Birthday ni Red kahapon. Kaya noong isang gabi ay sinalubong namin ito. Lahat ng bakla nasa isang videokehan sa palengke. Kantahan. Inuman. Alas Dies pa lang ay lasing na kami.
Umuwi kami ng bahay hatinggabi. Ang iingay ng mga bakla. Nabulahaw ang mga kapitbahay. Walang katapusang greet ng “Happy Birthday Red.” Ang Red, wala ring katapusang sagot ng “Thank You.”
Tumigil lang kami sa Happy Birthday Red at Thank You, at tawanan in between, nang mag-on ng ilaw sina Tita Bash, ang aming kapitbahay. Ibig sabihin, pinapatahimik na kami dahil baka magising ang kanyang three-month old apo na si Princess.
Kanya-kanyang pasok sa kwarto. Ang iba, naglatag ng banig sa sala. Sa room ko, humihilik ang Kulot, nagpa-iwan at di daw nya type ang uminom. Alam ko ang totoong dahilan, manonood sya ng Jumong.
Kinaumagahan, nauna akong nagising. Nagpakulo ng tubig. Magkakape na sana nang mapansin kong wala ng asukal.
Takbo ako ng kwarto, kuha ng coin purse at diretso sa tindahan nina Tita Bash. Iba ang tingin ni Tita Bash. Mukhang puyat.
“Sorry kagabi, birthday kasi ni Red ngayon, sinalubong namin kagabi,” sabi ko.
“Ano atin?” tanong niya, deaddma sa birthday ni Red.
“Asukal,” sagot ko.
Pagkaabot niya ng asukal, sabi ko: “Sorry uli ha. Last birthday na kasi ni Red ngayon.”
Nagkainteres ang Tita Bash at tinanong: “Last?”
“OO, last na,” sagot ko.
“Bakit last?” tanong niya.
“Kasi baka hindi na sya umabot next year. Six months lang kasi ang taning sa buhay niya,” sagot ko.
“Ha?” tanong niya.
“May cancer sya sa lalamunan,” pabulong na sabi ko sabay talikod at alis pabalik ng bahay.
Ang sarap ng kape.
Kinahapunan sa parlor, dumating si Inday, ang anak ni Tita Bash at nanay ni Princess.
Konting kwentuhan, tapos nag-aya sya sa amin ng coke sa videokehan. Go ang mga bading kasi wala naming customer sa parlor.
Bago kumanta si Inday, humirit pa sya ng: “This song is dedicated to Red.”
Goodbye to you, my trusted friend.
We've known each other since we're nine or ten.
Together we climbed hills or trees.
Learned of love and ABC's,
skinned our hearts and skinned our knees.
Goodbye my friend, it's hard to die,
when all the birds are singing in the sky,
Now that the spring is in the air.
Pretty girls are everywhere.
When you see them I'll be there.
We had joy, we had fun, we had seasons in the sun.
But the hills that we climbed
were just seasons out of time…
Binulungan ko ang Red at sinabi sa kanya ang pag-uusap namin ni Tita Bash earlier.
Pagkatapos kumanta, kinausap ni Inday si Red.
“Kumusta ka na?” tanong niya.
“OK lang,” sagot ng bakla.
“Nagpapacheck up ka pa?” tanong ni Inday.
“Wag na nating pag-usapan yan. Gusto kong kalimutan ang mga problema ko,” ang dialogue ng bakla.
Tumahimik sandali si Inday bago humirit ng: “Magdasal ka lang lagi, walang imposible sa Diyos.”
Ang Red, tulad ng paulit-ulit niyang sinabi sa nakalipas na dose oras, sumagot ng: “Thank You.”
Ilang kanta pa at umuwi na ang Inday. Kami, balik parlor.
Mga alas-singko nang mag-announce ang Red na sa kanila daw dinner lahat ng bakla, nagtxt daw ang nanay niya at may konting handaan.
Maaga kaming nagsara ng parlor. Diretso sa bahay nina Red. Naandon buong pamilya nya. Inumpisahan sa dasal. Then, kanta ng walang kamatayang “Happy Birthday To You” song.
Pero sa kalagitnaan ng kanta, umiyak na ang Nanay ni Red.
Napatigil ang lahat, maliban kay Kaye na feel na feel ang pagkanta habang nakatingin sa younger brother ni Red.
Lumapit si Red sa nanay niya.
“Bakit kayo umiiyak?” tanong niya.
Lalong humagulhol.
“Bakit nga?” tanong uli ng bakla.
“Bakit di mo sinabing nagpapacheck-up ka pala? Bakit di mo sinabing may cancer ka?” tanong ni Tita Nena.
Natigilan ang Red.
“Ma, gimmick lang namin yon para di magalit ang mga kapitbahay kasi ang ingay namin kagabi,” sabi ni Red.
“Ha?” tanong ni Tita Nena.
“Chuva lang yon Ma,” sagot ng bakla.
Nagbago ang expression sa mukha ni Tita Nena. Bigla itong nagkabuhay. Ngumiti. Sininghot ang uhog. Pinunasan ng kwelyo ang kanyang luha. Inayos ang buhok.
“Punyeta ka! Naghanda pa ako!” sigaw nya, sabay sabunot sa anak.
Sunday, June 24, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
Drama talaga! Nako sana hindi matuloyan sayangd in yung handa! haha!
kiss
Fendi
nakakalokang kaligayahan ang idinulot nito sa akin! hahahahahahaha!
dramatista kayong lahat. mga bakla!
happy birthday, red! some more last birthdays to come!
hahahahahahahaha!
Oks ito ha. Can't help but laugh. Mayroon din akong similar na karanasan sa aking HEALING RITUALS SERIES. Andaming naloka sa aking blog. Andami ring nagalit.
At pota, ang galing mong magsulat ng narrative. Naalala ko si Eli Guieb sayo. Hindi siya bading. May similarity lang yung pamamaraan niyo sa pag-delivr ng kuwento.
Anyway, nabasa mo na ba ang "Red and luha ni Michael" na umapir noon sa unang installment ng ladlad?
Now, you surely are back! Para na naman akong gagong humahagalpak sa tawa kaharap ang computer! Write on!
fendi, tuloy ang party. ang sisiba ng mga bakla.
kiks, salamat.
jun, nakakaloka nga ang sakit mo sa healing rituals series.
nabasa ko ang ladlad pero di ko na maalala ang mga kwento don. ninakaw din ang ladlad book ko.
aryo, hirap nitong ang tagal na di nakapagsulat
Ini-imagine ko nga na pelikula na eto eh! (nagpaparinig kay Ediatrix Gomez!).... and saya!
he he he.
Salamat at nagbalik ka....Di mo lang alam kung ano ang audience-imfact ng pagbablik mo sa mga libo-libo mong mambabasa..c",)
Belated kay Red.. :D
regards..Homie
homie, OA mo naman. Libo-libo?
sana AIDS nlng ung sinabi para mas dramatic!
davah!?
Bakla, alam mo ba na may risk sa throat cancer ang mga bumoboda? Naka, Mandaya, baka magdilang-anghel ka. Careful, Mare.
Maligayang pagbabalik Mandaya. Di ka man lang nagparamdam.;-)
hahaha...natawa ako d2.ngaun lang ako nagsisimulang mag basa ng blogs mo. nakakaaliw.hahaha..
naghanda pa 2loy nanay ni red.nawindang.ahaha
Post a Comment