Sunday, April 20, 2008

Shame Leave

Sabado ng umaga, sakay ang motor, bumyahe kami (ako, sina Kulot, Kaye at Fiona) papuntang kabilang town ng Lupon para mag-ukay-ukay.


Si Kulot at ang walang kamatayan niyang collection ng caps. Tatlo ang kanyang binili. P25 each. P200 ang budget nya pero di nya ito inubos sa ukay-ukay.

"May sabong mamaya," sabi nya.




Sina Kaye at Fiona habang namimili ng "comforter" para sa mainit naming bukid.




Kinahapunan, pumunta kami ng beach. Doon namin sinorpresa si Fiona. Di nya alam na pupunta rin si Red.

Walang imikan ang dalawa. Hanggang sa nagawi sa lalaki ang usapan. Di na namin napansin kung sino sa kanila ang unang kumausap sa isat-isa.

Ang resulta: Happy Ending.

Natapos na ang "shame leave" ni Red, dalawang linggo matapos kinalat ni Poging Pulis ang tsismis tungkol sa pag-araro ng bakla kay Dalagang Bukid.

"I'm back!" deklarasyon ni Red.

Heto sina Fiona, Patricia, Kaye at Red.

17 comments:

. said...

May dalawa akong tropa, mortal rin silang magkaaway. Nagkabati lang sila nang alayan ng lalaki nung isa yung isa noong naligaw silang dalawa sa Galera.

Iba talaga nagagawa ng boys ngayon, pang peace-offering na. Haha.

Nakakatuwa naman at ayos na ang tropa niyo.

Anonymous said...

happy ending! tama, magsuot na lang sila ng gumamela sa gilid ng tenga kaysa mag-away sila.

Lyka Bergen said...

Madrama naman talagah ang kabaklaan friendship. Am happy for Fiona and Red.

(Ang ganda ni Patricia). Sorry Fiona.

Anonymous said...

hahaha! meron akong kakilala, nag-aaway pa rin sila, kelan kaya darating ang boys offering? hmm!

glad na natapos in happy ending flowers to!

Neneng_Praning said...

wow bagong entry!!!

Hi Ms. Mandaya :)

tc.

bago mong taga-tangkilik,
nenengsky

Anonymous said...

Ayyy, Nang dahil sa isang gumamela ang drama. Peace to all! Join na nga ako sa "Scooter-riding Gumamela gays Club". Join na rin kayoooooo!!!!!

mrs.j said...

sawakas..

congratz!


pang telenobela!

... said...

all's well that ends well. hihihi. tnx for linking me ate mandaya!

Anonymous said...

ang ganda ng mga scooter! chos!

so totoo talaga yung nangyari kay red? hindi ba pwedeng i-reklamo yung poging pulis na yun dahil nanutok ng baril?

Raiden Shuriken said...

see... all's well that ends well. well, that's all! toingks!!!!

Raiden Shuriken said...

nyeeh! naunahan pala ako ni mel beckham sa aking quotation. walang originality! na-shy tuloy ako... huhuhuhu...

Anonymous said...

ginawang alay ang mga boys.. sana yung totoong boys ha hinde mapag panggap para lalong masaya...

I'M BLUE said...

Hahaha lovely!

cant_u_read said...

ngiti.

:-)

Felix said...

Matagal ko nang iniisip na gawing docu/film ang mga kuento mo.

Hindi ka rin ipapakita, boses mo lang na nagna-narrate. Papayag kaya ang mga bading lumabas? si kulot? seryoso ako ha. pero yun eh kung ipagkakatiwala mo sa akin. puede moakong tulungan magsulat. unless may nauna na sa akin?

let me know. salamat.

Anonymous said...

interesado akong gawing docu/film ang kuento mo? puede ba? lalabas lahat ng mga tunay na characters, ikaw voice over lang as narrator, pero puedeng ipinapakita ka rin pero llikod lang or hapyaw lang, basta...:)

let me know kung wala pang lumalapit sa'yo, and then iwill tell you more about the concept.

Barbara Bakal said...

taray ng blog mo! panalo sa characters! hehe

ililink kita!

makabili nga din ng scooter! haha