay ng supresa.

TsuuuuuuuuuupRAYS!!!!!

Happy New Year Ateng.

Saminella said...

inggit ako...





















i miss being inlove ang being loved. hahay.

Alec said...

Asa nimu na mit ni si babes?

kiel said...

kala ko yung kanta ni michael jackson before he became a white man.

pero happy nga. although original solid kulot ako noon - nag-move on na ako at labs ko na rin si babes. hahahaha

Diwata said...

napasmile talaga ako nung nabasa ko to... masaya akong nakikita kang msaya ateh... asan na kaya ang "babes" ko... ahihih

Anonymous said...

ANG TANONG: LAB MO RIN BA SI BABES??

SAGUTIN MO YAN AT WAG KANG AARTE-ARTE!! BASTA SAGUTIN MO!!! HANDERSTANG!!!

GANDA MO SIGURO TALAGA BRU...!

Anonymous said...

bagong taon talaga! .. ;)

-jericho-

Anonymous said...

ang haba ng hair!!! hahaha

teka, saan nga ba nanggaling ang 'love' na yan? love mo nga ba sya?

burrito said...

bolero yang babes na yan.