Friday, 19 June 2009

Basketball

Ang gaganda nila. Ang sisexy ng mga suot nila. Parang pupunta ng beach. Halos lahat ay naka-swimsuit. Gold ang kay Red. Black ang kay Glydel. Peach naman ang kay Patricia. Si Fiona, bra ang suot. Sexy rin sina Meanne, Nicole at Odi. Tanging si Samuel ang naka "normal" outfit.

At ang okasyon: basketball ng mga bading.

Foundation Day kasi ng munisipyo. At dahil sayang din naman ang premyo-- P2,000 sa winning team at P1,000 sa matatalo --sumali ang mga bakla. Ang usapan: Hahatiin ang prize money. At dahil may karagdagang P500 sa mapipiling "Best Costume," gumayak ang mga bakla.

Nguni't di ganon kalakas ang loob ng mga bading. Sa gym kasi ang venue, Siguradong maraming tao. Kaya umaga pa lang ay tatlong Tanduay lapad na ang kanilang ininom.

At nang medyo tinamaan na sila at nawala na ang hiya sa katawan, sa gym ang diretso nila.

Andaming tao.


"Kaya nga heavy make-up ang ginawa ko para di ako makilala," sabi ni Red.


"Gaga, kahit nakatalikod ka, alam nilang ikaw yan," sabi ni Fiona.


Hinati ang mga bakla. Ang team ng mga matataba (Fiona, Red, Meanne at Odi) at ang grupo ng mga payat (Patricia, Glydel, Nicole at Samuel).


Team Pugad Baboy vs Team Pussycat Boys.


Bago nagsimula ang laro, nilapitan si Red ng commentators.


"OK lang ba balahurain ang mga comments?" tanong ng isang commentator.


"OK lang. Ginusto namin ito," proud na sagot ni Red.


At nagumpisa na ang laro. Si Fiona ang bilis ng takbo. Si Samuel parang totoong player, tumatalon. Si Glydel, pa-cute ang takbo. Di napansin si Patricia, nakatayo lang lagi. Hinablot ni Red ang bra ni Nicole. Si Meanne, di gaanong tumatakbo. Nakatayo lang sa ilalim ng ring. Naghihintay ng fastbreak. At kung tumakbo man sya, may double breast exposure na nagaganap dahil sa maluwang niyang outfit.

Wala pang three minutes, surrender na ang referee. Lahat ng violations ginawa ng mga bakla. Foul dito. Foul doon. Travelling. Lifting. Double dribble. Pagshoot sa maling ring.


"Wala ng rules. Padamihan na lang ng mai-shoot na bola," anunsyo ng commentator.


Mas lalong gumulo ang laro.


Sampung minuto pa lang ay tapos na ang game. Ang score: 10 sa Pugad Baboy at 14 sa Pussycat Boys.


Sampung minutong takbuhan, agawan ng bola, sigawan, tawanan at tilian.


Happy ang lahat. Lalo na ang mga bakla, na kumita ng pera sa loob ng maikling oras.


"Mas maganda pa ito kesa Miss Gay," sabi ni Red.


"At least dito, sure ang talent fee," sabi naman ni Glydel.


"At may inihandang packed lunch pa ang munisipyo," sabi ni Fiona.


At habang kumakain ang mga bakla, nagsalita ang Fiona.


"Hindi ako makahinga," sabi nya.


Ayaw maniwala ng mga bakla.


"Totoo, hindi ako makahinga," giit ng bakla.


Namumutla ang Fiona. Naniwala ang mga bakla.


"Dalhin nyo ako sa health center," hiling ni Fiona.


Tumawag ng tricycle ang mga bading. Isinakay si Fiona. Tanging si Re-Re ang sumama sa kanya. Nagpa-iwan ang mga bading.


Sa health center, pigil ang tawa ng mga tao. Noon lang nalaman ni Fiona kung bakit si Re-Re lang ang sumama sa kanya.


Kinunan sya ng BP, 100 over 80. Pero ang nurse di napigilan ang pagtawa.


Sa harap nya: Si Fiona, suot ang isang napakasikip na bra.



PS

May photos at video sa celphone ni Glydel. Kuha ng isang high school student na pinag-iwanan nya habang sya ay naglalaro. May diperensya ang cel nya, ayaw magsend via bluetooth.

33 comments:

Baklang Maton in the Suburbs said...

ay na-miss ko ang mga beki... ateng wala pa rin ako sa links mo...nagtatampo na ketch...

The Zen Bitch said...

hay. akala ko atake de corazon na. wonder-bra lang naman pala. buti na lang!

Herbs D. said...

ang galing galing naman talaga magsulat! natawa talaga ako dito. bravaaa!

|Jeep| said...

Walang picture?!

SAYANG NAMAN! :(

Anonymous said...

pictures!!!! pleeeeaaaasssseee!!!

Diwata said...

ampotah, hindi nakahinga dahil sa bra! hahahah... loka lokang fiona! Pero diba, winner ang mga bading! Bow.

Roy@Siam said...

hahahaha! nearly fell off my bed laughing! I just wish you had some photos to go with this entry. I'll surely fall off for sure!

The gurls rock!

blagadag said...

hellooooowww!

mel beckham said...

Bwahahahaha!

Mabuang ko!

Ming Meows said...

walang picture?

hanzsapitan said...

sana sinamahan mo ng photo kahit costume man lang makita namin..hahaha. kya pla di makahinga dahil sa bra hahaha..galeng..

Yj said...

ahahahaha buti man lang kung nanalo siya sa best outfit?

Princhecha Fiona said...

ate, wag kasi ipagpilitan ang 32D na bra. wag ganun, mahirap tlga huminga nun. hahaha. winnur ang eksenang itu!

sexymoi said...

sayang naman ang pics...

jericho said...

characters talaga ang mga bakla sa bukid. wagi!

Omar said...

BWAHAHAHAHA!!!

ganahan ko sa show dai!!!

kinahanglan najud nako sila mahimamat. miss you dai!!!!!!

Dawn Selya said...

ayyy... ayaw ng mga fans walang pics... hehehe... must be a riot to see these fun people in action:)

reyna elena said...

hahaha mamamatay matay ako nang kakatawa nito hahaha i just wished na-i post mo mga pictures then again baka ako naman isugod sa ospital nang disoras hahaha pero i can't wait to see your pics haha

Lyka Bergen said...

Sayang naman at walang pics. Talented ang mga Bakla. Ikaw ang manager?

ofpuffsandshots said...

love reading your entries. :)

i linked your site to my blogsite. :))

Bryan Anthony said...

lech, walang photo.

woof!

Anonymous said...

Hahahahahahahahaha. Tagam!

Jase said...

Asa na ang mga piktyurs ...

Zai Zai said...

excited ako makita mga pix. sana maayos phone ni glydel.

blacksoul said...

Hahahahah,Grabe kaya pala di makahinga masikip ang bra.

foxyreign said...

me wants to see the pictures!!!

dilanmuli said...

sayang naman at nasira ang fone. hahaha! pero mas okay talaga kung me pics pa hahaha! katuwa grabe... babalik ako ditei....

enJAYneer said...

hehehe... kwela.. ^_^

-enJAYneer-
JAYtography: An Online Travelogue

Anonymous said...

ang ganda ng talambuhay ni mandaya namiss ko tuloy ang province ko samar, bukid na bukid din kaso walang dagat, ilog, sapa at falls lang meron sa amin... wala nbang karugtong? june 25? sana ako rin ibahagi ko ang aking estorya ng buhay.

Ororo said...

because of my admiration to manadaya moore. i make my own blogs too and i invite anyone to see and read my blogs....
http://ororo-amino.blogspot.com/

cronwell said...

wow ang saya saya naman

ZeroGravity said...

pictures!!!!!!! kaasar naman mandaya!

Hasmin Navoa said...

i love your friends! They are really on the go. Walang kyime.. fun to be with and for sure andyan para sayo all the time..