Ilang beauty contest din ang ginanap sa aming bukid sa nakalipas na dalawang linggo. Beauty contest, hindi kasali ang utak.
Tulad na lang nitong Search for Miss Barangay contestant.
Given na nga ang questions-- as in the day before pa binigay sa kanila ang listahan ng tanong --di pa rin nakasagot.
Nasa gitna na sya ng stage. Nguni't ang emcee, nagkamali ng basa. Ito namang si candidate, todo smile, nakapamewang pa. Ilang segundo rin sa ganong pose.
At dahil ibang question ang binasa ng emcee, di alam ni candidate ang sagot.
Naka-smile, nagsalita ang candidate-- di gumagalaw ang bibig: "Number 2 ang question ko."
Tiningnan ni emcee ang listahan. Mali ang nabasa niya. Hinanap ang question number 2. Nagbasa.
Hindi pa rin makasagot si candidate. Mali na naman ang binasa ni emcee.
"Number two nga ang question ko," ang lumalabas sa naka-smile pero di gumagalaw na bibig ni candidate.
Si emcee uminit ang ulo. Pinulot ang listahan na nilalag sa sahig, sabay sabi: "Leche! Pagod na ako ha."
Sa ikatatlong attempt, doon pa nakuha ni emcee ang question number two para kay candidate. Di rin nya ito nasagot ng maayos.
Sumali din si Glydel sa Miss Gay Contest sa kabilang town.
Hindi sya nanalo. Di nga sya nakapasok sa Top Five. Paano ba naman e sa Festival Parade pa lang ay pumalpak na sya.
Nasa backstage pa lang ay set na ang mind nya na Kim Chiu ang kanyang dadalhing pangalan. At dahil sya si Kim Chiu, dapat Cebu City ang kanyang irerepresent na lugar.
At noong turn na nya para rumampa, confident ang bakla.
Si Red, na syang nag-assist sa kanya sa backstage, sumigaw ng "Panagbenga Festival ka!"
Sa gitna ng stage, nakadipa ang Glydel, akala mo si Evita Peron, at simugaw ng "Good Evening everyone. This is Kim Chiu. And I am proud to represent the Panagbenga Festival. Cebu Citeeee!"
Natigilan sya. Aatras na sana. Pero hindi. Bumalik sa mikropono. Nagsalita.
"Ay sorry, Baguio Citeeeee!"
Iyon ang first time na di nakapasok sa Top Five si Glydel.
Pero sa mga latest beauty contests na ginanap sa bukid, eto ang pinaka.
Kahit alam ng candidate sa Miss State College na di naman sya kagandahan, feeling pa rin may lamang sya sa mga kalaban nya.
Sa gitna ng stage, tumayo sya, lumingon sa mga co-candidates na nakalinya sa likod. Hinarap ang mga tao at sinabing: "And I believe in the saying that what is beauty if you are not a virgin."
Napatanga ang lahat.
Monday, September 14, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
21 comments:
hilarious! beauty contest are sometimes fun... winner ka mandaya...
Panalo ang virgin epek! hehe!
May I join this contest?
mas maayo: What is virginity if you are not a beauty!
oo nga naman, what is beauty if you're not a virgin? eh winner naman pala si ateh.. victoria!!
wahahahaha!!! bongga ang post. oo naman what is beauty if you're not a virgin!
hahahahaha. para ni sa mga bangagan!
... the boobs are empty. chos!
What is it all about it?
I think the reason you are a virgin is because you are not a beauty.
ha ha miss ko na rin manood ng ms. gay he he he
Sige... virgin sa nose LOL
ahahahaha. yahoooo! panalo ang sagot ni mamang! aylayket!
wahahahaha... I wish makapanood din ako ng ganyan kaya lang wala kasing mga beauty contest na ganyan dito
mandaya we were there.... sa maling pagbasa ng tanung ni emcee....
tawa-tawa-tawa kami nung kinuwento ni fiona, ni hindi namin nahalata na nagsalita palana hindi gumagalaw ang bibig.
nilagay mu sana yung natanggal ang sapatos....lol....
shot ta sa inyoha sunod......
wagi!
in all fairness to her.. may values ang ate mo.. hahahaha!
Wahahaaha! Panalo!
Host: Miss Barangay 431, why did you join this contest?
Miss Barangay 431: Me? Join this contest? Why did I!!! That's all. Thank you!
hahahahha nakaloka naman tong blog mo! wanna xchange links? :D
Bwahahaha winner sila 'te!
Post a Comment