Sunday, February 10, 2008

Family Day

Mainit ang ulo ni Kulot nang umuwi sya kaninang tanghali. Galing sya sa kanila. Sunday kasi at family day ang drama nya. Pero may nangyari.


"Ang gugulo ng mga bata. Lalo na yung mga anak ni Ate. Yung panganay umiiyak kasi gusto magpabili ng junk food. Yung pangalawa, umiiyak din kasi gusto rin ng junk food. Yung bunso, umiiyak dahil umiiyak ang dalawang nakakatandang kapatid," sabi niya.

"Karga ko na ang bunso kasi di kaya ni Ate kargahin ang tatlo," dugtong niya.

"Kasi ikaw anak ka ng anak, di mo naman pala kayang alagaan ng sabay-sabay," sabi ni Kulot sa Ate niya.

Pero may katarayan din ang Ate at sinagot sya ng: "Palibhasa, di kayo pwedeng magkaanak."

Ang Kulot, ibinaba ang kargang pamangkin at nag-walkout. Balik sya sa bahay ko.

Matagal ko ng gustong gawin pero natatakot ako at baka ma-offend sya kapag sinabi kong magpatingin sya sa doctor para malaman namin kung ano ang problema sa kanya at bakit hindi kami magkaanak.

Ano ang dapat kong gawin?

25 comments:

Raiden Shuriken said...

defensive ang Ate nya kaso defensive din agad ang Kulot. sana sinabi nyang "kukunin na lang namin itong isa para magkaanak din kami, tutal hindi mo kaya..."

MINK said...

bakit hindi na lang kayo mag ampon? maganda sana kung sanggol pa para, walang muwang...

dr magsasaka said...

Charing ka.

Yang matris mo ang meron deperensya. I heard di ka pa nag mens kahit kelan.

Anonymous said...

kung ako ateng: deadmatology! dala lang nang bugso nang dugo yon! am sure hindi sinasadya yun nang Ate. besides, indi pedeng mamili nang relatibs ateng! pataying mo nang sweet and loving care dahil mas shocking yun pag narealize nya

Anonymous said...

Hello Mandaya,

isa ako sa masugid mong fans - pero ngayon lang nagcomment

kahit noon pa nung hindi pa hyphenated ang pangalan mo at dalaga ka pa humanga na talaga ako sa husay mo sa kaprasong lugar mo sa cyberspace- kaya nga nung sandali kang nawala nalungkot din ako - pero ngayon tuloy ang ligaya at patuloy ka sa iyong unique brand of humor and wisdom.

sa isyung kinakaharap mo ngayon siguro try niyo muna pagpatuloy ang natural means of conceiving - stressed siguro kayo parehas at confused ang egg cells mo sa ngayon
balitaan mo kami pag magbunga na ang efforts niyo... chos!

jericho said...

sabi ni ina, maging matapat daw; ikaw ang magtapat kay Kulot. aminin mo na kasing bakla ka!..;)

Anonymous said...

Mag Angelina Jolie na lang kayo ate noh? Help ka pa sa mga taong di makayang magpalaki nag anak. Para kung ganun, di feel na ninyo na Mr and Mrs ever after. Go go go!!!!

Lems said...

baka naman di nyo pa natityempuhan ni kulot ang tamang posisyon? sabi nung officemate ko effective daw pag sa hagdan nag me make love...i try nyo kaya? hehehe

Bryan Anthony the First said...

talk straight sa kanya

Anonymous said...

dearest mandaya, malamang baog nga si kulot... pina-spermcount mo na ba ang labidabs mo? kung hindi pa, now is the time. hindi ka na kasi bumabata, sige ka mahihirapan ka nyang umire. or, ipahilot mo ang matris mo, malay mo, inverte ito at kailangan ng ayuda... or, pasyalan mo ang isang gynecologist at ipasipat mo yang lungga at juhay-juta mo; malay mo may impakto na dyan na ayaw jumabastra. kung wala pa ring mangyari, malamang lalake ka eneng! charuz. nagmamahal ng tudu-tudu... lola xixi.

wilfredo pascual said...

the average cost of in vitro fertilization cycle in the united states is $12,000. i figure you need to make and sell 96,000 cupcakes and presto, your problem is solved. here's a gimmick to increase sales: fortune cupcakes.

Kiks said...

denial stage pa ang kulot.

denial na hindi nya kayang magbuntis.

goddess said...

eto lang ang payo ko sayo..

"............."

nagets mo?
ako din ndi.

arjay said...

try niyo sa hilot, hehe. maayong buntag!

Anonymous said...

feeling ko talaga you need to talk to him at sabihin sa kaniya na magpa check up na siya hahahahahaha.

i loved this.

aries said...

u can silently add penrex into his food madam... try natin yan

Anonymous said...

na-try niyo na bang sumayaw sa Obando?

Anonymous said...

baka po wala kayong pekpek? pacheck nyo po..

Anonymous said...

Adoption dear is the answer!

atto aryo said...

Baka nga me diprensiya si Kulot. Hayaan mo na. Wag mo ng pahabain ang kwento. Baka lalo lang siyang masaktan:-)

Anonymous said...

... sabi nga nila, 'be careful with your wishes, they may just come true!', malay mo ate mandaya, bibiyayaan kayo ni mang kulot ng isang bouncing baby boy in God's time! am sure naman na ready ka na for motherhood, kaya anytime now ay may darating na sanggol na lalong magpapatibay sa inyong pamilya. basta't darating na lang siya and put a lot of sunshine into your days! mahalin mo siya at palakihin ayon sa tibok ng inyong mga puso! goodluck, ate!

Anonymous said...

Naku, makukuha rin yan sa dasal. Magtulos kayo ng isang dosenang kandila na kulay pink. Mag-atang malagkit, nilagang itlog, nganga at saka Royal softdrink.

Ipatawag niyo rin ang mga albularyo ng baryo. Baka malay niyo, nausog lang ang isa sa inyo.

the boomerang kid said...

halu, eto ang mga puwede mong gawin to address this problem:
1. sperm count para ke kulot;
2. konsulta sa ob-gyne for you;
3. take vitamin E for both of you;
4. ihinto mo na ang pag-inom ng pills, kung mahirap mag-decide, isipin mo na lang kung ano ang mas gusto mo: boobs o anak?
5. magsayaw sa obando; and
6. magdasal ke sanrio!

Anonymous said...

Mare, sigurado akong na kay Kulot ang problema. Sabi mo nga di ba dati, lumalabas lang paminsan-minsan sa 'yo ang braso o kaya ang hita ng bata?

Anonymous said...

umpisahan ng isway ang kamay sa obando