Thursday, 29 April 2010

Yosi

Maaga ako nagising kanina. May bisita. Si Bad Boy Bulantoy.


Biglaan ito. Nagising na lang ako ng may tumatawag sa pangalan ko. Nasa gate sya.


"Pa-stay muna," sabi nya.


"Saan ka pala galing?" tanong ko.


"Sa amin," sagot nya.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.


"May pupuntahan akong birthday party," sagot niya.


Sure akong hindi ko birthday. Wala ring naka-schedule na party sa bahay ko. Di ko na pinahaba pa ang pagtatanong.


Nagpakulo ako ng tubig. Nagkape kami.


Nagluto ako ng almusal.


Pagkakain, nagpahinga. Isinalang nya ang E-Heads Concert DVD. Nanood.


Pumunta sya ng banyo. Maliligo daw.


"May bisita ka dito ano?" tanong niya mula sa banyo.


"Ha?" tanong ko.


"May bisita ka dito?" tanong uli nya.


"Bakit mo natanong?" tanong ko.


"Kasi may naiwang filter ng Marlboro sa ashtray sa banyo," sagot niya.



Hindi ko sya sinagot.


Philip Morris ang yosi ko. Marlboro ang yosi ni Jun-Jun na walang malay.

15 comments:

Galen said...

Bistado!! Hahaha!!

canmaker said...

ang solution diyan...mag switch ka muna sa marlboro...

mag-abot kaya ang dalawa? mag suntukan kaya? pag-a-agawan ka ba ng dalawang lalaki? hahaba na naman ba ang hair mo? or isasama ka din sa bugbugan? abangan..... :-)

daredevilry said...

mahal na ito ate! may selos na.

blagadag said...

amping mama. yung mga tonong ganyan ay may halong obession na ayaw kang mapasa iba. eh kung ma history ng violence, delikado. super extra take care coz i care.

Anonymous said...

Marlboro din ang brand ko. Pwede kaming mag share ni Jun-Jun ng yosi. :)

mel beckham said...

humanda jud ka 'nang. panagang na lang jud daan. hahaha

i smell jugog.

Songs Of Lasher said...

Paki ba nya? E ke junjun na walang malay ang boto ko

Knoxxy said...

LOL the more the merrier!

Mac Callister said...

selos ang bisita mo ahaha

pusangnahukay said...

hahahahahaha natawa naman ako non kasi naman wag mag iwan ng mga ebidensya eh ano hehehe

Melanie said...

Knows naman niya na may iba ka nang boylet di ba... Keri lang yun... ;)

KUMAGCOW said...

SELOS! =)

dragonrose said...

ang tarush ateng! im a fan. keep writing..

Anonymous said...

Basig ako to
-kenlee

sakpin said...

hahaha nagselos si bulantoy!