Sa araw na ito, isang taon na kaming hiwalay ni Kulot. Hindi nagkatotoo ang mga prediction na magkakaroon ng balikan. Salamat naman. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Hindi dahil nawala ang sakit, nasanay na lang ako.
Bukas, ayon na rin sa Facebook profile ko, birthday ko. Mali. Bukas ay birthday ni Kulot.
Bukas din dapat ang opisyal na hiwalayan namin ni Kulot. Napaaga nga lang ng isang taon.
Totoo, naka-schedule para bukas ang hiwalayan namin.
"Wala na tayo pagtuntong mo ng 25," nasabi ko kay Kulot noong 19th birthday nya.
Nakaplano ito dahil alam kong di kami pwede sa forever.
"Darating ang panahon na gusto mo nang magkapamilya, magka-asawa, magka-anak," sabi ko sa kanya.
Straight si Kulot. At para sa akin, yon at yon ang kanyang hahanapin.
"Ako na mismo ang lalayo. Maghihiwalay tayo pagdating mo ng 25," giit ko.
Mula noon, nagka-countdown ako.
"Five years na lang," sabi ko noong 20th birthday nya.
At sa tuwing birthday nya, paikli nang paikli ang panahon namin. Kaya last year, nagplano akong itayo ang bakery.
"Pag 25 ka na at wala na tayo, ano mang negosyo meron tayo, ituloy pa rin natin. Kung nasa mood ako pagdating ng araw na yan, baka iregalo ko pa sayo ang negosyo," nasabi ko sa kanya.
Hindi ito nangyari. Hindi sya nakapag-antay ng isa pang taon. Hindi sya sumunod sa usapan. Hindi sya naniwala sa mga sinabi ko.
"Sa tingin mo, tutuparin nya ang sinabi nyang maghihiwalay kami pag 25 na ako?" tanong nya sa isang kaibigan sa gitna ng hiwalayan last year.
"Bakit di nya inantay? Kung di ko gagawin ayon sa pinangako ko, sumbatan nya ako," nasagot ko.
Pero huli na ang lahat. Nangyari na ang nangyari.
Pinagiba ko ang bakery. Sinira nya ang aming Happy Ending.
Friday, November 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
25 comments:
"Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Hindi dahil nawala ang sakit, nasanay na lang ako."
salamat sa pag share mam. padayon sa pag uswag!
sinira man o hindi ang bakery, wala pa ring happy ending na mangyayari dahil nga, hindi kayo forever. :(
marami pa jan, mandaya! pili lang.
ms. mandaya moore, na-miss ko mga kwento nyo ni kulot... pero sana masaya ka p din ngaun
at least alam mo kung hanggang saan, hanggang kelan. di man nagkatotoo kasi nauna na sha bumitaw, at least lagi kang naka-anchor sa dalampasigan, nakadaong sa katotohanan.
Two months to go bago matapos ang paghuhulog ko sa laptop ng ex ko. Yun ang huling link na naguugnay sa aming dalawa.
mandaya, subukan mo kaya ang burger stand, baka mas swertehin ka.
plus ang upside, papa-tow mo na lang pag break na kayo!
*hugs*
akala ko bukas mo pa ito i post.
kahit walang happy ending, basta wish ko, happy ka sa birthday mo. kelan ba talaga? pagbakasyon ko, kita tayo ha pero wag mo pagtawanan itsura ko. ampangit kasi. hihihi.
@Baklang maton
Vewry well said. Love how you put it in words.
*sigh*
atleast you're picking up the pieces and still going after happiness.
sus dghan laki diha madam. go lang ng go! =)
Nakakalungkot.
Pero nagulat ako sa praktikalidad na pinairal niyo, na bilang ang mga araw ng inyong relasyon.
Grabe.
Sayang naman. I wonder why the guy simply gave up dun sa usapan niyo?
Anyways, past is past.
di man kyo nagjatuluyan..isa lng masasabi ko, HINDI IKAW ANG NAWALAN KUNDI SIYA!!!
-coach
naiiyak ako mandaya. naiiyak..
oh well, happy bday kay kulot. i remembered your birthday last year. Of course, how could I forget, magkasama tayo. ;-) (kanus-a gani to?) amping pirmi day. ;-)
Mandaya...siguro nasaktan ka ng husto dahil nakaplano na. You were preparing for the eventual separation and yet it came early and you were not prepared. I know one year na and you are suppossed to go on with your life without anger and regret as to your plan. Di kaya panahon na, na patawarin mo na siya ng lubusan in order for you to go on with your life according to your plan. Teka ano bang mga plano mo noon na "life without Kulot"? Why not follow them now?
Idadaan ko na lang sa kanta para magemote ka Ms Mandaya
So let the pain remain forever in my heart....
For every throb it brings is
One more moment spent with you...
I'll let the pain bring on the rain
If that's the only way...
If there's no other way to be with you again...
(-_-)"....
Feel na feel ko ito - "Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Hindi dahil nawala ang sakit, nasanay na ang ako."
I have been to a break up recently. Bakit pa natin mamahalin ang mga taong wala namang pagmamahal sa atin.
Life has too move on... you should bare in mind that "yesterday ended last night".. a line that should remind you that no matter how badly you have failed in the past. It's DONE! and TODAY is a new day to make things better...way way far better!:)- Deviated Capricorn
wala pa ring happy ending na mangyayari dahil nga, hindi kayo forever. :(........(grabe na lungkot naman ako bgla,,, parang wala ngang perfect na ganitong relationship,, sana mayroonnaman
move on teh, paulit ulit issue ke kulot iba naman pls...next!
Hehe. Hay! Habang binabasa ko ito parang nalungkot ako. Pano ba maging happy ang ending ng isang relasyon pag may taming, di ba? Mas ok sana kung BAHALA NA system ang inapply mo, Mandaya. Pero on second thought, siguro yun na rin ang nararapat. Especially na si Kulot ay di kulot talaga, straight siya. Bittersweet. ;-)
nakup, sori mandaya! si kulot pala ang ka-berdi ko. buti na lang hindi kita binati ng hapi berdi sa peysbuk ...
pero kahit hindi mo pa talaga berdi, wish ko pa din sa yo ang ultimate happiness - not just today but everyday! :)
i know how it feels to lose someone you loved with all your heart and soul. i also know that letting go and forgiving is easier said than done. time does heal all wounds, but for some of us, it takes a lifetime to forget and to move on...
life must go on inang mandaya. hihihi
be happy. stay beautiful.
=keni=
ate don't blame kulot sa lahat ng nangyari...
let him rest in peace
luv you tehhh
now i know kung bakit ganun ang nakalagay sa time capsule...
masyado ka talagang malalim ate Mandaya
Post a Comment