Friday, 24 July 2009

OK lang din ako

Matapos kong masigurong OK na sya, siniguro ko namang OK din ako.

Klaro sa akin kung saan ang limitasyon ng tulong na ibibigay ko.


Hindi ko sya inalagaan tulad ng pag-aalaga ko kay Ranger noong nagkasipon ito.

(vicks steam)




Hindi ko sya ipinagluto tulad ng ginawa ko kay Ranger











Ang huling text ni Malyn sa akin: "Katatapos lang ng x-ray. Wala namang bali. Mga pasa lang daw kaya nahihirapan pa rin syang kumilos. Maraming salamat sa tulong."


Hindi ko sinagot para di na humaba pa ang palitan ng text.


Pero nagtext sya uli ng: "May sukli pa 400 plus."


Hindi ako nakapagpigil. Sinagot ko sya ng: "Ibili mo ng mangga-- kalabaw, kabayo, cebu, hinog, hilaw, manibalang. Tapos isaksak mo sa nananakit nyang dibdib."


Si Malyn naman ang di sumagot.


Sa bukid, marami ang lihim na natutuwa sa nangyari kay Kulot -- na nahulog ito sa mangga, hindi man malubha ang kalagayan pero nahulog pa rin. Para sa mga maka-Mandaya, ito ang karma nya.


Pero ito ang sagot ko sa lahat ng nag-aakalang masaya ako sa nangyari: "Hindi ko hiningi sa diyosa ng karma na mahulog sya puno ng mangga. Ang wish ko kasi ay madaganan sya ng puno ng mangga."

16 comments:

Lyka Bergen said...

Asos! Eto oh! Ms Bitterness Laxamana. Kung iwan ka kaya ni Ranger?

Knox Galen said...

Nako kung ako sa iyo, ang winish ko eh sana madaganan ng puno ng Mangga yung babae.

Anonymous said...

ikaw na lang kaya mandaya ang dumagan sa kanya!!!
para mas "feel" ninyo ang anumang nasa maliit na sulok ng inyong mga puso, atay, balun-balunan etc...etc!!

o di ba ang saya!!!

Jatch said...

gusto ko ng ice cream... hehehe... gusto ko pa rin si ranger... swerte u te...

aries said...

naks how sweet naman. kalami sa lambay.

mel beckham said...

mwahahaha! bruha jud ka nang. chosera, hilak man gani ka. =P

tulak ng bibig...

Bonsai Makisig said...

sarap ng alimango mandaya basta wag lang yun kagang ha,,,, kumakain daw kasi ng ebak.....lols


tagal nata wala nagkita mandaya......san ka?

Zang Caesar said...

bitter si ate o. get over it ate. i thought nakamove on ka na? :)

Anonymous said...

mandaya,

ako ang iyong konsensya!

mahal mo pa si kulot........aminin!

maraming makakaunawa sa 'yo.

Hasmin Navoa said...

oo nga naman, pwede na ung madaganan lang ng puno ng mangga lolz...

blagadag said...

wala bang sabaw? dapat daw tinolang manok ang pinpahigop sa ganyang may sipon at konting sinat. aphrodisiac man na ang crabs oy. haiz. ang sabi sa kasulatan, wala raw sekretong natatago. nabubuko. ano kaya ang magiging reaksyon ni kulot kung malaman na pera mo ang pinapang x-ray? paano kung malaman ni bilat? magagalit na naman kaya uli ang engkantong nasa puno ng mangga? durian kaya ang dadagan kay bilat? abangan.

hanzsapitan said...

Natuwa anaman ako sa last part hahaha.. very nice

kumagcow said...

That was a hilarious ending to this story, heheh how about changing the tree to a LANGKA? Im sure that would hurt hehehe

alimuom.atbp said...

bitterness pa din. buti nakain ni Ranger yun inihain mo. akala ko pa naman naka-move on naka...

cheer up!

blagadag said...

ano ba? wala ng bagong post. mangangampanya na ako sa mga bayot sa bukid na mag mango tree planting. dapat ang itatanim na punong manga yung matayog mamunga. para kung di pa rin matauhan ang umaakyat ng mangga at yung nanlilibre ng x ray ay bahala na sa susunod kungsino pa uli sa kanila ang mahulog sa punong mangga. at ang pamagat ng maaalala mo kaya ay....bayot.

MrCens said...

hahaha! madaganan ng punong mangga. anong klase? manibalang, hinog, hilaw, cebu o carabao.

@kumagcow, konti lang ang langka sa davao... durian marami. hahaha!