Hindi ko pinatira sa bahay si City Babe.
"Sige na. Promise, magpapakabait ako, hindi ako magiging sakit sa ulo," sabi nya.
"Hindi nga pwede," sabi ko.
"Lilinisin ko lagi ang bahay mo. Aalagaan ko ang mga tanim," dagdag nya.
Hindi pa rin ako nakumbinse.
"Umuwi ka na lang sa inyo," tanging nasabi ko.
Hindi ko alam kung saan na sya ngayon.
Kaya kahapon mag-isa ako sa bahay. Walang date. Walang bisita. Nagsolong naghapunan ng fish sweet and sour, na feeling ko ay Chinese food para sa Chinese New Year.
Nagparamdam naman si Ranger. Nag-greet ng "Happy Valentine's Day." Di ako nagreply. Pinanindigan ko ang binitiwang "Tigilan nyo na ako" statement noon.
Ayoko na ng komplikasyon. Masaya na ako na hindi nakadepende sa iisang tao ang aking kasiyahan.
Maaga akong natulog kagabi. Pagkagising kaninang umaga, parang walang nangyari.
Naisip ko lang naman, ang Araw ng Puso ay nasa isip lang, nasa puso lang.
Monday, February 15, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
16 comments:
tingin ko mas makakapagmahal ka ng ibang tao, mas madami kang kaligayahang maiibigay, kung mahal mo at maligaya ka sa sarili mo.
natuwa ako sa naging desisyon mo.
Kung sinulat mo ito ng mas maaga, as in, hindi ako makakaramdam ng onting kirot habang nagdiriwang ng tagumpay sa pagiging solo nung Valentines Day. Hahaha!
"Ayoko na ng komplikasyon. Masaya na ako na hindi nakadepende sa iisang tao ang aking kasiyahan."
Well-said.
at least may "muna" sa ayoko. at kung maraming vetsin ang sweet and sour, papasa na yan as a chinese new year dish.
wow..pinanindigan talaga ha..bilib!
taga tagum diay ko madam mandaya. ang lupain ng mga magaganda. echuz~ :D
Sad ka? Punta ka dito manila. Inom tayo! Hehe.
- AA
parehas gyud ta tey. break time sa ko anang pesteng gugma. akong mantra sa akong sarili kay I AM AN INDEPENDENT, DIGNIFIED AND EMPOWERED INDIVIDUAL! choz!
Lovely. Winner ka 'te.
di ka nag iisa. gugma? bahalag uga basta way samok.
dami naman malamig valentines dito...
akala ko marami cocomment na sa kanila na lng ipauwi si Ken. hehe. ako una.
well enway, happy valetines!
true,ako nga nasa duty kasama mga pasyente e haha,di namalayan lumipas na pala ang feb 14 ng ganun ganun lang hehe
yabang ng ending, "ang Araw ng Puso ay nasa isip lang, nasa puso lang"
agree ako jan, para lang sa mga conformists ang V-Day.
welcome to the Solo VDay Survivors Club!
"Naisip ko lang naman, ang Araw ng Puso ay nasa isip lang, nasa puso lang."
KORAK!
sana maging maligaya rin akos a sarili ko
pwede po ba makuha number ni city babe? please? crush na crush ko po sya. Paemail lang po sa ramuelz@yahoo.com
Post a Comment