Thursday, April 29, 2010

Yosi

Maaga ako nagising kanina. May bisita. Si Bad Boy Bulantoy.


Biglaan ito. Nagising na lang ako ng may tumatawag sa pangalan ko. Nasa gate sya.


"Pa-stay muna," sabi nya.


"Saan ka pala galing?" tanong ko.


"Sa amin," sagot nya.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.


"May pupuntahan akong birthday party," sagot niya.


Sure akong hindi ko birthday. Wala ring naka-schedule na party sa bahay ko. Di ko na pinahaba pa ang pagtatanong.


Nagpakulo ako ng tubig. Nagkape kami.


Nagluto ako ng almusal.


Pagkakain, nagpahinga. Isinalang nya ang E-Heads Concert DVD. Nanood.


Pumunta sya ng banyo. Maliligo daw.


"May bisita ka dito ano?" tanong niya mula sa banyo.


"Ha?" tanong ko.


"May bisita ka dito?" tanong uli nya.


"Bakit mo natanong?" tanong ko.


"Kasi may naiwang filter ng Marlboro sa ashtray sa banyo," sagot niya.



Hindi ko sya sinagot.


Philip Morris ang yosi ko. Marlboro ang yosi ni Jun-Jun na walang malay.

Wednesday, April 21, 2010

Tradisyon

Matigas ang ulo ni Bad Boy Bulantoy. Gusto nya sya lagi nasusunod. Ayaw nya ng sinasabihan sya kung anong mali nya. Sya lagi ang tama.


Ayoko na sa kanya. Ang hirap nyang dalhin.


Mabuti pa si Jun-Jun na walang malay. Ang daling dalhin. Isinakay ko lang sya sa fish car at dinala sa city.


At sa tradisyon ng mga lalaki sa buhay ko, eto ang kanyang photo op-- suot ang mahiwagang basketball shorts at nakahilata sa green sofa.



Habang kinukunan ang kanyang sarili

Sunday, April 18, 2010

Big Fish

Nagpicnic kami sa isang ilog sa bukid noong Sabado.


At doon ko nakilala si Jun-Jun na walang malay.


Nagustuhan ko sya.


"Tatalon ako para sa yo," sabi nya sa akin.


"Huwag! Hindi pa ako handang mabyuda," sigaw ko.


Tumalon pa rin sya. Ang pag-ibig nga naman, gagawin ang lahat.






Eto sya pagkatapos ng talon event nya.






Umiibig na naman ako.

Monday, April 12, 2010

Three years ago

Ngayon ko lang nalaman ang kwentong ito.


Tatlong taon na ang nakalipas. Sa Mati City ang venue. Nag-iinuman ang mga bayot. Sa kabilang table ay isang grupo ng mga bagets. Mga high school students.


Matapos ang isang oras, sinipa na ng Red Horse ang mga bakla. Pati ang kabilang table, tinadyakan.


At dahil likas na malalandi, ang mga lalaki sa kapitbahay na mesa ang napag-tripan. Walang problema sa umpisa, likas na malalandi rin ang mga boys, maliban sa isa.


Kanya-kanyang partner na, maliban sa isa.


At dahil likas din na maawain ang bakla, nilandi ang feeling loner na guy.


Hindi ito nagustuhan ng lalaki. Sinuntok ang bakla.


Bad trip daw.


Si Alton ang bakla. Si Bulantoy ang guy.


Ayoko na. Wala akong balak maging battered bayot.

Saturday, April 3, 2010

Villar

Eto ang bagong kinababaliwan ng mga bading.


Si Fiona at ang kanyang winning shot




Dinalaw ako ni Baby Bulantoy sa bukid. Nakipaglaro sya sa mga bakla




Ang Fiona, winning pose pa rin



Gusto ko si Bulantoy. Pero may pero. May history of violence sya.


Sa edad na 18, andami na nyang pinagdaanang gulo.


Minsan, habang rumarampa ang aking dila sa kanyang braso, may naramdaman akong kakaiba.


"Ano ito?" tanong ko sabay dampi ng halik sa peklat.


"Nasaksak ako dyan," sagot niya.


Isang kitchen knife ang sinangga ng kanyang braso. Tagos sa laman. Tinamaan pati tagiliran. Tatlong peklat-- dalawa sa braso at isa sa tiyan.


Minsan naman, sa aking pagpapacute, cheek to cheek ang drama.


"May birth mark ka pala," sabi ko sabay kiss sa gilid ng kanyang singkit na mata.


"Hindi birth mark yan. Hinataw yan ng bato," sabi nya.


OK.


Hindi ko iniisip ang kanyang nakaraan. Past is past.


"Mabait naman sya," sabi ko sa sarili. Eto rin ang sinasabi ng sinumang baklang nag-uumpisang mahulog sa isang lalaki-- anghel man o demonyo.


Nang matapos ang bilyar at inuman, doon bumalik ang takot ko.


Napapaaray ako. Nasasaktan kasi ako sa tuwing tinatamaan ng tongue piercing chuva nya ang aking nipple.