Friday, 29 August 2008

Panalo

Fiesta sa San Agustin, isang purok dito sa amin, noong Huebes.

Inilaban ni Kulot ang manok namin sa sabong. At dahil takot akong sumugal ng malaki, maliit lang ang napanalunan namin.


Nasa parlor ako noong ibinalita ni Kulot ang pagkapanalo namin.


"Eto o, kulang na yan ng dalawang daan, binalato ko kay kuya," sabi nya.


Binilang ko ang pera. Tama naman. Kinuha ko ang perang ipinusta ko.



"O yan, sayo na yan," sabi ko sabay abot sa kanya ang napanalunan namin.



"Sure ka?" tanong nya.


"OO. Kukunin ko lang pera ko, sayo na lahat ng panalo," sagot ko.


Nakangisi ang Kulot. Nagpasalamat at mabilis na umalis.


Makalipas ang kalahating oras, bumalik sya.


"Namili ako para sa bahay namin," sabi niya, bitbit ang dalawang plastic bags-- gulay, karne, isda, bigas at iba pa.


Ako naman ang nakangisi.


Umuwi sya sa kanila para ihatid ang mga napamili. Pero bumalik din agad.


"Samahan mo ako," sabi nya.


"Saan?" tanong ko.


"Sa ukay-ukay," sabi niya.


Go kami. Kahit mainit sa ilalim ng mga tents, OK lang sa akin. Matapos ang isang oras, nakabili sya ng anim na shirts -- 3 for P100. Ako, apat -- P50 each.


Nag-ukay-ukay din ang mga bakla.


Si Patricia, naka-ukay ng "gown" sa halagang limang piso.


Pag-uwi sa bahay, kahit walang laba, sinukat nya ito.


At nagpapicture



At namisikleta




Nangdelihensya ng yosi sa mga tumatagay ng tanduay



Natural, may disco kinagabihan. At kanya-kanyang paghahanda ang ginawa ng mga bakla, kasama ang mga bisitang sina Alton at Karay




Group Picture: (left to right) Red, Patricia, Glydel, Alton, Karay at Fiona

20 comments:

mel beckham-atienza said...

Panalo si Patricia. Panalo ang P5 gown. Ores ka mam. Hihi

Kiks said...

masaya talaga sa bukid.

parang walang problema.

so fishful.

(kung wala lang militar. chos!)

jericho said...

ang taray ng group picture. parang magsasabong sa ms. universe.

burrito said...

panalo ang 5 peso gown!

Mugen said...

Panalo ang gown. For five pesos, dinaig niya ang mga suot suot ng Manila High Society pag nagpaparty sila sa Embassy. Bwahahaha.

Lyka Bergen said...

mukhang maganda si Alton. Yun lang!

alimuom.atbp said...

wagi si patricia kahit walang gown... yosi lang ang prize!

Neneng_Praning said...

infectious and ngiti ng ms. red.

di ko mapigilan mapangiti din.

at, oo panalo ang gown na lima limang piso

pbear said...

Panalo si Patricia! hahaha!
Merry Widow in black ang drama! haha! :D

Momel said...

Ha haa, favorite picture ko ung she's making delihensiya to the tambays. Its totally nakakaloka, you know.

Cheers!

R-yo said...

Anong circa ba ng Binibining Pilipinas ito? :-)

rain&wine said...

na aliw ako dun sa pic na nandidilehensiya siya ng yosi sa mga tambay. hehe.

Bryan Anthony the First said...

agree @kiks, minsan go tao doon...

purplePRINCEdiaries said...

naaliw ako sa pic ni Pat na naka gown habang nag bibisikleta...

Winning shot talaga.

reyna elena said...

inferness, don't count me as one fashionista adviser pero ang ganda nung gown na nabili ni patrizze!

Sexymoi said...

gaganda naman ng mga dalaga mo hihi :)

wandering tsinelas said...

Kakainlab naman ang namimisikletang naka-gown. hahahahah!

Panalo!

zico said...

hi miss mandaya...

panalo talaga!!! ganda ng mga girls!!

fan mo ako at ng iyong blog... winner

dalaw ka minsan sa site ko ha... newbie pa nga lang =)

ciao!!!

jun of zerogravity said...

akala ko uuwi si Kulot na gegewang-gewang tapos may hawak na redhorse. :P

aliw ha, nakakatuwa ang kanyang pasalubong.

blagadag said...

elow. bakit kaya di man lang pinatagay si gown girl ng mga tambay? takot kaya silang:
a) maubos ang yosi
b) kukulangin ang tagay
c) jowa ng isang tambay si patriz at may LQ cla
d) ayaw nlang ma blag

what do you think, mandaya? (i like your name, very trivial?)