Thursday, January 13, 2011

Bittersweet

Pasensya na kung maikli ang aking pasensya.


Kahit late, dumating si Kulot. At tinaon pa nyang nasa CR ako, nakaupo sa tronong puti.


"Pasok!" sigaw ko mula banyo.


Pumasok sya. Di ko itinuloy ang aking plano. Lumabas ako ng banyo.


"Kumain ka na?" tanong ko.


"Hindi pa," sagot niya.


"Kumain ka na dyan," sabi ko.


Alam na nya ang gagawin. Kumuha ng pinggan. Nagsandok ng kanin. Kumuha ng ulam. Nilapag sa mesa ang pinggan. Binuksan ang ref. Kumuha ng tubig. Kumuha ng baso. Bumalik sa mesa. Umupo. Itinaas ang kanang paa. Ipinatong sa upuan.


Sya nga si Kulot. Walang duda.


Inumpisahan nya sa pagtatanong ng: "Sinong kasama mo ngayon dito?"


"Ako lang," sagot ko.


Ako naman ang nagtanong ng: "Bakit antagal mo?"


"Ambagal ng bus," maikling sagot niya.


"Aircon?" tanong ko.


"Ordinary," sagot nya.


Sya nga si Kulot. Nasusuka kapag bumabyahe sakay ng aircon bus kaya kahit dagdag isang oras ang travel time, sa ordinaryong bus sya sasakay.


Nagsalitan kami ng mga tanong at sagot. Gaya ng dati.


Nang matapos syang kumain, binuksan nya uli ang ref, kumuha ng isang hiwa ng lemon bar.


Mabilis na inubos. Binuksan uli at kumuha pa ng isa. Nakailang ulit din syang nagpabalik-balik sa ref.



"Ako nagbake nyan," sabi ko.


"Masarap," sabi nya.


Niligpit ang pinagkainan. Nilagay sa lababo.


"Ako na nyan," sabi ko.


Matapos maghugas ng kamay, umupo sya sa green sofa. Sa harap ko.


"Ang itim mo ngayon," sabi ko.


"Tabing dagat kasi yung pinagtatrabahuan namin," sabi nya.


Andami pa nyang kwento, tila sinasabing OK lang sya.


Naniwala ako. Mukhang namang OK sya.


Tumayo sya. Inikot ang bahay. Sinilip ang mga kwarto. Pati CR tiningnan.


"Walang nagtatagong lalaki dyan," sabi ko.


"Hindi, na-miss ko lang tong bahay," sagot niya.


Nakataas ang kilay, napangisi ako. Pagbalik nya, naka-smile din sya.


Tumingin sya sa TV.



"Buhay pa pala yang ginawa kong TV stand?" tanong niya.


"OO naman, at di pa rin napipinturahan hanggang ngayon," sagot ko.


Pareho kaming nakatawa.


"Ano yan?" tanong nya sabay turo gamit ang nguso.


"Laruan," sagot ko.



At naglaro sya ng wii.



Wala pa ring tigil ang kwentuhan namin habang pinapatay niya ang mga zombies, mala-palakang monsters, paniki at piranha sa larong Resident Evil.


Sa maikling panahon, sinubukan naming malaman ang mga nangyari sa kanya-kanyang buhay pagkatapos ng hiwalayan. At sa haba ng kwentuhan, ni minsan ay di napag-usapan kung bakit kami humantong sa ganon. Parang wala lang. Parang napag-usapan naming wag na'ng pag-usapan pa.


At dalawang oras bago ang lipad nya, iba naman ang inatupag namin. Inilabas ko ang mga gamit niya.


Inaayos ang mga naiwan nyang gamit.




Umalis sya. Mukhang masaya naman. Kita sa mata.




Ganon din ako. Ang gaan sa dibdib.


At nang nakaalis na sya, eto ang aking kinakanta

42 comments:

Anonymous said...

soooooo.....sya pala si kulot.....klarong klaro nga bakit ganun tawag mo sa kanya.....ang Wii iniwan ba nya? o nasa bag nya pag-alis?

Mugen said...

Nalungkot naman ako. :(

callboi said...

Ayun naman. Closure na rin sa wakas. Sana nag-belo ka nung sinalubong mo si kulot. Para todo drama na. =)

Echos Erita said...

aysus! di rin natiis si kulot. di ka naman nagbigay ng kahit goodbye kiss man lang?

Echoserita's latest blog post: Tulong Para Kay Inang Bayan

casado said...

damn nalungkot ako sobra...

closure na ba talaga yan? i'm sure pag-alis nya, umiyak ka..aminin!!

parang pilit lang yung smile nya sa picture, ramdam ko ..

sya pa rin ang mahal mo, yun din ramdam ko...

blagadag said...

masaya rin ako sa yo. actually, crayola sa joy akechiwa. masarap huminga.

johnnypanic said...

one of your best manang! pakpak!

Ms. Chuniverse said...

Malakas ang vibes ko.


hindi dyan matatapos ang lahat.


solid Mandaya-Kulot love team forever.


=)

Mac Callister said...

ganun lang??wala man lang last time S*X! hahaha joke lang!

Lasher said...

Good job, Mam!

Ewan said...

nakakalungkot...

pero ito ang reyalidad!

mabuhay ka ate Mandaya!

James - M.I. said...

Bye bye Kulot. Ingat sa byahe. :)

Barakong Pinoy said...

hmpf! bakit ba walang like button ang blogger? hehehe.

Ako si Diosa said...

Nyeta nakakaiyak naman..Ang dami kong naalala..

Momel said...

Napaka-alert mo talaga, Ms Mandaya! Akalain mong naisipan mo pang kunan ng picture si Kulot habang nagmo-moments kayo. Naalala mo talaga kaming mga fans mo! Ahaha, bukod dian eh mabilis ka mag-update pag tungkol sa kanya. Kung ang blogging mo ang iisipin eh dapat talaga maging kayo ulet eh. Pero shempre, ambabaw naman non.

Meanwhile, happy ako kasi kahit papaano eh naka -move on ka na. At wala nang iba pang sho-shoot sa title ng post mo na to. Bittersweet. Eh totoo naman diba?

Cheers Ms Mandaya! Muahness from Pasig Citehh!

eon said...

antagal ng closure maam.

dragonrose said...

Parang Foreign language film ang ending...

Sean said...

ms. mm, kalungkot naman nito :( kaso baka bumalik pa ito tulad ng kaniyang pagbalik balik sa iyong lemon bars...

angelo'ng discreet said...

ako din ay sobrang nalungkot.
parang nandilim ang paligid ko at nagpause ng isang segundo ang mundo pagkabasa ko at pagkakita ko nung picture ni kulot na nagaayos ng mga naiwan nyang gamit.

sana nga maging masaya si kulot sa pinuntahan nya at maging successful.
mandaya, sana ikaw din maging mas masaya sa napili nyong daan.

more boys!?
next!?!?

Nishi said...

kung gaano ko naramdaman yung bwahaha sa last post, ramdam na ramdam ko naman ngayon yung sakit.

Anonymous said...

parang pumangit sya.

Anonymous said...

hayyyy! kakalungkot naman. hoping na magkabalikan pa rin kayo. Forever Mandaya-Kulot loveteam!!!!

Ming Meows said...

hindi ko na sya namukhaan. sya ba yun talaga.

Kane said...

And this is how the story ends...


Mandaya, ang ganda ng litrato ni Kulot. Yung huli.

Naalala ko ang mga kuwento ninyo dati at naisip ko, ganito pala magtatapos no? Pagkatapos ng lahat ng galit at sakit.

Minsan, nagtatapos ang mga bagay sa paraang hindi natin inaasahan.

Kane

Anonymous said...

*sigh* i cried... A LOT.

Ewan said...

bet ko kumanta...

Maalaala mo kaya ang sumpa mo sa akin
Na ang pag-ibig mo ay sadyang di magmamaliw
Kung nais mong matanto, buksan ang aking puso
At tanging larawan mo ang doo'y nakatago

Di ka kaya magbago sa iyong pagmamahal
Hinding-hindi giliw ko hanggang sa libingan

O kay sarap mabuhay, lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko ay di na mapaparam

Anonymous said...

ako din mandaya-kulot forever!!!!!! waaaaaa bat pa cya umalis???????


xoxo
mommy dionisia

Anonymous said...

nalungkot din ako dun a ... baket nga ba kelangan nyo pang maghiwalay? baket?????

Anonymous said...

I can feel it...Mahal mo pa siya. At may puwang ka pa sa buhay niya kung hindi man sa puso niya. Di puede basta kalimutan ang mga nagdaan mga taon. Bumabalik ang lahat. Sinasariwa ang masaya ngunit may sugat na mga alaala. Di rin basta mawawala ang mga bagay na pinagsaluhan nyo.Buti kung walang nangyaring maraming intimate moments sa inyo noon. How can you ever forget dahil minahal mo naman talaga siya. I just hope that beyond the words of Mandaya is a person willing to love and give love another chance...Feeling ko rin na mahal ka rin talaga ni Kulot, ayaw niya lang aminin at ipakita...

EastMinCom said...

....cute

Desperate Houseboy said...

Ate Mandaya, i really hate goodbyes. sad naman ng post na to. Akala ko pa naman, happy ang ending, sa goodbye pala matatapos ang lahat. isang malaking buntong hininga para jan. Much love for you.

Luis Batchoy said...

hayyy ganun talaga

Anonymous said...

Oh shet. The classic story of Mandaya and Kulot kakamiss!

nonsenseGel said...

kakalungkot naman..pero sabi nga ng kanta "palayain ang isa't-isa, kung tayo tayo talaga"..hehe mabuhay ka mandaya..love will lead you back!

Anonymous said...

Mandaya, nasaan na ang update mo. Na miss ko na mga kwento mo? Naka move on ka na ba? Na miss ko din yung mga bonding mo with your barkada with kulot.

Anonymous said...

Bayota! Erset!

Bi-Em Pascual said...

i backed track mandaya... i just found out, ikaw ang kauna-unahang nag-comment sa blog ko. thank you so much, mandaya! for almost two years, u have been a virtual friend. God bless!

ps: no need to post this, wala ka kasing chatbox eh hihihi...

Anonymous said...

nothing lasts forever talaga. i heart this eksena ng sobrang soooo much. huhuhuh.

Ewan said...

hello po ulit
exchange links naman po :)

Anonymous said...

Nalungkot ako ng marinig ko bigla yung song sa dulo. Hays, wala na ata talagang permanente sa ganito.

===

PS: sorry ngayun ko lang nabasa to. :)

Phiilippines said...

Jutiks, ang ganda ng mga nobela mo dito. Di kita kilala at wala akong paki kung sino ka babae ka man o lalake. Ang ganda, parang nanood lang ako ng short film. Pwamis babalik ako. - Sam

POEA Overseas Jobs said...

Alang kwentang kulot buti pa yong aso namin kulot din ang name nya malambing halik agad sa mga amo nya pag kamiy dumarating. - Ana