Tuesday, July 27, 2010

Dapitan

Ilang araw na ako dito sa Dapitan


Namasyal sa Dakak




Nakifiesta ako kay Santiago







Naglakad sa Rizal Shrine




At nakilala si Baby Allen



May "wheels" sya. Tatlo. Ang Gulong.

Sunday, July 18, 2010

Naki-foursome

Tatlo sila nang dumating sa bahay ko.





Si Migs



Si Mcvie



at si E



(Salamat kay Gibbs sa abalang papirmahan ang tatlong libro)

Monday, July 5, 2010

Blotter

(Pasensya na sa matagal kong pagkawala. Andaming nangyari-- bumigay ang hard drive ng laptop, nabusy sa lovelife, nawalan ng ganang magsulat at nanganak)


Kamakailan lang ang may nangyaring kaguluhan sa bukid namin. Ang Patricia at Paulani hinabol ng mga lasing na mga kabataan. Mula palengke hanggang bahay, takbo ang mga bakla.


"May dalang kutsilyo ang isa sa kanila," sabi ni Patricia.


Si Paulina diretso sa kwarto, nagtago.


Hinarap ng ibang bakla ang mga bagets. Ayaw umalis. Galit. Pinagtripang takutin ang ang dalawang bakla.


Nang di makaya ng powers ng mga bading ang mga bagets, ang purok leader, si Manong Villar, na ang bumugaw sa mga bata.


Kinabukasan, di na namin nagisnan pa sa bahay ang dalawang bakla.


Hapon na nang bumalik si Patricia.


"Galing ako sa police station, nagpa-blotter ako," sabi nya.


Ilang sandali lang ay dumating din sya Paulina.


"Saan ka galing?" tanong ni Fiona.


"Nagpa-blotter," sagot ng bakla.


"Bakit di tayo nagkita?" tanong ni Patricia.


"Saan?" tanong ng walang kamalay-malay na Paulina.


"Sa police station. Akala ko ba nagpa-blotter ka?" tanong ni Patricia.


"Nagpa-blotter ka rin?" balik na tanong ni Paulina.


"OO, kaya nga tinatanong kita bakit di tayo nagkita," sagot ni Patricia.


"E di naman ako don nagpa-blotter e," mabilis na dugtong ni Paulina.


Opo. Nagpa-blotter si Paulina. Pero hindi sa pulis. Mabilis syang umakyat sa bundok.


"Sa NPA kaya ako nagsumbong," sabi nya.


"Palilipasin pa raw ang ilang buwan para hindi obvious," dagdag pa nya.


Maghihintay kami