Sunday, September 14, 2008

Circa 1989

May nahalungkat akong maikling kwento na isinulat ko noong 1989. Eto yung nga panahong ako'y payat pa, may eyeglasses, cute at masarap. Bata pa ako noon kaya medyo bata pa rin ang style ko sa pagsusulat.

Eto.




Sa sasakyan pa lang nakikita ko na kung gaano kalayo ang lalakarin namin. Kung bakit ba naman ako ang napiling ipadala ng grupo para sa fact-finding mission na to? Hindi ko naman nilagay sa application form ko na ang hobby ko ay mountain climbing, at ni sa panaginip hindi ko inilusyong i-conquer ang mga bundok o isa man lang sa mga bundok ng Mindanao.

OO, Mindanao, specifically sa Upper Sepaka, Surallah, South Cotabato. At bakit? May human rights violations daw, may evacuation at sunugan ng bahay. At ano naman ang kinalaman ko doon? Moro Human Rights Center ang pangalan ng pinagtatrabahuan ko at obviously, covered namin ang lahat ng Moro areas sa ibabaw ng Pilipinas.

OK, naandoon na ako, ako pinadala, ako ang magdusa. Pero ang ikinasasama ng loob ko ay hindi basta-bastang lakaran ‘to, akyatan ang tawag dito.

Nag-umpisa ang akyatan at babaan sa mga bundok. Mabuti na lang at maagang nag-umpisa, hindi pa masyadong tirik ang araw. Pero hindi mapipigilan ang pagtirik ng araw. Doble pahirap, hindi ka lang mapapagod sa lakaran, mababagot ka pa sa init. Kung super init ang araw, super taas din ang mga bundok.

Diyos ko! Hihimatayin ako! Diyos ko! Madudulas ako! Diyos ko! Hindi ko na kaya! Hindi yata narinig. Tuloy pa rin ang lakaran at tawiran ng ilog.

Inabot kami ng pananghalian sa daan. Naglabasan ng mga baon- baong nakabalot sa dahon ng saging. Natapos ang kainan at ibig sabihin, lakaran na naman. At tuloy na naman ang pagdurusa.

Matapos ang ilang oras na akyatan at babaan, huminto kami. Tinuro ng guide ang lugar— nasa baba ng bundok. Isang malaking “SALAMAT” ang nabanggit ko. Pero binawi ko yon nang makita ko ang dadaanan namin pababa. Puro bato at puro matutulis pa.

Unang hakbang…OK lang. Pangalawa, pangatlo, pang-apat, panglima… Putangina! Dumulas ang paa ko. Nagmura ako, papalit-palit ang puntangina at shit sa bibig ko. Tinawag ko ang Diyos pero hindi ako narinig. Tinawag ko uli, hindi pa rin. Naisip ko, hindi Diyos meron dito. Moro area ito kaya dapat Allah.

Tinawag ko si Allah, at himala, natigil ang pagkadulas ko. Nakatawa lahat ng kasamahan ko, tumawa na rin ako. Patawarin sana ako ng Sambayanang Moro sa pagmumura ko. Isang malaking pasasalamat kay Allah. Isang malaking pasasalamat dahil sa aking pagkadulas, naunahan ko lahat ng kasamahan ko. At higit sa lahat, isang pasasalamat at nakarating na kami.

(Itutuloy)

8 comments:

Raiden Shuriken said...

ahem! may past ka palang ganyan. bow naman ako!

jericho said...

aba at malapit ka pala sa mga divine beings. isa ka talagang dyosa!

the boomerang kid said...

hmn, malakas ka pala ke allah ha!

Neneng_Praning said...

ang tagal naman ng kadugtong. :)

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

red, meron naman. sobra pa dyan.

jericho, malapit na malayo.

zen, that time lang ako malakas. ngayon, di na.

neneng, matatagalan pa kasi ini-encode ko pa from the original copy na typewriter pa ang gamit. hehe

... said...

Nang, asa na ang sumpay?

Unknown said...

sayang, ngayon mo lang sinabi na may obra ka pala sana nasama ko sa binubuo kong anthology

Lory said...

aabangan ko ang susunod na kabanata ha....