Monday, 17 November 2008

Hindi ako

Hindi ako nakatiis. Pagkalipas ng dalawang oras, nakialam ako.


"Sino raw ang textmate niya?" tanong ko kay Kulot.


Ayaw ako sagutin.


"Bahala ka kung ayaw mo sagutin. Basta ako, gusto kong tumawa. Buti nga sa yo," sabi sabi ko.


"Si Bungol," sagot nya.


"Sino'ng Bungol?" tanong ko.


"Si Junel," sagot nya.


"Junel?" tanong ko uli.


"Pinsan ko," sabi nya.


Tumawa ako nang pagkalakas-lakas.


Ilang oras nang tahimik si Kulot. Nag-iisip yata.


"Pag-uwi ko, kakausapin ko sya," sabi nya.


"Sino?" tanong ko.


"Ang babae," sagot nya.


Sadyang "babae" lang ang tawag namin sa kanya.


"Ano naman ang sasabihin mo? E madali namang mag-deny. Tulad ng ginagawa mo sa akin," sabi ko.


Tumingin lang sya.


"Ngayon alam mo na kung ano ang pakiramdam ko kapag may textmate kang iba," dugtong ko.


Nakatingin pa rin sa akin.


"Kakausapin ko sya. Sasabihin kong tayo pa rin. Sasabihin kong wala ako sa Tagum at naandito ako sa yo," sabi nya.


"Tapos?" tanong ko.


"Dapat tanggapin nyang tayo pa rin. Hindi na natin itatago," sabi nya.


"Kaya mo?" tanong ko.


"OO," sagot niya.


"Kaya mong harapin ang galit ng mga magulang niya? Dahil sa ginagawa mo, para mo na ring niloko anak nila," sabi ko.


"Seryoso naman ako a," sabi niya.


"Hindi seryoso ang maging girlfriend mo sya pero tayo pa rin. Hindi seryoso ang itago mo sa kanya ang relasyon natin. Hindi seryoso ang sabihan mong nasa Tagum City ka para maghanap ng trabaho e naandito ka lang pala sa akin," sabi ko.

Natahimik uli ang Kulot.

17 comments:

Anonymous said...

kumukulot ang hair ko kay kulot!!! can't he just have one gf??? i think you're being violated here ms. mandaya..

Anonymous said...

Confused na ako, para yata akong naka narcs nito. Ano ba talaga ang dapat na ipalabas? EEEEEEEEEEEEEEKKKKKKKK again.

jericho said...

ba't feeling ko eh nag-e-enjoy ka na? hehehe

Kiks said...

Ano ang feeling ng pagtugtog ng official theme song kinabukasan?

Parang Dramarama-Raw sa Davao ang arrive.

Parang laging aantabayanan ang Nakaraan pag di naabutan.

blagadag said...

ang galing ng palitan ng lines. parang maricel soriano ang actress.

manay sa tinapay said...

now's the time to crush him! HAHAHA!

Anonymous said...

I enjoy your story very much. Kaya lang may mga kurot ang mga salita ni Kulot. Seryoso daw siya. Daw. Ano kaya ibig talagang sabihin noon? Well...

Anonymous said...

madam, ayaw na pagamit oi...nasaktan man mi kung sinasaktan ka ni kulot...bwisit kaayo ning kulot!!! do you think na hindi na to magagawa ni kulot ulit sa yo, later on? weakness nya kaya ang bilat..which technically you don't have...sabi nga ni Gary V..LETTING GO...

krizandy said...

ay naku so sad but true... why cant he be true, he cant let u go but he wants new horizon, pero parang confused lang din naman si kulot, his just like a kid who wants to explore more about the world... i know u could rationalized things ms. Mandaya . i believe in you, if i would suggest wht dont you tell him straight that this is not a game, he has to be mature in dealing things like this,. hahay, ewan hindi naman ako si kulot, di natin alam ano nararamdaman nya, but somebody should give him the rights ways ba??? hehehe...

about dun sa promise ko sayo, wala pa pala sya sa big city, ayon na corner pa ng mga panget, di pa makalabas, pero i sinabi ko na sa kanya na i save ang paper kahit gutay2x na... last time kasi nung nasa akin pa yun mejo gutay na, eh buong branggay ata bumasa nun at dumaan pa sa sandamakmak na mga bakla kasama na mga feeling bakla... heheheh... umuwi na nga kayo ng bukid para maayos na yang mga gulo... hehehe... epal lang talaga ako, ako ata nagpapagulo... hehehe

canmaker said...

matagal ang pinagsamahan ninyo ni kulot. pakiramdam ko, alam mo na ang endin nito ay kayo pa din ni kulot "sa hirap at ginhawa". parang lang siyang bata na nagsawa na sa pansit canton at gusto muna tumikim ng spaghetti, pero babalik at babalik pa din siya sa paborito niyang pansit canton.

ang pakiramdam mo bilang mas nakaka-intindi, pinagbibigyan mo lang siya sa luho niya....ok lang iyon...kasi in the end..."everything will fall,into place".....

good luck! :-)

wandering tsinelas said...

ang drama naman neto....

ang bigat.

Lyka Bergen said...

Mukhang happy ending ata ang dramang ito ah? Hmmm... wait na lang ako. tse!

Sexymoi said...

hmmm parang gusto kong sabunutan ang kulot promise... can i? please?

Anonymous said...

aray ko!!

Anonymous said...

aray ko!

Reesie said...

hay nako...i hate kulot na tlaga.. harap=harapan ka niyang sinasaktan..jus ko day..

r-yo said...

tahimik lang po akong sumusubaybay, pero ngayon ko napansin na tinanggal mo na ang hyphen. seryoso na ba ito? he he