Sunday, April 26, 2009

Byahe

Isang linggo ko na itong tinatago sa sarili. Kilig ako.

Sya si Ray. Nakilala ko habang sakay sa van mula Cotabato papuntang Davao. Via Cotabato kasi ang byahe ko pauwi galing Misamis Occidental kung saan nagswimming ako with the dolphins.

Magkatabi kami ng upuan. Nagkakwentuhan. Tinanong nya ako kung saan ako galing. Sinabi ko naman. Tinanong ko rin sya. Eto ang kwento nya.

Tubong North Cotabato. 34 years old. 5' 6". Maganda ang katawan. Puro muscles. Walang bilbil. Nakakamatay ang abs.

"Kung taga North Cotabato ka, ano ginagawa mo sa Cotabato City," tanong ko.

"May inasikaso lang," sagot niya.

"Ano?" tanong ko.

Di agad sya sumagot.

Nag-antay ako.

Halatang may halong pag-aalinlangan, pero sumagot din sya ng "nag-inquire lang sa korte, kasi ipapa-annul ko kasal namin ng wife ko."

Naintriga ako. Ipinakita sa kanya, sa pamamagitan ng aking facial expressions (in plural form), na interisado akong makinig.


Isang taon na silang hiwalay ng misis nya. Malandi kasi. Nakipagharutan sa ibang lalaki. At si Ray, maraming kabaitan sa katawan. Imbes a idemanda ang bilat, hinayaan ito at nakipag-deal na kunin ang dalawa nilang anak.

Nasa nanay ni Ray ngayon ang mga bata-- 10 at 8 years old. Babae at lalaki.

Idinitalye ni Ray ang mga nangyari. Mahaba ang byahe. Mahaba rin ang kwento nya.

Pagdating sa Davao, niyaya ko syang mag-dinner sa Banok's. Sarado na kasi ang SM at ito ang pinakamalapit sa terminal ng van.

Habang inaantay ang order, sya naman ang nagtanong ng "Ikaw, may pamilya ka na?"

Automatic ang sagot ko na "bakla ako."

Binigyan nya ako ng smile.

"May boyfriend ka?" tanong nya.

At dito ko naikwento ang tungkol kay Kulot. At dahil mahaba ang kwento namin ng gagong yon, inaya ko si Ray ng beer sa Kanto Bar sa Matina Town Square.

Anim na beer, mahabang kwentuhan, Bigayan ng mga payo. Kanya-kanyang pakitaan ng simpatya sa isat-isa.

At nang maubos na ang beer, tinanong ko sya ng "Gusto mo pumunta sa bahay ko?"

Walang pag-aalinlangan OO ang sagot nya.

Sa bahay, kwentuhan na naman. At dahil pareho kaming galing sa byahe, pagod ang aming mga katawan,

"I-massage kita, tapos ako naman imasahe mo," sabi ko.

Pumayag sya.

31 comments:

blagadag said...

at nasilang ang babe sa van! sleeping with probinsyana, byahebyahera, masahista, oportunista, bonggadora at wala ng iba pa. ikaw a jud maam ang giingon sa mananagna nga moluwas sa 2 ka anak ni ray. ikaw na ngayon ang bagong mommy nila. paano na lang ang ibang babes? ang haba haba talaga ng hair mo. nipad papuntang kuwait at nahagip pati ang riyadh sa kahabaan ng hibla ng iyong lindog. whew. ayoko na. iyo na talaga ang crown.

Gram Math said...

oh my gawd, that fast!!!
I envy you, you are someone blessed with personality and good looks

the boomerang kid said...

happy!

Herbs D. said...

anlandi mo! ahahah. what happened next? do i need to know pa ba...

Ate Sienna said...

ganun???? syet!!! mamu!!!! bitin ang kwento mo!!!!!!!!!!!

Lyka Bergen said...

Red Horse lang ang katapat? Happy Beer Day!

... said...

Igat ka nang. Hihi

Elyong said...

Sheeet.... saan nyo nilagay ang mga dala ninyong bags sa dami ng pinuntahan ninyo... hehehehe

Anonymous said...

pokpok

atto aryo said...

ayos! panalo na naman! he he

Anonymous said...

omg!ang haba ng hair mo sa kili kili at mga singit singitan! im so excited sa susunod na kabanata! but most importantly im happy knowing your putting your life back together again :)

reyna elena said...

leche ka! hmpt! hahaha! ituloy mo! grrr! bitin ako noh?! hahaha!

hanz said...

Hmmmm...

What about yung kakaibang byahe na karugtong ng kwento mo? ishare mo naman dali...

Ming Meows said...

Ikaw ha...hmmmm....
Jackpot ka teh!

Babes in Abs ba ito? hehehe

Anonymous said...

Ang magagawa talaga nag maBOTENG usapan ba!!!!!! Ekkkkkkkkk!

Neneng_Praning said...

ang landi mo ateng. sobra!

Hi! I am LiLi! said...

kagwapa oi....perti gyud!

Anonymous said...

HOOOOY TEEEH. Ang Litrato?? Asa man??!! HAHAA. maski picture ng abs lang. hahaha

R. Baruto said...

.. at pagkatapos naming magpalitan ng masahe ay nangyari ang di dapat mangyari.. sinimsim namin ang gabi, nagpakaligaya..

Kinabukasan, paggising ko, wala na sya sa tabi ko. Pati ung cellphone ko, at pati ung perang pambayad sa apartment sa ibabaw ng ref ay nawala.

at sa salamin may nakasulat, gamit ang aking lipstick.. "things?"

HAhaha. Biro lang po =)

. said...

Woooot!! Ang galing. Haha.

Anonymous said...

Misery loves company and so do loneliness and gladness. Sana siya na nga. Kwento ng dalawang bigo na nagkatagpo at nakita na para pala sila sa isa't isa. WOW! Exciting ang story. Next episode please. Sino ang magiging kontrabida? Si Kulot? Ang bilat ni Ray o ni Kulot o ang 3 Babes? Mandaya, you have such a colorful life! Next name - Rainbow Mandaya!

Raiden Shuriken said...

huwaw! happy ending... na kaya? kaabang-abang 'yan.

blagadag said...

if this will bloom into a relationship, sorry na lang si ray. imbes na magpa annull sya ng marrigae, mademanda pa yata si ray ng bigamy. bigaon kasi si ma'am. hala jud ka ma'am! char!

Anonymous said...

si Madam Mandaya Moore talaga...ang ganda-ganda...

Anonymous said...

Si Madam Mandaya talaga, an-ganda-ganda...

mrs.j said...

kakaiba talaga ang alindog ng lola ko dapat kasi ma master ko na rin yan!

Yj said...

where's the good part?

[G] said...

Ang haba ng hair, umabot dito sa Penang. Tse!

Anonymous said...

Mader san ka nakabili ng alindog? Kailangan ko din nyan e...

Anonymous said...

Asan na??? Asan naa ang continuation?

john said...

tagal ko na di nakabalik dito ah