Monday, March 10, 2008
Ang Simula
Hindi na napigilan. Inumpisahan noong sabado ang construction ng bakeshop. Ang location: sa lupa nina Kulot.
At dahil katabi lang nito ang bahay ng lola ni Kulot na si Oyang, nakialam ang matanda.
"Dapat magpatulo ng dugo," sabi niya.
Takbo naman agad ang Kulot sa akin.
"Bumili ka na lang ng manok," sabi ko.
Balik sya sa construction site. Pero wala pang sampung minuto ay bumalik sya sa akin.
"Hindi raw pwede ang manok," sabi nya.
"Bakit daw?" tanong ko.
"Sabi ni lola malas daw kasi baka isang kahig, isang tuka ang ending," sagot niya.
"Ano dapat?" tanong ko.
"Pato," mabilis na sagot niya.
"Pato?" mabilis din na tanong ko.
"Kasi malakas humigop ang pato," mabilis ding sagot niya.
A ewan. Pato na kung pato. Totoo ngang malakas himigop ang pato, lalo na sa mga canal. Ang lakas din humigop nito ng mga dura, mapa laway man o plema.
Half-day lang ang trabaho nila noong Sabado. Ang dahilan: may sabong.
Hindi pa nauumpisahan ang pagbuhos ng semento, pero handa na ako sa aking ililibing.
Heto ang unang linya: "Sa araw na ito ang simula ng bagong kabanata sa buhay namin ni Kulot."
Heto naman ang huling linya: "Sa araw na ito ang simula ng katapusan sa buhay ko sa piling ni Kulot."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
22 comments:
Di ko ma gets ang ending. Very futuristic.
Interpretable in several ways. I hope what you mean isn't bad.
prophetic, actually. or better yet, cryptic. naguguluminahan ako. hmmmmm, pag-isipan ba???
agree with lyka.. makikipag break ka na kay kulot... :O or, ikakasal na kayo.. kaya, katapusan ng pag li-live in ninyo?? paka thrill naman....................
naku, kailangang mai-post ang in between para malaman ang journey ng start to ending. ano kaya ang sasabihin ng lola ni kulot kapag patong bakla ang ginamit?
maligayang paglikha!
:-)
Good Luck sa bago mong bakeshop. Sana nga ay parang pato humigop ng kita yang negosyo mo.
naloka naman ako sa alamat ng pato. pero mas naloka ako sa last line. ang lalim.
Parang "Oro Plata Mata" naman ang background ng kabanata na to. Parang ang dami daming mangyayari ... simula pa lang yan ha!
Mare, very doomsday ang last line pero in ferlalou I comprehend it.
(Siyet, nahawa na ako kay Janina San Miguel.)
Nawa'y sabay kayong tumanda ni Kulot nang magkapiling sa bawat sandali.
maganda. FULL CIRCLE ang concept ng una at huling linya. BUO. walang butal... meaning, DEPENDE sa 'gumuhit' ng circle ang size nito, puedeng palawakin o paliitin... puedeng static , puedeng mobile...matalinhaga ka talaga achung, ang tagal ko ngang na decipher ang nemsung mo, mandaya moore-orlis... more or less pala? hahaha! padala ka ng invites sa inaguration ha? may mga pamangkin ako sa may panabo baka makadalikyat ko...
ala- "Lost" TV series na ata tong blog mo. Sana di mamatay si Yunjin Kim AKA Fiona! Chos!
Your bakeshop business is really taking off huh. Good luck! :) Bibili ako ng cake sa inyo one of these days.
Nang dahil ba yan sa pato? Drastic yata ang ending!!!!Haaaaayyyy!
hmmmm... ano kaya ang mangyayare...
sana nga hindi sya bad.... ano ba tlaga ang ibig sabihin ng last line?
saan ba kita makontak nang personal para maka-contribute man lang sa success ng inyong (love)business kahit isang pato lang...
wahaha! pamahiin...
ngayon ko lang nalaman di pala pwede ang manok. ang hirap na humanap ng pato ngayon eh. kadalasan kasi ginagawa nang balut.
cryptic naman ng ending mo. waits na lang ako sa susunod mong post, hmmm.
bwahahahahaha naloka ako sa last comment ni lyka!
ate baka makabisit ako sa bakeshop nyo someday. sana. :)
mahihirapan akong humabol sa kwento ng buhay mo more or less.
pero Hello anyway.
huwag mong buhayin ang bangkay!!!
hahaha! hayop na dugong manok na yan hagalpak ako nang tawa! haha! super uber ka! tsaka anu ba naman na ending yan?!
wag kang mag isip nang anu pa man!(o ituloy mo na lang, parang kanta yan)
ayokong mag-assume kung anong mangyayari.. aabangan ko na lang! chos!
Post a Comment