Sunday, 23 December 2007

Aw!

Inis ako kay Kulot, ang Sergio ng buhay ko.

Ayaw nya kasi ako, ang Marimar ng buhay niya, pasalihin sa gaganaping Miss Gay Pageant sa December 25.

"Kahit di ka na manood, ihatid mo lang ako," sabi ko.

Hindi sya umimik.

"Sige na," pilit ko.

"Hindi kita ihahatid dahil di ka naman sasali," sabi niya.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Nakalimutan mo na yata ang katawan mo," sabi niya.

Dedepensa pa sana ako na may mas malalaking katawan pa sa akin-- tulad nina Fiona, Red at Kirat -- pero dinugtungan niya kaagad ang kanyang linya.

"Nakalimutan mo na malaki ang tiyan mo," sabi niya.

Ako naman ang di umimik. At, tinuloy niya ang sermon.

"Kung sasali ka, doon ka sumali sa city," ang kanyang dugtong.

Whatever.


Tinanggap ko na lang ang pagbabawal sa akin ni Kulot. Di ko na lang muna ira-rationalize ang kanyang desisyon. Pero inggit pa rin ako sa mga bakla habang nagde-dress rehearsal.

Si Patricia, suot ang kanyang gown na gawa sa recycled ukay-ukay


Si Fiona naman ay sinuot ang kanyang costume para sa talent portion.

Belly dancing daw ang kanyang talent.

"Beer belly dancing?" tanong ni Kulot.

"Tse!" sagot ni Fiona.

"Ay Marimar dance na lang kaya gawin ko?" dugtong nya.

At dahil walang music, kinantahan sya ni Glydel.

"Marimar! Ako po si Marimar.
Nakatira sa tabing dagat
Simple lang at mahirap
Di nagkulang sa pangaral
Busog, busog, busog si Marimar!"

Aw!

24 comments:

charmed one said...

i love the marimar costume

winner siya dyan !!!

paoring said...

Ay, it really shows.....hindi ang censored part huh kundi it really showed na taga tabing dagat pala talaga si Marimar. Dahil.... ask me please... ask me na bah... dahil from recycled seaweeds galing ang suot niya...... agree?

Kiks Phulumulu said...

walang magaganda paoring kahit pa luwa ang kabuuuan ni Super MariMar-ket. Char lang!

Meri Xmas bakla!

The Zen Bitch said...

concerned lang si kulot sa iyo, mandy. gusto nya cguro na kapag sumali ka e at least finalist ka, or runner-up.

kaka-miss ang feeling na pinagbabawalan! hay...

panalo ang costume ni fiona! question: talaga bang dapat labas ang mga nipples aberin niya?

reyna elena said...

HAHAHA!!! you guys rock! an saya nyooo!!!

Hey! To Mandaya and all your loyal readers! I wish you guys the best of this Christmas, have a happy new year and more pageants to come!!!!!

MISTERHUBS said...

Sexy si Patricia in fairness. Kay Fiona, naloka ako! :-)

palmatayona said...

MALIGAYANG PASKO at masaganang halakhakan dyan sa kabukiran!

:-)

burrito said...

mukhang merry ang xmas sa kabukiran! i hope nauwi nyo ang lifestyle package na first prize sa miss gay! chos!

mrs.j said...

wah"!! porn! haha

alimuom said...

merry christmas sa inyong lahat. ok na 'yun Mandy. at least nag-iisa ka namang winner sa heart ni Kulot. bagay si fiona as miss MARIMARim (just kidding)!

yoruosu12 said...

Ayaw lang siguro ni Kulot na may magnasa sa kagandahan mo. Gosh nakakakilig kapag may sobrang caring sa iyo.

jackie said...

heheh.. nkakatuwa naman ang marimar na yan. ndi ko kinaya. heheh..

meri xmas din mandaya! mwah! ;) regards sa mga friendships mo ha. dami din ako gay friends and lahat cla totoo. parang kayo. ;)

God Bless and \goodluck sa marimar na yan. hahaha

Mink: The Arabian Paladin said...

si fiona baka magka wardrobe malfunction sa pag belly dancing nya.!!
hehe
Happy New year!

Bryan Anthony the First said...

ganda ni marimar, para syang na rape ng mga pirates...

para syang avocado desert

Zang said...

ey mandaya, i've something for you at http://myconsolingasylum.blogspot.com/2007/12/ways-to-make-you-smile-this-new-year.html

jake said...

Wow! This is a very entertaining blog. Matagal na 'tog kinukuento ng kaibigan ko, but ngayon lang ako nagkaroon ng chance to read it, at isang upuan ay binasa ko lahat, at nabitin ako, lol!

Natutuwa ako sa mga kuento mo, Mabuhay ka!

big_berto said...

happy new year! :-D

Lyka Bergen said...

Anovah? Anovah? Anovah ang nangyari at walang vagong post ang vakla sa vukid?

Na-check mo na ba ang post ni Kiks, Lolah?

Happy New Year sa mga characters ng blog na toh, especially ke Kulot. Kiss mo sya... from me. As in lavas ang dila ha! Go!

heckies said...

antaray ng marimar!

mrs.j said...

ate visit mo ang seafoam.multiply.com for the shirts!!!

mschumey07 said...

Happy New Year! Baka naman kaya ayaw kang pasalihin ay dahil gusto lang niyang sa kanya ka lang? Ayaw mo ba nun at ikaw lang ang reyna ng puso niya? Alam mo naman kaming mga lalaki, ayaw namin ng may kahati.

VC said...

Please, I beg you to blog more frequently. You're hilarious.

Momel said...

AHAHAHAHAAA!!!

As in, maga na ang gilagid ko, na-loshang ako sa katatawa dun sa mga pictures nyo. And the lyrics!

Yeah, VC is correct, and I won't repeat nothing, because I try to not state the obvious.

ignoramous said...

Hahaha.. ang lupit.. puwede ba ako makigamit niyang pix mo?

the best.. hahaha..