Monday, December 20, 2010

Ang Pagbabalik

Medyo matagal ko ring inilihim ito.


Noong November 21, nagtext ako kay Kulot ng "Happy Birthday!"


Sumagot naman sya ng "Salamat."


Yon lang dapat. Pero nagtext sya ng "Musta na?"


"OK lang," ang sagot ko.


Tinanong ko rin sya ng "Ikaw?"


"OK lang din," ang sagot nya.


Di ko na pinahaba pa ang palitan namin ng mensahe. Sabi nga ni Goddess, tama lang yon "at baka mapunta ang greeting sa candle blowing."


Dalawang linggo ang lumipas, at sa kalagitnaan ng pakikipaglandian ko sa isang bagets sa tabing dagat, nagtext uli si Kulot.


"Musta na?" tanong nya.


Di ko naman pwedeng sagutin sya ng "nanghahada ako ngayon, bukas ka na magtext" kaya sinagot ko sya ng "OK pa rin."


"Hindi ka na nga galit sa akin?" tanong nya.


"Hindi na. Matagal na yon. Sorry pala sa lahat ha," sagot ko.


"OK lang yon. Sa mga panahong yon, naintindihan kita," sagot niya.


Naitanong ko sa kanya kung uuwi ba sya ngayong pasko.


"Baka," sagot nya.


Tinanong ko sya kung bakit baka lang.


"Baka kulangin naipon ko," sagot nya.


"Pamasahe, pasalubong," dugtong nya.


At gaya ng dati, nagbigay ako ng suggestions.


"Mag Philtranco ka na lang. Mura pa. At sa pasalubong, unahin mo ang mga pamangkin mo," sabi ko.


"Sa mga bata, madali lang. Laruan lang masaya na sila," sagot nya.


"Two years kang nawala, malalaki na kaya sila," sagot ko.


"Ay oo nga pala. Bahala na," sabi nya.


"Tapos kailangan mo pa ng pasalubong sa girlfriend mo," sabi ko.


"Di na kailangan," sagot nya.


Naiirita na ang bagets. Ang liwanag kasi ng ilaw sa celphone ko. Istorbo daw.



"May asawa ka na?" tanong ko kay Kulot.


"Wala pa a," sagot nya.


"Pero maraming GF?" tanong ko uli.


"Isa lang," sagot niya.


Focus muna ako sa bagets, pero ayaw tumigil sa pagtext si Kulot.


"Ikaw, sino boyfriend mo ngayon?" tanong nya.


"Dalawa sila. Isang taga Mati, isang taga city," sagot ko.


"So sa Mati ka na tumatambay ngayon?" tanong nya.


"Hindi, sya ang pumupunta sa bukid," sagot ko.


"E yung sa city, sa bahay mo nakatira?" tanong niya.



"Hindi pa. Baka next year. Naniniguro lang ako," sagot ko.


"A OK. Dapat sure ka talaga," text niya.


Nawawalan na ng gana ang bagets. Nawawala ako sa focus.


Kailangan kong mamili: si bagets na nasa harap ko o pakikipagtext kay Kulot ng aking kahapon?


Pinatay ko ang celphone. Ang importante ay ang ngayon.

25 comments:

Bb. Melanie said...

TAMUUUHHH!!!

Ms. Chuniverse said...

Haaayyy.....

isa ka talagang DYOSA!

though i'm a fan of you and kulot's love story...

suportahan pa rin kita 'teh.

kasi gusto ko,

happy ka.

=)

Mugen said...

napakagat labi ako ate. may kirot.

Maligayang Pasko.

IAmVivianFaust said...

ang syoray ng ate ko, hahaha!

blagadag said...

the journalist in you says freshness. what is present is more valuable. davah? go, hada, go.

eon said...

makakapaghintay ang reply maam. ang hada hindi. :)

Sean said...

ang galing ng ending!

Lyka Bergen said...

alam mo... ang 'ngayon' ay magiging 'kahapon' ... at ang 'kahapon' ay pwedeng maging 'bukas'. Yun lang!

casado said...

ramdam ko, pagdating ni kulot, may mangyayaring return of the comeback! hihihi...

ewan, gusto ko magkatikiman kayo ulet! kayo ang para sa isat isa! :)

kiel estrella said...

as an unabashed kulot-mandaya fan (yes, hindi ako maka-move on) - kinilig ako dito.

perfectly sane choice on your part, but one fan can hope, di ba?

nonsenseGel said...

eto na ba yun? pasabog nga..hehe pero alam ko may nararamdaman ka pa rin kay kulot..pero tama nga na ang reply ay pwede ipagpaliban..hehe

sivrej said...

free yourself and let go of the past...

move on and be happy with what you have now...

Live and love!


happy holidays!

Désolé Boy said...

napaitan ako sa huling linya.
.
.
pero tama ka.
.
.
sana happy ka!

Kiks said...

kausap ang kahapon habang may hinahadang ngayon. ano ang mangyayari bukas, Vilma?

Ming Meows said...

honesty ka dapat teh. tutal hindi naman kayo.

garampingat said...

ang importante ay ang ngayon....
pakk...

Unknown said...

Ayun!

Alam mo, Ms Mandaya, lalo kong inantabayanan (yeah baby) ang mga kuwento mong ganito dahil sa mga stupid motherfucking syett na iniyakan ko nitong nakaraang buwan. Ewan ko, bigla akong naka-relate. Sobra. Totoo talaga ang sinabi nila na tayong mga bakla na lang talaga ang magkakaintindihan sa mga ganitong klaseng eksena.

Hindi naman sa nange-L Word ako noh, pero sana more posts like this. At buti na lang at bumalik ka na!

Muahness from Pasig Citehhh!

... said...

sa bata ka na lang nang. Past is past. Dapat nang ibaon sa limot. Char

merry christmas nang, see you para mahatag nimo ang christmas gift nimo for me. Hahaha

Khelly said...

Good decision mam.

Muzta na ang karon?

Ibalik paba gajud ang kagahapon?

ikotoki said...

tama yan mother sunggaban ang nasa harapan!

Ewan said...

i hope you're really happy

all the best

Mike said...

kinilig naman ako dyan sheeet! tamah lang ang ginawa mo tiyang! :)

Anonymous said...

maliban sa make-up s*x, break-up s*x ang sunod na masarap gawin.

for old time's sake.

Cordovajimdel said...

Maganda ang kwento mo, at nagustohan ko ng konte. Para sa atin meron akong bagong site na ibahagi sa iyo http://chat.ph

Anonymous said...

Sa situation na yan dapat puso, mind at paraan ang dapat gawin. Piliin dapat nya kung sino man talaga ang malapit sa puso nya at magaan dalhin na comportable ka.
Please visit my www.chat.ph new chat live software.
Thank you
I sincerely value your reply