Monday, 5 July 2010

Blotter

(Pasensya na sa matagal kong pagkawala. Andaming nangyari-- bumigay ang hard drive ng laptop, nabusy sa lovelife, nawalan ng ganang magsulat at nanganak)


Kamakailan lang ang may nangyaring kaguluhan sa bukid namin. Ang Patricia at Paulani hinabol ng mga lasing na mga kabataan. Mula palengke hanggang bahay, takbo ang mga bakla.


"May dalang kutsilyo ang isa sa kanila," sabi ni Patricia.


Si Paulina diretso sa kwarto, nagtago.


Hinarap ng ibang bakla ang mga bagets. Ayaw umalis. Galit. Pinagtripang takutin ang ang dalawang bakla.


Nang di makaya ng powers ng mga bading ang mga bagets, ang purok leader, si Manong Villar, na ang bumugaw sa mga bata.


Kinabukasan, di na namin nagisnan pa sa bahay ang dalawang bakla.


Hapon na nang bumalik si Patricia.


"Galing ako sa police station, nagpa-blotter ako," sabi nya.


Ilang sandali lang ay dumating din sya Paulina.


"Saan ka galing?" tanong ni Fiona.


"Nagpa-blotter," sagot ng bakla.


"Bakit di tayo nagkita?" tanong ni Patricia.


"Saan?" tanong ng walang kamalay-malay na Paulina.


"Sa police station. Akala ko ba nagpa-blotter ka?" tanong ni Patricia.


"Nagpa-blotter ka rin?" balik na tanong ni Paulina.


"OO, kaya nga tinatanong kita bakit di tayo nagkita," sagot ni Patricia.


"E di naman ako don nagpa-blotter e," mabilis na dugtong ni Paulina.


Opo. Nagpa-blotter si Paulina. Pero hindi sa pulis. Mabilis syang umakyat sa bundok.


"Sa NPA kaya ako nagsumbong," sabi nya.


"Palilipasin pa raw ang ilang buwan para hindi obvious," dagdag pa nya.


Maghihintay kami

26 comments:

Mu[g]en said...

Hanep ah! Dalawa ang peacekeeping agencies sa bukid niyo. Lol. Bakit hinabol ng mga bagets yung dalawang bakla?

Ate Sienna said...

hahahahah!!! scary na funny ha. kakaloka!

at welkam bak, mamu.. nakakaloka ang pagkawala mo.

eon said...

may bakla kayang hindi nagbayad kaya hinabol? abangan!

Gram Math said...

what will the NPA do to those people? hmmm that is bad.

Ronnie said...

Hahaha. I miss you, Mandaya!

mel beckham said...

Bakit hinabol 'nang?

Scary ha. Sa NPA gyud?

Barakong Pinoy said...

aw. kawawang mga bagets... di nila alam naghihintay sa kanila.

welcome back madam.

Ex Jason said...

lol. masaya to. update ha. =D

namiss ko bigla ang kalakaran sa davao oriental. haha.

Echos Erita said...

magtago na ang mga batang humabol sa mga bakla. NPA na pinagsumbunga. hahaha! go mga kadugo! di dapat magpatalo!

Echoserita's latest blog post: Bata, Bata, Paano Ka Naging Bakla?

Songs Of Lasher said...

Mandaya! Namiss kita!

Grabe naman na post ito! Sa NPA talaga nagpa-blotter? HAhaaha! May ra!

elyong said...

Sinabi ba nila kung bakit sila hinabol at pinag tripan ng mga batang lasing?

Ming Meows said...

NPA?

National Parloristas Association?

chichirya said...

Bakern may ganitong fun run ang mga bakla? Miss ka na namin! Haha

Baklang Maton in the Suburbs said...

kaloka! buti Milo everyday ang mga bakla! ay nako, me ganitey rin akong milo marathon moment... share ko mamaya...

missed u mandaya! im going to davao on september... magkita tau!!!!

btw, regards kay jun-jun na walang malay, kung sha man ang ama ng inianak mo...

fantasa said...

i miss ur post

pwede na pala magpa-blotter sa NPA?

asteeegg...hahaha

Désolé Boy said...

nakarelate ako sa NPA thing..hehe

garampingat said...

me habolan factor talaga at me blotter pa..kakalokah..

Mico Lauron said...

NPA ba daw? Papatayin? Hahaha!

Ei, it's a long time. Nice to be back here.

Miss Wa said...

We miss you Mandaya. Ang tagal kong hinintay ang post na ito. More power to your blog

jericho said...

hahaha. win! hindi ko pa nasusulat usapan natin .. hehehe

Bryan Anthony said...

i'm sure mas dependable ang mga NPA! lols

victor said...

Peace talks ambassadors. LOL.

Yas Jayson said...

ganyan ka-diplomatic ni mandaya. apir!

ryan_irwin69 said...

i like this post...papano ba makapagsumbong sa taga bundok? hindi ba dilikado?

john chen said...

hilarious! nagpa-blotter sa npa!

Ewan said...

baka nangholdap ang mga iyun kaya hinabol...
mga snatchers.... ng lakas... jejeje