Friday, 14 November 2008

Pagtanggap

Isang linggo na si Kulot sa bahay ko city. Tinanggap ko sya hindi lang dahil gusto ko pa sya. Tinanggap ko sya dahil alam kong babalik at babalik sa kanya at sa babae nya ang mga ginawa nila.


Wala pang isang linggo sa bahay si Kulot, nakatanggap ito ng text sa isang kabarkada nya sa bukid.


"Patawag naman," sabi nya sa akin.


"Ayoko nga," sabi ko sa pag-aakalang sa babae nya sya tatawag.


"Emergency lang, tatawagan ko si Balong," sabi nya.


"Sure ka si Balong?" tanong ko.


"Sure nga," sagot nya.


Halatang naiinis na ang Kulot kaya pumayag na rin ako.


Si Balong nga ang kausap nya. Naka-loudspeaker sa umpisa pero pinatay rin nya para sila-sila lang nga magkarinigan. Mga limang minuto rin silang nag-usap ni Balong. Pagkatapos, natahimik ang Kulot.


"Bakit raw?" tanong ko.


Wala pa rin imik.


"Hoy," kulit ko.


"May ka-textmate daw sya," pabulong na sabi nya.


"Sino ang may textmate?" tanong ko.


"Ang babae," sabi nya.


Di na ako nagtanong pa. Hinayaan ko siya sa problema nya.


Wala pa akong ginagawa nyan ha pero nabubulabog na sila.

19 comments:

Neneng_Praning said...

mabenta pala un si girl.

let the karma do it's magic.

Anonymous said...

im gonna watch and see where this episode leads,

reyna elena said...

Well, hahaha! Halata bang concerned ang Kulot na he's being slowly being replaced?! Hahaha! Ano yun? Hehehe!

Mugen said...

Ano kaya ang mangyayari kung nakisali ka pa sa problema nila. Hehe.

the bashhh said...

Problema nga yan... Makati pa sa gabing bukid ang ipinalit sa'yo!

shokla said...

abangan ang susunod na kabanata, daig pa ang mga telenovola sa kakaibang twist and turns ng mga pangyayari.

www.shokla.blogspot.com

Anonymous said...

Keep at bay ka lang dear... Justice will run its course.

Anonymous said...

"We cannot have our cake and it eat it too." We cannot have everything in this world. Hindi puedeng merong siyang Mandaya at Bilat. Sometimes sa paghahangad natin ng lahat, nawawalan tayo ng lubusan. Yan ang napapala ng mga masiba. Kulot's case? Sana matuto tayong lahat.

Lyka Bergen said...

Baka ikaw yung ka-text mate ng babae ha?

The Zen Bitch said...

hmn, masarap talaga panoorin kung paano nasasaayos ang mga kaganapang dulot ni carmi martin (karma)... wala ka kasing dapat gawin kundi relax, sit back, and enjoy the show!

Sexymoi said...

weow sister... napaka powerful mo! penge ng powers :)

burrito said...

"Lyka Bergen said...
Baka ikaw yung ka-text mate ng babae ha?"

PASOK SA BANGA! hahahaha

Ming Meows said...

sawsawan ng bayan pala yung bilat!

sarah said...

so ibig bang sabihin nun yung babae talaga ang gusto niya?

jericho said...

hindi naman ikaw ang ka-text nung girl? hehe

MkSurf8 said...

hala nawala na ang hyphen? :-)

Anonymous said...

ikaw pa rin ang wagi, ms. mandy :)

yatot said...

aba! kita mo nga naman... ang karma kapag dumating, hindi na kumakatok... ni hindi man lang nagpupunas ng paa! hahahha...

Ewan said...

naku naman ate Mandaya... set him free.. if he comes back then why not?