Sunday, 31 May 2009

Bakit sya nawala




Marami ang nagtatanong bakit bigla na lang nawala si Babe in the City. Sabihin na nating napagod na ako sa kanya. Nagsawa.

Hindi naman ako mapiling tao. Pero sadya yatang hindi para sa akin si City Babe. Sa kabilang banda, baka naman sadyang hindi ako para sa kanya.

Hindi naman kami nag-aaway. Pero hindi rin kami nagkasundo. Iba ang type nya sa music. Hindi rin sya palabasa. Mahilig sa pelikula pero di ko naman masakyan ang B movies. Pati outfit nya di ko type. Lalong nahahalata ang age gap namin.

Minsan naman nagkita kami sa mall, dumating ba naman na may headphones sa ulo nya. Buti sana kung iPod ang gamit. Isang MP3 player na Made in China with matching mumurahing headphones na tunog lata.

In fairness, nagkasundo naman kami sa paglalaro ng Nintendo Wii sa NCCC Mall. At sa sex.

Nguni't ang nagtulak sa akin na tigilan na sya ay noong mapansin kong malapit na maubos ang panyo ko.

Iyakin kasi sya.

Konting away ko lang, tutulo ang luha.

"Porke ba nakuha mo na ako, ganyan ka na," eto ang linya nya nang minsan ay tumayo ako sa gitna ng Oh Yeah Moment naman dahil napansin kong wala syang kabuhay-buhay.

"Inaantok ako," ang rason nya.

""Sinabi mo sana, hindi naman ako namimilit. Pwede naman tayong matulog," sabi ko.

Umiyak sya.

At dahil nabigla ako sa nangyari, inamo ko sya. Yumakap sya sa akin. Basa ang dibdib ko sa luha nya. May halong uhog. Dala ng pandidiri, tumayo ako. Kumuha ng panyo. Pinanindigan ko ang aking sinabi, natulog kami.

Pero sadyang mababaw ang luha ni City Babe. Minsan magkatabi kaming nakaupo sa sofa, pa-sweet ang drama, nabugahan ko sya ng usok ng yosi. Umiyak. Ang baba daw ng tingin ko sa kanya.

"Dahil ba nakuha mo na ako," sabi nya, lumuluha na naman.

"Di naman sinasadya. Tinamaan ng electric fan," sabi ko.

Ayaw niya maniwala. Isang panyo na naman ang inilabas ko.

Nakatatlong panyo rin sya.

Umuwi sya sa probinsya nila noong Semana Santa. Pagkatapos ng Holy Week, nagtext sya sa akin.

"Pababalikin mo pa ako?" tanong nya.

Hindi ako nagreply. Hanggang ngayon, deadma ko sya. Naisip ko, mauubos mga panyo ko.

39 comments:

Anonimus said...

Labad man ka Mandaya oy.

Sabta na lang god. Ana man jud ang mga laki. Aw ang uban ra diay.

Palit na lang daghan panyo. Mas maayo nang sya ang makahurot kaysa ikaw.

'Nya hatagig ipod + headset nga Klipsh X10 ug di nimo maantos ang iyang mga accesories, hahaha.

Seryus.. di ka ganahan gukdon no? Gusto nimo ikaw jud ang mag-gukod-gukod ug magka-lisod-lisod.

Anay amo sa gyud iton. Kun yaon magpadili dili. Kun mawara magtiniyaho. Hay.

blagadag said...

whahahahahahaha. porke nakuha mo na ako. whew.. pagkagwapa ni city babe. bata jud diay. naantok sa gitna ng torjak? tse sya! minus. earase! delete. unsa ba! sa militar na lang maam. ratatat ton pa ka.

Herbs D. said...

aw :( kalungkot naman. mahaba naman ang hair mo girl, makakaraos ka rin diyan sa drama mo hehe.

flip lang ng hair..di ko na rin tinanung noon, nung napansin kong bigla nalang nawala si BB..sayang! hihiramin ko pa sana naman..hahahaha

etchos!

r-yo said...

bili ka na rin kasi ng made in china na panyo. 10 for 100. o di kaya good morning towel para kahit baha sa luha, ayos! heheheh

dr magsasaka said...

This is so funny. Clearly, the relationship is not based on very solid grounds, lol.

Ano na nagyari kay Babes in the City?

Ming Meows said...

may scout ranger ka na kasi. may bonus pang abs. so out na si babes.

Anonymous said...

... siguro mismatched lang talaga kayo ni Babe.

Kung sa tingin mo masikap ang kama mo para sa inyong dalawa, then why stay that way.

I think I should learn how to 'bail-out' in an uncompromising relationship, tulad mo mandaya.

Salamat sa pagsagot sa katanungan ko. Matagal ko ng gustong malaman kung nasaan na si Babes. :0

Kukok said...

ako marami akong panyo, sa akin mo sya pabalikin, ok lng?

in connection to ur title, hindi sya nawala, kundi, hindi na pinapansin.

sa akin na lng si ken and his endearing smile. syeyt!

dexter said...

ang sama naman,nagsawa na lang,ganun lang yun? ito na ata ang pinaka ayaw ko sa nabasa ko dito. parang so insensitive naman.kawawa naman yun tao.nagamit lang.meron na kasi ata nakita iba,kaya may dahilan na para magsawa.

Anonymous said...

teh, keri lang yan, sayang ang panyo mo....

Baklang Maton in the Suburbs said...

ateh minsan talaga tayo naman ang dapat umayaw. kaso ang hirap kaya lalo na pag ang sarap nung guy...

di bale, me mahahanap din sha. as for you ateng mandaya, hinay hinay nagiging playgirl ka na rin like me...

candy said...

totoo pa ba tong mga sinasabi mo ha, mandaya?... hmmm...

PATRYCK said...

Teng, sa akin na lang si city boy...
Type ko yung iyakin...hehehehe
Pahingi naman ng number ska yahoo id kung meron ka pa.....
Di ka magsisi te.... lalo na siya..hehe

Your avid fan,
patryckjr@yahoo.com

blagadag said...

hala, grabe ang pro-babe. parang mga pro cha cha at pro hayden kho. mga bagag ilok.

ACRYLIQUE said...

"Porke ba nakuha mo na ako, ganyan ka na," - this is a classic...

SCOUT RANGER ftw!! :)

foxyreign said...

Minsan naman nagkita kami sa mall, dumating ba naman na may headphones sa ulo nya. Buti sana kung iPod ang gamit. Isang MP3 player na Made in China with matching mumurahing headphones na tunog lata.Di naman bitter?

dexter said...

how babaw naman the reasons kung bakit nagsawa na lang bigla dun sa tao. dahil hindi magkapareho ng taste sa mga bagay? at ipinangalandakan pa na sa nintendo at sex lang nagkakasundo? i feel so sorry fo city babe,was just used and dropped like that. and i feel so sorry for the writer of this blog,it just shows how shallow he is.

Yj said...

kumustahin mo naman siya ateng at baka kung ano na nangyari dun....

kung ganyang bagay nga iniiyakan what more kung iniwanan mo na siya...

in all fairness parang ang cute ng guy na umiiyak ahahahahaha

marc said...

Nung sinabi niya na "porket bnakuha mo na ako" ang tamang sagot jan :"Huwag kang magalala hindi lang ikaw"hahaha

Steffi said...

Eh si Babe in the Bukid? What happened? :D

Anonymous said...

alam mo kasi dexter ganyan talaga. either ang lalaki ang tumi-take advantage sa bakla o the other way around. si mandaya kasi parang the typical maldita, showy gay, si city babe naman ay feel ko nag-iisip na--ah ito bakla, pwedeng makuha lahat ng gusto ko. malas lang kasi si mandaya ay ma-diskarte. so, buti pa wala nalang. ako nga kamakailan lang nilapitan ng lalaki, sabi--ang lamig ng panahon, ang sarap mag***. sagot ko naman--oo nga sabi kasi parating na yung habagat kaya malamig. ayon, umalis. buti nga kasi pagkatapos ano? kaya city babe hanap ka ng maganda at mabait na babae. wag bakla. you don't deserve them, sayang lahi mo.

grill said...

alam mo kasi dexter ganyan talaga. either ang lalaki ang tumi-take advantage sa bakla o the other way around. si mandaya kasi parang the typical maldita, showy gay, si city babe naman ay feel ko nag-iisip na--ah ito bakla, pwedeng makuha lahat ng gusto ko. malas lang kasi si mandaya ay ma-diskarte. so, buti pa wala nalang. ako nga kamakailan lang nilapitan ng lalaki, sabi--ang lamig ng panahon, ang sarap mag***. sagot ko naman--oo nga sabi kasi parating na yung habagat kaya malamig. ayon, umalis. buti nga kasi pagkatapos ano? kaya city babe hanap ka ng maganda at mabait na babae. wag bakla. you don't deserve them, sayang lahi mo.

R Baruto said...

Porke't nakuha mo na ako.. Ano ibig sabihin nun? finuck mo si babes in the city?

wala curious lang. kse minsan kusog kaayo ulan diri sa davao, og kusog ang kidlat. baka that time, si mandaya nag TOP. Di nakayanan ng kalangitan. hehehehe

Anonymous said...

masyado ka namang maarte... eh ano ngayon kung MP3 made of china at mumurahing headphone? eh kung yun lang tlag ang makayanang bilhin ng pobre? Huh? ikinahihiya mo ba yun? tsk tsk... like pa naman kasi mapili ka man, pero di ka maarte at matapobre! pero okay lang... tulad ng sabi mo, kanya kanya eskandalo ito.

Anonymous said...

lage ba mandaya uy! gi lubot nimo si babes in the city no! hahhhaahaha. kalingaw jud ui, nauntay video scandal para mas lami!

dexter said...

tama,ang arte pala nitong mandaya na to.kala mo kung sinong rich nouveau kung makapanlait.kung napapangitan ka sa mp3 at headphones nya,eh bat hindi mo ibili ng ipod,kung feeling sosyal,mayaman at matapobre ka!

Anonymous said...

Kawawa naman ang tao. We must not used people. We use things and never other persons for our own satisfaction. Naawa ako kay Mandaya noong iniwan siya ni Kulot (this was actually what happenned even though it appeared Mandaya cut the relationship). Does being hurt give us the license to hurt others too? What then is our difference with those who have betrayed us?

candy said...

i think pera-pera lang din mga relasyon ni mandaya. kasi kung walang pera factor at "mahal" talaga siya ng mga boylets nya e hindi nya basta2 i-give up mga un. and since pera2 lang, madali na maghanap ulit.

Baklang Maton in the Suburbs said...

sabi sayo me mahahanap din sya eh...

dexter, each to his own. read my blogs na rin para maaliw ka.

hehehe! plug pa eh noh?

Ate Sienna said...

to DEXTER at sa mga nagsasabi na maarte si Mandaya:

what gives you the right to go to a blogger's blogsite and speak ill of the blog owner?

if you don't like what he/she is talking about, may "X" na box dyan sa right-most corner ng window, nyo... you dont have to "put up with this". But it seems like, ininsulto nyo na nga yung blogger, pero balik pa rin kayo ng balik para basahin ang entries nya... what gives?

ok lang kung hindi kayo pareho ni mandaya ng paningin sa mga bagay-bagay. pero pwede nyo namang sabihin ng mas maganda ang mga opinion nyo without resorting to insults. para kayong pumapasok sa bahay ng may bahay tapos duduraan nyo yung tinitirhan nya. nasan ang blog etiquette nyo?

Anonymous said...

well said ate sienna! go mandaya!

ahhh...ehhhh....dexter, mag valium ka mun 'te.....para maghunos dili ka...sorry walang pill for "etiquette", kung meron, mga 3 pills siguro kailangan mong inumin....

Anonymous said...

i checked his youtube account. bakit may babae na siya?

dexter said...

thanks for pointing such things ate sienna. no,really,thanks talaga. i'm not normally like this,i dont usually post violent reactions on stuff i read on the net. you're right,i could've said my piece in a more gentle manner. i guess i got carried away,and felt sorry for city babe. pathetic isnt it,for me to get so affected on someone else's relationship that turned sour.should get a life.anyways,glad to hear that city babe is doing well,and i apologize if i offended some people,esp. mandaya--coz hindi na nya in-approve yun last comment ko.i just felt the last post was written insensititively and i just felt for city babe. ok,time for me to get a life! and no,i dont need the valiums dear,nahimasmasan na po ako. thanks for the advice,anyway!

ZeroGravity said...

Ang taray ni ate sienna. =)

candy said...

ate sienna, relax lang ha. pag open ang blog mo to all, open ka din dapat sa comments, including negative and other freaking insults. blog etiquette? san meron nun? pabili nga?
dear mandaya, i still like you pa rin kaya balik pa rin kami ng balik and alam ko naintindihan mo kaming mga "nega" kahit pano... part ka na rin ng buhay namin kasi kaya ganyon!

Ate Sienna said...

DEXTER, i accept your explanation. I know that sometimes hindi naman lahat ng gawin ni mamu, lahat, aprubado. Pero siempre, buhay pa rin ni Mamu ito na gusto lang nyang i-share sa atin. Pasalamat pa rin tayo na we're privy to the goings on inside Mamu's life. Kung ayaw naman natin, pwede nang hindi balik-balikan ang blog, diba? Basta yun lang, respetuhan lang. kaya ok na ako dun sa sinabi mo. Accepted ko na yun.

At trulalash, Candy. Open naman talaga ang blogs. Minsan talagang nakaka-flare up ng emotions. Pero yun nga, respeto lang ng konti. I'm sure si Mamu, never na mang-i-insulto ng readers nya kaya, in return, ang readers nya, konting hinahon lang minsan kapag nagko-comment. Yun lang naman. And for that, peace na ako ulit.

Tuloy ang ligaya!!!!

burrito said...

ay leche, anong kaguluhan to?! chos! basta tuloy ang ligaya! happy ako for mandaya dahil in control sya sa mga "relationships" nya.

RONRIC said...

wala lang no comment na ko..hehehe

Echoserita said...

sayang si babe in the city.. sigh