Naalala ko pa ang huling post ko-- Ang Tinola. Ito yung pinagluto ako ni Kulot matapos akong maospital dahil tumaas ang blood pressure ko. Sya ang unang pumunta ng ospital kahit na hiwalay kami that time. Na-touched ako. Wala akong lakas para labanan ang sigaw ng kilig. Kaya ang ending-- balikan.
Sa umpisa, naisip ko na ang pagba-blog ko ang dahilan ng ilang ulit naming away at hiwalayan ni Kulot. Kaya nagdecide akong itigil na ang pagsulalat.
Pero may asungot. Sa huling post ko, may nagcomment. Si DM. Ang dating girlfriend ni Kulot. Inaway niya ako sa comment niya. Bakit ko raw binalik ang nakaraan? Bakit ko raw siya isinulat?
Pero hindi ang comment niya ang nagtulak sa akin para itigil ang pagsusulat. Ang totoo, sinagot ko pa ito. Sabi ko: Kasama ang past sa buhay namin ni Kulot at may karapatan akong isulat ito. Mahaba-haba rin ang sagot ko. Pero noong binasa ko uli ang comment nya, doon ko napansin na ang pambungad niya ay "Hoy (name ko)!"
Nagpanic ako. Naisip ko baka ibisto ng babaeng ito ang tunay na katauhan ni Mandaya. Baka ipagkalat niya na isa akong tunay na babae. Ching!
At dahil don, naisipan kong idelete ang buong blog-- 88 posts lahat. Wala akong na-save kahit isa sa mga isinulat ko.
At, dalawang linggo matapos kong i-delete ang buong blog, nag-email si editrixiagomez, nanghihingi ng kopya ang posts at baka raw ay may chance itong isapelikula. Nangako akong gumawa na lang ng script. Hanggang ngayon, di pa ako nangagalahati. Sorry, Jerome.
Hindi rin ako tinigilan ni DM. Nagtxt sa akin. Idedemanda raw niya ako. Tinanong ko sya: Anong case? Paninirang puri daw. Sinagot ko sya: Ang paninirang puri applicable lang kung di totoo ang isinulat ko. Sa kaso niya, totoo.
Tinanong ko rin sya kung sino ang idedemanda nya? Si Mandaya Moore? Di niya sinagot.
Ang huling txt niya: "Basta magdedemanda ako."
Ang huling sagot ko: "Bring on the case."
Hanggang ngayon wala pang summon. Sumakit din ang ulo ko sa kaiisip kung anong kaso ang pwede niya itapon sa akin. Ewan ko lang ha, baka naman absent ako noong araw na itinuro ito sa libel law class ko.
At dahil doon, sinabi ko kay Kulot ang tungkol sa blog. Todo explain ako. Naintidihan naman nya ang concept ng blogging. Sinabi ko rin sa kanya ang tungkol sa reaction ni DM.
"Anong masasabi mo? Baka idemanda ako," sabi ko kay Kulot.
Tahimik lang sya.
"Hoy, baka kunin kang witness laban sa akin," sabi ko.
"Ano naman ang sasabihin ko sa korte?" tanong nya.
"Ang katotohanang singitan ako," sagot ko.
Tumawa lang sya.
Saturday, June 16, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
Mandaya Moore, The Movie.... Aaaaay! Ako ang number one sa pila kung maitutuloy ito...
Sino ang gaganap bilang ikaw? Si Chokoleit?
Weebee! Welcome back to the wonderful world of blogging, Mandaya. I mishu! World Peace!
Ano ang ibig sabihin ng DM?
a) Doc Marten
b) Da Man
c) ol ob d abab
ms lyka, walang pelikula kung si chokoleit rin lang ang gaganap. wala akong putok!
sa nakita ko sa mga fashion shows nyo ng mga sisters-- kahit patay ang mga wigs nyo, pwede ng ikaw ang gumanap bilang ako.
migs, missed you too.
bananas, wag mo akong pilitin... hahaha
Naku, naalala ko 'yan si DM (and I remember so clearly ang meaning niyan). Sarap utusan na magwalis!
ayan ka na naman, magsisimula from scratch, tapos pag tinoyo na naman ang "other woman" at pagmumurahin ka na naman by your real first name, matataranta ka na naman at magdedelete ng historya ng buhay mo sa isang iglap.
mare...matuto ka namang magbackup. :-)
Buti naman at ika'y nagbabalik, ate! :)
Post a Comment