Wednesday, October 7, 2009

Alipin

Kusang dumarating ang mga balita sa akin. At eto ang update kay Kulot. Wala sya sa Manila.


Lima silang umalis noong September 28. Sakay ng eroplano. Libre daw ng employer nila. Pagkalapag sa Manila, nananghalin kung saan. Ang sabi may "ti" daw ang ending ng lugar. Sa Makati siguro. Di pwedeng sa Cavite, dahil "te" at hindi "ti".


Pagkakain, dumiretso na sila sa byahe. Sa Cagayan Valley. Sobrang layo. Sa isang beach resort daw doon.


Noong makarating sila sa destinasyon, nagtext kaagad ang Kulot sa nanay nya. OK lang daw sila. Binigyan na ng mga assignment kung ano ang gagawin sa P200 per day na sweldo.


At ang sabi, maglilinis lang daw sila ng dalampasigan. Magwawalis. Sakay ang bangka, aalisin kung ano man ang lumulutang sa beachfront. Madaling trabaho.


Limang araw ang nakalipas, nagtext uli ang Kulot sa nanay nya. Nagrereklamo. Di raw maganda ang kinalabasan ng trabaho nila. Kakaltasin daw ang gastos sa kanilang pagbyahe sa sweldo nila. Pati na yung plane tickets ng tatlong umatras sa lakad.

Malabo din daw ang assignment. Mula sa tagalinis ng beachfront, kung ano-ano ang pinapagawa sa kanila -- all around kung baga.


Napaisip ako. Noong kami pa ni Kulot, nanonood naman sya ng XXX at Imbestigador.

20 comments:

Mugen said...

Ayokong sabihing karma ang nangyari sa kanya. Pero siguro ay dala na rin yun ng desperasyon sa pera.

Sayang. Ang payapa na ng buhay niya noong kapiling ka pa niya.

Anonymous said...

tsk tsk.. anu ba yan.. di sana nararanasan yan ni kulot kung kayo pa, mandaya. -jayaureus

Bonsai Makisig said...

illegal recuiter,,,,,ge atik ra....louya pod ana oi...

actioni na mandaya.....para dili na sundugun sa uban nga mangingilad.

Lyka Bergen said...

Nakuh! Daming lilinisin nya dahil kay Pepeng anoh? Good Luck kay Kulot!

dr magsasaka said...

When one is in an entry level position, the word you used as title is appropriate.

Especially in this country, where labor laws are rarely enforced.

Two hundred pesos per day, if I remember correctly, is just right for agricultural workers. Perhaps one can check with DOLE.

I don't think that the transportation costs and the expenses incurred for those who left should be deductible from the wages, though. Especially if they were not informed about that during the recruitment process.

... said...

Makagaba ka nang. Kawawa naman si kulot. Tsk. I wish him well.

Yj said...

naku Cagayan valley ang sinalanta ni bagyong Pepeng.... i hope he's okay... sigh

Bi-Em Pascual said...

mandaya sunduin mo na kasi sha.... ihatid mo dito sa iskwater kung ayaw mong kunin uli.

blagadag said...

kulot remains a cast in this never-ending real saga. wherever he is, may bro bring him power and will to survive.

Anonymous said...

tanong lang po. sino po ang alipin na tinutukoy niyo? si kulot po ba dahil sa kalagayan niya sa ngayon, or kayo po na alipin pa rin ng pagmamahal sa kaniya? nye! seriously, why waste time when you call him to find out if he's doing ok there? swallow your pride, mandaya. sayang ang panahon! lol!

Ming Meows said...

pota, pinapunta lang sa kabilang dulo ng pilipinas tapos 200 pesos a day lang pala ang sweldo. wala ba syang makitang trabaho dyan sa davao?

Anonymous said...

Hayyyy buhay. Pakibigay nga ng address at cell no.
ni Kulot at pagsabihan ko na bunalik na sa iyo na tunay na nagmamahal sa kanya. Or kailangan namin siyang suntukin at sampalin para matauhan. Or may be Heaven can do that for us by giving him this one thing we call "karma". One thing for sure, dalawa kayong naghahanap ng puwang sa mundong ito. Sana you'll find each other again, Mandaya...

John Bueno said...

So malamang hindi ka pa din malaya tulad ng iniisip mo kasi may updates ka pa din tungkol sa kanya hehehmy

Anonymous said...

human trafficking!

Anonymous said...

Naku baka ma "WALANG KAWALA" si Kulot!!!

Sundan mo Mandaya, at iligtas sa panganib! Dali!

Lasher said...

Kawawang Kulot. Sana maging ok naman xa dun! ;-)

Anonymous said...

ahehehe mahal mo pa si kulot ano? hehe obvious naman.
:(
save him.

blagadag said...

i think and believe that mandaya is over with kulot. of course, di naman pwedeng kalimutan nalang ang nakaraan nila kaya paminsan minsan ay nasusulat pa rin nya si kulot at nakikilig naman kasi tayong followers nya. madali lang naman kalimutan si kulot lalo na kung maalala natin na sya ang nagtaksil kay mandaya. mandaya has the right to be happy whoring around. andami naman kasing mga bagets sa davao na di masisising ma in love kay mandaya. di va, honey buns? things. regards to ranger. am proud of him helping the victims of the storms. amping madam.

reyna elena said...

'day,

especially now na dumaan si pepeng, azan na sya ngayon?

Mico Lauron said...

Hala... worried ako para ke kulot. mebalita ka na ba sa kanya?