Saturday, 8 December 2007

Heartbreaking News

Fiona alias Jessica Soho, pasok!

Fiona: "Umaga pa lang ng Huebes ay naiserve na ang summon kay Me-anne para sya ay magpakita sa hearing na gaganapin bukas, Biernes. Ayon pa kay Me-anne handa raw syang harapin ang kaso. Eto po ang ang ating panayam sa kanya."


Me-anne: "Ready na ako."

Fiona: "Hindi ka ba natatakot?"

Me-anne: "Bakit ako matatakot? Si Julius ang pumunta sa bahay namin at nakipagkwentuhan. Joke lang naman yong sinabi ko pero sineryoso nya."


Fiona: "Iyon po ang maikling statement ni Me-anne. Back to you Mike."

Ako: "Potah ka Fiona, hindi ako si Mike!"

Katahimikan.


Red alias Doris B, pasok!

Red: "Nakausap din natin si Julius at eto ang kanyang sinabi."

Julius: "Anong joke? Seryoso yon. Siniraan niya si N. Sabi niya marumi daw sa katawan, mahilig lang daw maglinis ng mukha pero ang dumi daw sa katawan. Tapos, sabi pa niya kaya daw di niya mapaalis-alis ang kanyang kasambahay na lalaki e dahil ginagawa raw niya itong sex slave."

Red: "Totoo? Ano pa? Sabihin mo lahat."

Julius: "Wala na. Yun lang kasi umalis na ako kaagad."

Red: "A OK. Ano ba itong nababalitaan namin may relasyon daw kayo ni N?"

Julius: "No comment."

Red: "At iyon po, narinig nyo mismo sa napapabalitang lover ng nag-aakusa na sya mismo ang nakarinig sa umanoy paninirang puri na ginawa ni Me-anne. Back to you, Mike."

Ako: "Potah ka rin Red. Hindi ako si Mike."

Katahimikan uli.


Patricia alias Susan Enriquez, pasok!

Patricia: "Ano nga ba ang mangyayari sa hearing? May away bang magaganap? Aaminin kaya ni Me-anne ang kanyang ginawa? Hanggang saan hahantong ang kasong ito? Nakausap po natin ang isang sociologist at eto ang kanyang sabi."

Glydel: "Tumigil sila. Pare-pareho silang marurumi sa katawan!"

Patricia: "Pasensya na po, wrong video clip. Back to you Mike."

Ako: "Potah kayong lahat!"

8 comments:

paoring said...

Wow world class news correspondent ang kanilang mga arrive huh!Napaka happee talaga ang Crazeemazz dyan ano? Back to you Mike!!!!! hahahaha

Bryan Anthony the First said...

wala ba ka alyas si ces drilon??

Kiks said...

Bakla, ikaw ba si Mike Moore?

Charot!

(btw, gumaganda ang blog look hanez? me certain talent. me added color. merong make up na nagaganap.)

Lyka Bergen said...

Pretty in Pink sure na ako ngayon na kamukha ni Mandaya Moore-Orlis si Mike Enriquez.

Mike, pasok!

Islander said...

Mike kamusta bakit di na kami pwedeng mag-advertise dito... hehe

burrito said...

ang saya-saya! LOL. baka dala lang ng selos kaya napikon si julius, and to prove kay julius na hindi totoo ang tsismis, nag-file na ng kaso si N laban kay me-anne.

mschumey07 said...

Teka, teka, naguguluhan lang ako. Sino ba talaga si Mike? Sure akong hindi ikaw....sagutin mo yan at hindi kita tatantanan. Sabay ubo. Excuse me po!

xela said...

Opo sobra po atang kaputa-putahan ang mga newsbreak na yan ano........lolz