Hindi Paris. Post Office.
Maaga siya sa bahay. Nagmerienda sila ng barkada nya. Coke at tinapay. At noong medyo madilim na, nagsuggest si Fiona na magtinolang manok kami. Sina Baby Glen at dalawang tropa nya ang bumili ng native chicken. Kinatay nila ito.
Ang mga bakla naman ang umikot sa mga kapitbahay para maghanap ng papaya, tanglad, talbos ng sili at malunggay.
Si Fiona ang nagluto. Ang sarap ng sabaw. Medyo matigas nga lang ang laman ng manok dahil di na namin inantay na lumambot ito.
"Mabuti yan para hindi agad maubos," rason ni Fiona.
Pagkatapos ng hapunan, session na. Baraha. Sugal.
At habang natatalo ako, umiikot naman ang tagay - Tanduay at Iced Tea.
Naubos ang "gambling budget" ko na P100. Naubos din ang inumin. Pero tuloy pa rin ang mga bakla sa laro. Lumabas kami ni Baby Glen. Sa waiting shed sa harap ng Post Office kami pumunta. Nag-usap. Nagpakamot ako sa nangangati kong likod.
"Namumula na sya," sabi nya.
"OK lang yan," sabi ko.
"Baka masugat," sabi nya habang patuloy sa pagkamot ng likod ko.
"Sanay na ako sa ganyan. Mas gusto ko mas madiin," sagot ko.
"Matatanggal ang kati kung maliligo ka," nakangising sabi nya.
"Naligo kaya ako. Ganyan talaga, nangangti likod ko kapag inaantok na," mabilis na sagit ko.
"E kung di ako, sino nagkakamot ng likod mo?" tanong nya.
"Mga bakla, ang hahaba kaya ng kuko nila," sagot ko.
"E si Kulot?" tanong na naman nya.
"Noon, OO," sagot ko.
At naging topic ng usapan si Kulot. Andami nyang tanong. Sinagot ko lahat. Nakakapagod ang pabalikbalik na kwento. Kailangang change topic.
"May sasabihin ako sa yo, sana di ka mabibigla," sabi ko.
"Ano yon?" seryosong tanong nya.
Di agad ako nakasagot. Nag-isip. Tumingin sa malayo. Bumalik ng tingin sa kanya. Tinitigan sya sa mata.
"Hindi kita mabibigyan ng anak," sabi ko.
Siya naman ang natahimik. Sabi ko na nga ba mabibigla sya.
"Pero pwede naman tayong magpalaki ng gold fish," sabi ko.
Hindi pa rin sya kumibo. Sya naman ang nag-isip. Tumingin sa malayo. Bumalik ang tingin sa akin. Tinitigan ako sa mata.
"Mas maganda kung fighting fish. Paramihin natin. Ibenta natin sa labas ng elementary school. Mabenta sa mga bata," sabi nya.
Sabay kaming tumawa. Pinausog ko sya. Humiga ako sa hita nya.
"Mag-enrol ka kaya sa Sped," sabi ko.
"Ha? Bakit? Nakatapos kaya ako ng high school," sabi nya.
"Ibig kong sabihin doon ka sa klase ng mga MR," paliwanag ko.
"Sige para classmates tayo," mabilis na sagot.
Nagtawanan kami. Kwentuhan. Tawanan. Di namin namalayan na alas tres na ng madaling araw.
Pero ramdam ko ang mabuto nyang hita na ginawa kong unan. Teka, hita ba talaga yon?
Tuesday, October 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
19 comments:
naku, kung hindi hita yun e mapalad ka ateng!
Mandaya, magpost ka naman ng picture mo please? sige na. 1 year na kong sumusubaybay sa blog mo, pero mamatay matay na ko kakaimagine ng ichura mo. sige na please?:)_
Hahaha! Ang lupeettt!
Haiz, nakakamiss ang ganitong mga eksena.
gusto ko ng payting pish po....
gusto ko ng payting pish po....
Hmm at least may sense ang mga sagot nya ah... =) hindi hita yun malamang.. check mo
goldfish? hahahaha ahlavet!
bukog gyud mam? bantayi jud mam kay ang mga iro, kawatan na silag bukog. sure pa. nisyagit gud to amo silingan sa una, "hoy mga iro, kawatan kag bukog." arf, arf. di va?
Super KALOWKA Mandaya.
You are so madaya too. ;)
So lucky. Very, very lucky! ;)
-Jeep
'in lab na ko kay baby glen. Siya nalang akong ginahulat para mu-commit na jud ko. Murag siya na jud.'
oh ha! wala pa jud ko kalimot sa imong giyawyaw gabii. Og di pa ko hubog kadtong gibengka nimo ang taxi driver a.k.a. DADDY!
"Daddy oi, I hate you na. I hate you na tlaga."
"....Layo pa baya among lugar, dugay-dugay pa ta magkauban.."
Nice meeting you, dude.
nako lilipat na nga ako sa bukid lecheng pagibig yan choz
paano na si ranger??!! ha ha ha nice one Mandaya. sana may ganyan din ako. CHos! -jayaureus
Wow bonggang pag ibig to!
hahaha, sinubukan ko tuloy na sabihin sa churs ko na hindi ko siya mabibigyan ng anak, sabi niya eh, di anda na lang! hahahaha
hahaha. nice one...
Any update ke ranger? namiss ko sya
"Hindi kita mabibigyan ng anak, pero pwede naman tayong magpalaki ng gold fish." -- Nice... thoughtful with a tinge of cheesiness on top.
mandaya, haba ng hair moh! kalowkah
Post a Comment