Sunday, December 23, 2007

Aw!

Inis ako kay Kulot, ang Sergio ng buhay ko.

Ayaw nya kasi ako, ang Marimar ng buhay niya, pasalihin sa gaganaping Miss Gay Pageant sa December 25.

"Kahit di ka na manood, ihatid mo lang ako," sabi ko.

Hindi sya umimik.

"Sige na," pilit ko.

"Hindi kita ihahatid dahil di ka naman sasali," sabi niya.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Nakalimutan mo na yata ang katawan mo," sabi niya.

Dedepensa pa sana ako na may mas malalaking katawan pa sa akin-- tulad nina Fiona, Red at Kirat -- pero dinugtungan niya kaagad ang kanyang linya.

"Nakalimutan mo na malaki ang tiyan mo," sabi niya.

Ako naman ang di umimik. At, tinuloy niya ang sermon.

"Kung sasali ka, doon ka sumali sa city," ang kanyang dugtong.

Whatever.


Tinanggap ko na lang ang pagbabawal sa akin ni Kulot. Di ko na lang muna ira-rationalize ang kanyang desisyon. Pero inggit pa rin ako sa mga bakla habang nagde-dress rehearsal.

Si Patricia, suot ang kanyang gown na gawa sa recycled ukay-ukay


Si Fiona naman ay sinuot ang kanyang costume para sa talent portion.

Belly dancing daw ang kanyang talent.

"Beer belly dancing?" tanong ni Kulot.

"Tse!" sagot ni Fiona.

"Ay Marimar dance na lang kaya gawin ko?" dugtong nya.

At dahil walang music, kinantahan sya ni Glydel.

"Marimar! Ako po si Marimar.
Nakatira sa tabing dagat
Simple lang at mahirap
Di nagkulang sa pangaral
Busog, busog, busog si Marimar!"

Aw!

Sunday, December 16, 2007

Divettes

May shooting kami dapat noong araw na yon. Kailangan kasi naming gumawa ng video para entry sa Papaya Dance. Sayang din daw ang cash prize. Ready na sina Fiona at Red. Pero biglang nagtext ang Patricia.

"Di ako pwede kasi may pinapagawa si Mama sa akin," ang text ni Patricia.

"Di pa nga sumisikat, nag-aastang diva na," tanging sabi ni Red.

At dahil sayang ang oras, nagbihis ang dalawang bakla. Photo-shoot na lang daw.



Eto sila.



Eto pa.



Di papagil ang Red.




Ayaw magpatalo ang Fiona, umeksena.



At sa taas ng talon ni Red, eto ang napala niya. Napasobra yata.





Super sakit daw ng kanyang balakang.




At sa inis dahil tuloy pa ring ang pagkuha ko ng photo, walk-out ang gaga.

Tuesday, December 11, 2007

Ella

Umulan ng luha noong magkita si Me-anne at si Kagawad N.

Para silang tanga. Walang nangyaring sigawan. Walang nangyaring sagutan. Nang magkita sila, nag-iyakan lang. Nagsorry si Me-anne. Tinanggap naman ito ni N.

Walang event.

Umulan din ang langit.

At si Red, kumakanta ng Umbrella.

Sabi niya: "You can stand under my umbrella."

Actually, eto ang ibig nyang sabihin-- "All of you can stand under my umbrella, ella, ella."

Saturday, December 8, 2007

Heartbreaking News

Fiona alias Jessica Soho, pasok!

Fiona: "Umaga pa lang ng Huebes ay naiserve na ang summon kay Me-anne para sya ay magpakita sa hearing na gaganapin bukas, Biernes. Ayon pa kay Me-anne handa raw syang harapin ang kaso. Eto po ang ang ating panayam sa kanya."


Me-anne: "Ready na ako."

Fiona: "Hindi ka ba natatakot?"

Me-anne: "Bakit ako matatakot? Si Julius ang pumunta sa bahay namin at nakipagkwentuhan. Joke lang naman yong sinabi ko pero sineryoso nya."


Fiona: "Iyon po ang maikling statement ni Me-anne. Back to you Mike."

Ako: "Potah ka Fiona, hindi ako si Mike!"

Katahimikan.


Red alias Doris B, pasok!

Red: "Nakausap din natin si Julius at eto ang kanyang sinabi."

Julius: "Anong joke? Seryoso yon. Siniraan niya si N. Sabi niya marumi daw sa katawan, mahilig lang daw maglinis ng mukha pero ang dumi daw sa katawan. Tapos, sabi pa niya kaya daw di niya mapaalis-alis ang kanyang kasambahay na lalaki e dahil ginagawa raw niya itong sex slave."

Red: "Totoo? Ano pa? Sabihin mo lahat."

Julius: "Wala na. Yun lang kasi umalis na ako kaagad."

Red: "A OK. Ano ba itong nababalitaan namin may relasyon daw kayo ni N?"

Julius: "No comment."

Red: "At iyon po, narinig nyo mismo sa napapabalitang lover ng nag-aakusa na sya mismo ang nakarinig sa umanoy paninirang puri na ginawa ni Me-anne. Back to you, Mike."

Ako: "Potah ka rin Red. Hindi ako si Mike."

Katahimikan uli.


Patricia alias Susan Enriquez, pasok!

Patricia: "Ano nga ba ang mangyayari sa hearing? May away bang magaganap? Aaminin kaya ni Me-anne ang kanyang ginawa? Hanggang saan hahantong ang kasong ito? Nakausap po natin ang isang sociologist at eto ang kanyang sabi."

Glydel: "Tumigil sila. Pare-pareho silang marurumi sa katawan!"

Patricia: "Pasensya na po, wrong video clip. Back to you Mike."

Ako: "Potah kayong lahat!"

Wednesday, December 5, 2007

Breaking News

Madalian lang ito.


Nagsampa na ng kaso sa barangay si Kagawad N laban kay Me-anne.

Ayon pa kay Kagawad N siniraan daw siya ni Me-anne. Ang kanyang witness ay si Julius, ang anak ng kapitbahay naming si Tita Bash. Ayon kay Julius, sabi ni Me-anne na "marumi sa katawan" ang kagawad.

"Sabi rin ni Me-anne na nakipagkantutan daw si N sa kanyang lalaking kasambahay," sabi ni Julius.

Sa ngayon ay hindi pa alam ni Me-anne ang naisampang kaso laban sa kanya.

"Sa Friday pa ise-serve ang summon," sabi ni Julius.


Si Kagawad N ay isang byuda. May relasyon sila ni Julius.

Sunday, December 2, 2007

Waiting Game

"Nagchange ako ng number. Ikaw ang una kong tinext. Ang bait mo kasi kaya na-inlove ako sa yo," eto ang ipinasa na text sa akin ni Red. Eto raw ang text message ng lalaki sa kanya.

"Totoo ang hula ni Madame Auring. Ikaw na lang ang hinihintay sa Bethlehem," reply ko sa bakla.

Tapos nagtext uli sya: "Date daw kami mamayang gabi. Overnite daw sa beach."

Di ko na sinagot. Busy ako sa kapapanood sa TV habang binabalita ang pag-walkout ni Trillanes at pagmartsa ni papuntang Manila Pen.

Walang pakialam ang mga bakla sa mga nangyayari sa Imperial Manila. Si Fiona, tuloy sa kanyang duty sa parlor. Si Red naman, may "home service" sa isang school sa kabilang town.

"Kailangan ko ng pera para sa date namin ngayon gabi," text niya sa akin.

Kami lang ni Kulot ang nasa bahay, nakatutok sa TV at sinusundan ang mga pangyayari.

At habang nanonood ng TV, napagusapan namin ni Kulot ang kase-celebrate lang na fiesta sa kapilya nila at ang pagod namin. Siya kasi ang presidente ng youth group doon. At bilang presidente, sya ang namahala sa mga activities tulad ng basketball tournament at pa-disco. At dahil siya ang presidente, ako ang first lady. At bilang first lady, papel ko naman ang mag-raise ng funds para sa mga activities. Sa lahat ng tumulong, salamat. Sa mga binigyan ng soliticitation letter pero di nagbigay kahit konti-- sana magkaanak kayo ng unggoy!

Nagdidilim na nang magtext uli si Red.

"Ano ipapakain ko sa guy? Bili ako ulam, dyan kami kain ha?" tanong nya.

"Bili ka na lang litsong manok dyan. Kami na sa rice," sagot ko.

"OK. Excited na ako. Umepekto ang Yam-Yam ko," text uli niya.

"Bwisit na Yam-Yam yan," reply ko.

Hindi na sya sumagot.

Sa kalagitnaan ng paglusob ng mga pulis sa Manila Pen, nagtext uli si Red.

"Wala pa sya. Wait ko daw sya dito sa terminal para sabay na kami dyan," sabi niya.

"OK," reply ko.

Isang oras na ang nakalipas. Malamig na ang sinaing namin.

"Boyshet na guy yan, niloko yata ako. Wala pa rin sya," text ni Red.

"Wait ka pa, baka nasiraan ng bus," reply ko.

Madilim na nang dumating si Fiona galing ng parlor.

"Antayin na natin si Red, sya ang may dala ng ulam. Meron daw syang ka-date na guy," sabi ko.

"A OK," tanging sagot ni Fiona na busy naman sa pagte-text habang papasok sa kwarto.

Isang oras pa nang dumating si Red. Dala-dala ang isang litsong manok. Mainit ang ulo.

"Inindyan ako," sabi niya.

"Sure ka? Baka naman may nangyari sa date mo?" sabi ko.

"Tulad ng?" tanong niya.

"Baka nahulog sa bangin ang bus," mabilis na sagot ni Kulot.

"He!" sagot ni Red sa pang-aasar ni Kulot.

"OO nga, baka naman may di magandang nangyari. Tinawagan mo ba?" tanong ko.

"OO, pero di naman sinasagot," sagot ni Red, kita sa mukha niya ang inis.

"Tawagan mo uli, baka naging busy lang," giit ko.

At tinawagan ng bakla. Naka-loudspeaker pa. Sinagot naman ang tawag.

"Hello!" sabi ni Red.

Walang sagot.

"Hello!" sabi uli ni Red.

Wala pa ring sagot.

"Hello! Saan ka na?" tanong ni Red.

"Nandito na ako," sagot ng nakangising Fiona, malalim ang boses, na nakatayo sa pintuan ng kwarto, sinasagot ang tawag ni Red.

"Pota ka!" tanging sigaw ni Red sabay bato sa hawak na listong manok.

Kasabay ng pagsurrender ni Trillanes ay ang simula ng maliit na gyera sa pagitan ni Fiona at Red.

Ang Kulot: masaya dahil litsong manok ang ulam.