Napapadalas ang pagpunta ko ng city. Napapadalas din kasi ang punta ni Ranger sa bahay ko.
At dahil may washing machine, nikikilaba sya.
Sigurado akong nagtataka ang mga kapitbahay at bakit may kakaibang kulay sa aking sampayan.
At habang nag-aantay na matuyo ang mga labada, syempre kailangang kumain. Si Ranger at ang inihaw na baboy
Monday, June 29, 2009
Friday, June 19, 2009
Basketball
Ang gaganda nila. Ang sisexy ng mga suot nila. Parang pupunta ng beach. Halos lahat ay naka-swimsuit. Gold ang kay Red. Black ang kay Glydel. Peach naman ang kay Patricia. Si Fiona, bra ang suot. Sexy rin sina Meanne, Nicole at Odi. Tanging si Samuel ang naka "normal" outfit.
At ang okasyon: basketball ng mga bading.
Foundation Day kasi ng munisipyo. At dahil sayang din naman ang premyo-- P2,000 sa winning team at P1,000 sa matatalo --sumali ang mga bakla. Ang usapan: Hahatiin ang prize money. At dahil may karagdagang P500 sa mapipiling "Best Costume," gumayak ang mga bakla.
Nguni't di ganon kalakas ang loob ng mga bading. Sa gym kasi ang venue, Siguradong maraming tao. Kaya umaga pa lang ay tatlong Tanduay lapad na ang kanilang ininom.
At nang medyo tinamaan na sila at nawala na ang hiya sa katawan, sa gym ang diretso nila.
Andaming tao.
"Kaya nga heavy make-up ang ginawa ko para di ako makilala," sabi ni Red.
"Gaga, kahit nakatalikod ka, alam nilang ikaw yan," sabi ni Fiona.
Hinati ang mga bakla. Ang team ng mga matataba (Fiona, Red, Meanne at Odi) at ang grupo ng mga payat (Patricia, Glydel, Nicole at Samuel).
Team Pugad Baboy vs Team Pussycat Boys.
Bago nagsimula ang laro, nilapitan si Red ng commentators.
"OK lang ba balahurain ang mga comments?" tanong ng isang commentator.
"OK lang. Ginusto namin ito," proud na sagot ni Red.
At nagumpisa na ang laro. Si Fiona ang bilis ng takbo. Si Samuel parang totoong player, tumatalon. Si Glydel, pa-cute ang takbo. Di napansin si Patricia, nakatayo lang lagi. Hinablot ni Red ang bra ni Nicole. Si Meanne, di gaanong tumatakbo. Nakatayo lang sa ilalim ng ring. Naghihintay ng fastbreak. At kung tumakbo man sya, may double breast exposure na nagaganap dahil sa maluwang niyang outfit.
Wala pang three minutes, surrender na ang referee. Lahat ng violations ginawa ng mga bakla. Foul dito. Foul doon. Travelling. Lifting. Double dribble. Pagshoot sa maling ring.
"Wala ng rules. Padamihan na lang ng mai-shoot na bola," anunsyo ng commentator.
Mas lalong gumulo ang laro.
Sampung minuto pa lang ay tapos na ang game. Ang score: 10 sa Pugad Baboy at 14 sa Pussycat Boys.
Sampung minutong takbuhan, agawan ng bola, sigawan, tawanan at tilian.
Happy ang lahat. Lalo na ang mga bakla, na kumita ng pera sa loob ng maikling oras.
"Mas maganda pa ito kesa Miss Gay," sabi ni Red.
"At least dito, sure ang talent fee," sabi naman ni Glydel.
"At may inihandang packed lunch pa ang munisipyo," sabi ni Fiona.
At habang kumakain ang mga bakla, nagsalita ang Fiona.
"Hindi ako makahinga," sabi nya.
Ayaw maniwala ng mga bakla.
"Totoo, hindi ako makahinga," giit ng bakla.
Namumutla ang Fiona. Naniwala ang mga bakla.
"Dalhin nyo ako sa health center," hiling ni Fiona.
Tumawag ng tricycle ang mga bading. Isinakay si Fiona. Tanging si Re-Re ang sumama sa kanya. Nagpa-iwan ang mga bading.
Sa health center, pigil ang tawa ng mga tao. Noon lang nalaman ni Fiona kung bakit si Re-Re lang ang sumama sa kanya.
Kinunan sya ng BP, 100 over 80. Pero ang nurse di napigilan ang pagtawa.
Sa harap nya: Si Fiona, suot ang isang napakasikip na bra.
PS
May photos at video sa celphone ni Glydel. Kuha ng isang high school student na pinag-iwanan nya habang sya ay naglalaro. May diperensya ang cel nya, ayaw magsend via bluetooth.

Monday, June 15, 2009
Back to normal
Naging "back to normal" ang buhay ni Ranger sa piling ng kanyang asawa at dalawang "anak."
At dahil malapit lang sa probinsya nila ang Maguindanao, kung saan sya nadestino, madali lang itong nakakauwi kung gusto o kung bakante.
"Doon sila tumira sa bahay ng Nanay. At least, may katulong si misis sa pagbabantay ng mga bata," sabi nya.
Hindi gaanong magastos ang buhay sa probinsya, kaya naman nakakaipon sya sa di naman kalakihang sweldo. Pati si misis, nagnegosyo rin ng Tupperware.
Pero may ambisyon si Ranger. Gusto nyang umangat. Gusto nyang tumaas ang ranggo para naman tumaas din ang kanyang sweldo.
"Ayokong matulad sa ibang sundalo dyan na kuntento na sa kung ano ang meron, naghihintay ng ilang taon para tumaas ang rank," sabi niya.
At nag-aral sya. Kumuha ng kursong information technology. Hinanapan ng paraan na maging office-based ang trabaho. Wala gyera. Aral muna. Sa umaga, nasa loob lang sya ng kampo-- utusan ng mga opisyal. Pagkahapon, takbo sa eskwela.
Sa ambisyon nyang ito, napilitan syang iwan ang pamilya. Sa Davao City lang kasi may opening sa gusto nyang arrangement-- patuloy ang pagiging sundalo habang nag-aaral.
Sa October, matatapos na ni Ranger ang apat na taong kurso. Pagkatapos nito, balak nyang kumuha ng exams para maging opisyal. Diretso na tinyente. Mas malaki ang sahod.
Pero bago pa man nya matupad ang kanyang pangarap, may nangyayari na naman.
"Nagtext kapatid ko, pinapauwi ako. Ayaw sabihin kung bakit," sabi nya.
At umuwi nga sya. Doon nya nalaman na lumayas ang misis nya. Nasa Cotabato daw. May kinakasamang iba. Pinuntahan nya ang misis. Inabutan pati lalaki nito.
"Dinala ko sila sa pulis," sabi nya.
Walang nangyaring away. Walang sigawan. Walang bugbugan. Walang barilan. Pero may nasaktan. Sya.
"Pina-blotter ko sila. Pinapirma sila ng pulis, pinaamin sa ginawa nila," sabi nya.
Kahit mga pulis sa station nagtaka sa ginawa niya.
"Sinabihan pa ako nong isang pulis na pwede naman daw nilang bugbugin ang lalaki, pero sinabihan ko na huwag," sabi nya.
Matapos pumirma ng dalawa, iniwan sila ni Ranger. Umuwi sa bahay. Niyakap ang mga anak. At noong tanging sya na lamang sa loob ng kwarto, umiyak.
"Tinakpan ko ng unan mukha ko para walang makarinig sa iyak ko," sabi nya.
Hanggang ngayon, ganito ang ginagawa nya tuwing naalala ang mga nangyari.
"Dinadaan ko na lang sa iyak. Minsan, wala namang pumapatak na luha pero alam kong umiiyak ako," sabi nya.

Tuesday, June 9, 2009
Ang buhay niya
Madrama ang buhay ni Ranger.
Sundalo din ang tatay niya, pero namatay sa aksidente sa motorsiklo. May pension naman sana nguni't winaldas ito ng kanilang ina. Nainlove kasi sa isang pastor at iniwan ng ilang buwan ang lima nyang anak.
"Ewan ko kung saan pumunta. Kaya napilitan kaming magkakapatid na mabuhay sa sarili naming kayod," sabi niya.
At dahil may basketball ring sa tapat ng bahay nila, ito ang naging hanapbuhay nila. Palibhasa magagaling sa basketball, kumikita sila ng pang-food supply mula sa sugal sa laro.
"Sinisiguro naming panalo sa first game. Sinasadya naming matalo sa second game. Kaya ang mga kalaban lumalakas ang loob na pumusta ng malaki sa third game," kwento nya.
Ilang buwan ding ganito ang ginawa ng magkapatid hanggang sa bumalik ang kanilang ina. Walang dalang pera. Naubos sa kalandian.
"Nang bumalik sya, may kalahating sakong bigas pa, may mga pagkain pa kami-- lahat yon galing sa panalo namin sa basketball," sabi niya.
Hindi na sila nagtanong pa kung saan galing ang ina. Tinanggap nila ito. Pati ang katotohanang ubos na ang pension ng tatay nila, na pati kapirasong lupa sa South Cotabato ay ibinenta nito, tinanggap nila.
At dahil sila na lang lagi ang nananalo sa basketball, walang ng gustong makipaglaro sa kanila.
"Kaya naghanap kami ng trabaho," sabi niya.
Unang trabaho niya ang pumpboy sa isang gasoline station sa Cotabato. P50 a day ang sweldo. Tapos, lumipat sya sa isang hardware store. Mas mataas ang sweldo. P100 a day.
"Pero sobrang liit pa rin noon. Kaya naisipan kong mag-apply sa Army," sabi niya.
Sa Luzon sya nagtraining, Pagbalik nya sa kanila, isa ng sundalo. Wala na rin ang pastor. Natakot daw.
Nag-asawa sila ng kanyang kababata. Nagka-anak. Nadestino sa Basilan.
"Nang bumalik ako mula Basilan, wala sa bahay namin ang asawa ko. Umuwi raw sa Nanay nya," sabi nya.
Hindi sya nagpasabi na umuwi sya. Sosorpresahin nya ang misis.
Siya ang nasurpresa. Dahil nang makarating sya sa bahay ng nanay ng misis nya, dalawa na ang anak nya.
"Nakipagrelasyon sya sa iba. Sundalo rin. Marines," sabi nya.
Dinaan lang sa iyak ni Ranger ang nadiskubreng pagtataksil ng misis. Kinuha ang anak at umuwi sa kanila.
Nagrequest din sya ng transfer of assignment sa Maguindanao para mas malapit sa anak niya.
Anim na buwan ang lumipas, nabalitaan nyang namatay sa bakbakan ang kinakasama ng asawa niya.
Mabait si Ranger. Sobrang bait. Binigyan nya ng isa pang pagkakataon ang asawa. Nagsama silang muli. Pati anak nito sa iba isinama.
"Anak na ag turing ko sa kanya. Mahal na mahal ko ang bata. Mahal na mahal din sya ng panganay ko" sabi nya.
"Back to normal ang buhay namin," dugtong niya.
Yon ang akala niya.
Wednesday, June 3, 2009
Tao lang po
At dahil andaming nega comments sa huling post ko (at may isa pang nag-email sa akin ng isang mahabang sulat), minabuti kong gumawa ng hakbang.
"Hello!" text ko.
"Milagro," sagot nya.
"Hehe. Musta ka na?" tanong ko.
"K lang. Kaw?" sagot at tanong nya.
"K lang din," sagot ko.
"Galit ka?" tanong ko.
"Sa?" tanong na sagot niya.
"Sa pagdedma ko sa yo." sagot ko.
"Medyo noon. Pero wala na yon," sagot niya.
"Totoo ka?" tanong ko.
"Yup," sagot nya.
"Sure ka di ka galit?" pangungulit ko.
"OO nga," sagot nya.
"Sure?" isa pang pangungulit.
"Kol ka nga para usap tayo," sagot niya.
At tumawag ako. Nag-usap kami. Sa boses nya, hindi nga sya galit. Pero nag-sorry pa rin ako. Medyo mahaba ang naging usapan namin.
Kinumusta ko ang MP3 player nyang linggo-linggo na lamang ay nawawala ang music files at linggo-linggo rin syang nagda-download sa PC ko.
"Sa awa ng Diyos, patay na. Kahit magsave ng music, di na pwede," sagot niya.
Tumawa ako. Tumawa rin sya.
"Kumusta buhay mo dyan?" tanong ko.
"OK lang. Balik aral," sagot nya.
"Mabuti yan," sabi ko.
Andami pa naming napag-usapan. Pero gusto ko pa ring makasiguro.
"Sure ka hindi ka galit ha?" tanong ko uli.
"Hindi nga. Kung galit ako, kakausapin ba kita? Magre-reply ba ako sa yo?" sagot nya.
Naniwala ako. Pero di ako nakapagpigil, at tinanong ko sya ng "May bago ka na?"
Ayaw sumagot. Tinanong ko uli.
"Secret," tanging sagot nya.
Alam ko na ang sagot.

Subscribe to:
Posts (Atom)