Sa basketball pa lang ay nagkainitan na sina Kirby at Re-Re. Ang venue: sa court sa likod ng bahay ni Kaye sa city.
Kala mo naman magagaling maglaro. Pa-shoot-shoot lang ay di naman maipasok ang bola.
Kanya-kanyang bintang na marumi maglaro ang isa. Pero ilang oras pa ang lumipas bago tuluyang pumutok ang galit nila sa isa't-isa.
Sa gitna ng inuman, at madaling araw na ito, bigla na lang sinuntok ni Kirby si Re-Re. Tinamaan ito sa braso.
Ilang segundo ring sinakal ni Kirby si Re-Re, gamit ang isang kamay habang ready ang isang kamao para sa isa pang suntok.
Nanlaban ang Re-Re. Pinakawalan nya ang kanyang power kamao. Sa dibdib ni Kirby ito lumanding.
Rambulan ang nangyari. May suntok. May sakal. May kalmot. May sabunot.
At dahil hindi silent movie ang kaganapan, may sound effects-- sigawan ng mga bakla.
Pinigilan sila ni Red. Ayaw paawat. Sinigawan sila ni Kaye. At dahil siya ang may-ari ng bahay, tumigil ang dalawa.
Sinubukang ayusin ni Kaye ang dalawa.
"Kanina ka pa sa basketball, ang dumi mong maglaro," sabi ni Re-Re.
"Ikaw, matagal na," sagot ni Kirby.
Walang alam ang Re-Re.
"Ano'ng matagal na?" tanong nya.
"Matagal na akong galit sa yo," sagot ni Kirby.
Inosente talaga ang Re-Re. Di alam kung ano ang ikinagalit ni Kirby.
"Tsinismis mo ako sa Tagum (city) na meron akong ice candy," sabi ni Kirby.
Natawa si Red. Pinigil ni Kaye ang tawa. Nakakabulahaw sila sa mga kapitbahay. Si Re-Re, feeling inosente pa rin.
Masakit nga naman ang tsismis, kung totoo man ito. Ice Candy kasi ang tawag namin sa skin disease. Ice Candysis.
Pero ayaw paawat ang dalawang bakla. Nagbatuhan pa rin ng mga maaanghang na salita. Nagsigawan pa rin.
Bago pa man sumikat ang araw, nagdesisyon ang Kaye. Binigyan nya ng pamasahe ang dalawa bakla. Pinalayas nya ito.
Thursday, March 4, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
11 comments:
panira talaga ang tsismis.
photos! HAHAHAHAHA. we want.
kelan to nangayari mandaya? nako ang laki ni rere, masculado si krby.....
cnu si kaye?
may gamot naman sa ice candy nang. well depende kung anong ice candy ito.
pasalamat sila at binigyan pa sila ng famas.
OMG! this is so funny!
hahahahha. ice candysis.
hahaha...lingawa ato...unsay flavor?
shemay! ayoko na ng ice candy. tag-init pa naman.
ice candysis is not funny ha. its kadiri kaya!
jusko ang askyon talaga sa lugar nyo!haha
hey there. Im blogging again. and im commenting again too. visit my blog when you get the chance www.dcharmedone.wordpress.com
hehe. now alam ko na ano ang ice candy.
Post a Comment