Saturday, 29 November 2008

Sino'ng masama?

Nasa bukid ako ngayon.


Hindi ko magawang ipagiba ang itinayong pwesto.

Hindi pala ako ang ganong tipo ng tao.

Naisip ko, hindi naman ito digmaan. Hindi pwede ang “matira ang matibay” sa usaping ito.

Noong binawi ko ang mga manok at baboy, akala ko masasaktan ko sya. Sya ang target noon, pero bakit pati ako nasaktan. Parang ang bigat sa dibdib. Parang lahat ng tubig ko sa katawan ay umakyat papuntang ulo, gustong kumawala sa aking mga mata. Pero hindi ako umiyak. Yon yata ang dahilan bakit lagi na lang masakit ang ulo ko.

Noong hiniwalayan ako ni Kulot, galit ang naramdaman ko. Sabi ko sa sarili, hindi pwede ito. Feeling ko wala syang karapatang gawin yon sa akin. Para sa akin, ako ang dapat magsabi ng “pahinga na tayo.” Kaya noong pumunta sya ng city pumayag akong tumira sya sa akin sa pag-aakalang maaayos ang lahat. Akala ko kaya ko. Kasabay ng pag-aakalang yon ay ang planong dapat ako ang aayaw. At ginawa ko naman.

Hindi kasingbigat ng hiniwalayan ang sitwasyong ikaw ang nakipaghiwalay. Kung ikaw kasi ang hiniwalayan, tinatanong mo ang sarili mo “bakit?” Ngunit kung ikaw ang kumalas sa relasyon, di ka na magtatanong. Alam mo na ang sagot.

At kahit alam mo na ang sagot, hindi ka pa rin mapalagay. Nasa isip mo pa rin ang gumanti. Yon ang nangyari sa pagbawi ko sa manok at baboy. Ipinakita ko sa kanya na kaya kong tapatan ang kasamaan nya, kung kasamaan nga ba ang tawag don.

At di pa ako nakuntento. Gusto kong ipagiba ang pwesto. Madali lang sana gawin yon, pero natatakot ako na ang bawat pakong bubunutin ay parang pakong ibinabaon sa dibdib ko. Na ang bawat plywood, kahoy o posteng babaklasin ay paranga plywood, kahoy o posteng ihahampas sa akin. Na sa bawat pasakit na gagawin ko ay sampung beses na pasakit sa sarili ko. Kung sasaktan ko sya, para ko na ring sasaktan ang sarili ko.

At ang mas malala ay ang katotohanang kapag sinaktan ko sya para na rin akong naging sya.

Kung ganon man ako kasamang tao at itutuloy ko ang pagtibag sa pwesto, titigil ba ako? Magiging sapat na ba para sa akin yon? O kailangan ko pang gumawa ng ibang bagay na ikakahiya ni Lucifer dahil di nya iyon makakayanang tapatan?

Ang tanong ay hindi kung sino ang mas masama sa amin. Ang tanong ay kung sino ang hindi.

Tuesday, 25 November 2008

Plan A2

Nasa custody na ni Fatima ang baboy.


"OK na tayo sa baboy at manok. Pag-uwi ko na lang dyan ipapademolish ang pwesto," text ko kay Kulot.


Pwesto ang tawag namin sa pinatayong bakery sa lupa nila Kulot. Pero hindi na bakery ang naging plano namin. Nagkataon kasing tumaas ang presyo ng harina kaya naisipan naming magbago ng negosyo. Nagkataon ding nagkaroon ng krisis sa bigas noon.


"Bigasan na lang. Atsaka feeds sa manok at baboy," maalala kong sabi ni Kulot sa akin noon.


Sumang-ayon ako sa plano nya.

"Sa November na natin umpisahan. Itaon natin sa birthday mo ang opening," sabi ko noon.


Sumang-ayon sya sa plano ko.

Pero di sumang-ayon ang tadhana. May dumaang mabahong bilat. Nasira ang mga plano.


Balak kong umuwi sa bukid ngayong Biernes. May appointment ako kay vice governor Mayo Almario. Magpapasalamat ako sa kanya sa pagtulong nya kay Eproy sa application nito para maging pulis.

At sa aking pag-uwi, ipapagiba ko na ang pwesto.


"Balak ni Mama gamitin ang pwesto. Tindahan daw," text ni Kulot sa akin.


"Hindi pwede. Ipapagiba ko yan," sagot ko.


As usual, di agad nakasagot ang Kulot.


"Kung yan ang desisyon mo, wala akong magagagawa," text niya.


Di ko na sya sinagot. Pero humirit pa sya.


"Matagal na tayo. Sana man lang may maiwan sa ating pinagsamahan," text niya.


Di ko sya masagot.

Sunday, 23 November 2008

Plan A1

Success ang Plan A. Eto ang karugtong ng plano-- ang hatian.


May mga manok panabong kami. Aabot siguro ng 30 lahat. Pero wala akong balak kunin ang kalahati nito.


"Ipadala mo kay Eproy yung pinahiram ng kapatid ko," text ko sa kanya kahapon.


Papuntang city kasi si Eproy, final interview sa police application niya.


Hindi agad nagreply ang Kulot. Tinext ko si Eproy. Ilang minuto lang ay sumagot si Eproy.


"Pwede ba raw wag muna dalhin ang inahin kasi nililimliman pa ang mga itlog?" text ni Eproy.


"Hindi," sagot ko.


"Pwede ba raw ipasisiw muna ang mga itlog?" tanong uli ni Eproy.


"Sabihin mo sa kanya ibigay na ang manok. Isosoli ko na sa kapatid ko. Sabihin mo rin sa girlfriend nya ipalimlim ang mga itlog," sagot ko.


"OK," sagot ni Eproy.


Dumating ang Eproy sa city na may dalang manok.


Pero meron pang problema. May dalawang baboy kaming inaalagaan niya. Ibebenta sana namin sa pasko.



"Gusto mong mag-alaga ng baboy?" text ko kay Fatima, asawa ng kaibigan naming si Johnny.



"Meron?" mabilis na sagot.


"OO, paghahatian na namin ni Kulot yung mga baboy namin," sagot ko.


"Naghatian na? Wala na pala talagang pag-asa?" tanong nya.


"Wala na. Kaya kung gusto mo, ikaw na mag-alaga. Ibenta natin sa pasko," sabi ko.


"Kailangan ba talagang paghatian?" makulit na tanong niya.


"OO, para wala ng koneksyon," sagot ko.



Pwede ko namang kunin ang dalawang baboy. Ako ang bumili noong mga biik pa ito. Ako rin ang bumibili ng feeds. Inalagaan lang naman nya. Kumbaga, sa akin nanggaling ang mga hayop na baboy na yon.


Pero iba ang nasa isip ni Fiona. Para sa kanya dapat paghatian ang mga baboy. May karapatan daw si Kulot sa kanyang mga alaga.


"Para naman meron syang separation pay," text niya sa akin.



Bukas, kukunin na ni Fatima ang baboy ko.

Thursday, 20 November 2008

Plan A

Birthday ni Kulot bukas. Fiesta din sa kanila sa Sabado.



Kagabi (Wednesday), uminom kaming dalawa ni Kulot. Bago pa nito, nagchat kami ni Jericho. Sinabi ko sa kanya ang plano kong tapusin na ang lahat kay Kulot.



Unang bote ng Red Horse, di ko pa rin nasabi ang gusto kong sabihin kay Kulot.



Pangalawang bote, wala pa rin akong nasabi. Medyo lasing na.



Pangatlong bote, iba ang lumabas. Ang libog namin.




Nagkabuhay ang "Oh Yeah" moment namin. Ang sarap. Para kaming mga hayok.



Natulog kaming di ko man lang nabanggit ang aking plano.



Ngayong hapon lang, habang hinahanda ni Kulot ang dadalhin gamit sa kanyang pag-uwi sa bukid. Mamimiesta sya. Doon na rin sya magse-celebrate ng birthday niya bukas.


"Dalhin mo na lahat," sabi ko.


"Ha?" tanong niya.


"Dalhin mo na lahat ng gamit mo. Di ko na kaya," sabi ko.


"Di mo na kaya ang ano?" tanong nya.


"Ang ganito. Ang itago ang relasyon natin," sabi ko.


Natigil sya sa pag-eempake. Naupo. Hinarap ako.


"Ayoko na ng ganito. Tinanggap kita noon kasi akala ko kaya ko. Hindi pala," sabi ko.



"Kakausapin ko sya. Ipapaalam ko sa kanya na tayo pa rin," sabi nya.



"Hindi kita pinapapili. Hindi ikaw ang dapat magdesisyon sa usaping ito. Desisyon ko ito. Ayoko na," sabi ko.


Mahaba pa ang naging pag-uusap. Hindi ako nagpadala sa pangangatuwiran nya, o sa mga plano nya.


Hinatid ko sya sa sakayan ng bus.


Hindi ko na inantay pa ang kanyang pag-alis.




Pag-uwi ko ng bahay, nakatanggap ako ng text mula kay Kulot.


"Nakasakay na ako. Salamat," text niya.

Monday, 17 November 2008

Hindi ako

Hindi ako nakatiis. Pagkalipas ng dalawang oras, nakialam ako.


"Sino raw ang textmate niya?" tanong ko kay Kulot.


Ayaw ako sagutin.


"Bahala ka kung ayaw mo sagutin. Basta ako, gusto kong tumawa. Buti nga sa yo," sabi sabi ko.


"Si Bungol," sagot nya.


"Sino'ng Bungol?" tanong ko.


"Si Junel," sagot nya.


"Junel?" tanong ko uli.


"Pinsan ko," sabi nya.


Tumawa ako nang pagkalakas-lakas.


Ilang oras nang tahimik si Kulot. Nag-iisip yata.


"Pag-uwi ko, kakausapin ko sya," sabi nya.


"Sino?" tanong ko.


"Ang babae," sagot nya.


Sadyang "babae" lang ang tawag namin sa kanya.


"Ano naman ang sasabihin mo? E madali namang mag-deny. Tulad ng ginagawa mo sa akin," sabi ko.


Tumingin lang sya.


"Ngayon alam mo na kung ano ang pakiramdam ko kapag may textmate kang iba," dugtong ko.


Nakatingin pa rin sa akin.


"Kakausapin ko sya. Sasabihin kong tayo pa rin. Sasabihin kong wala ako sa Tagum at naandito ako sa yo," sabi nya.


"Tapos?" tanong ko.


"Dapat tanggapin nyang tayo pa rin. Hindi na natin itatago," sabi nya.


"Kaya mo?" tanong ko.


"OO," sagot niya.


"Kaya mong harapin ang galit ng mga magulang niya? Dahil sa ginagawa mo, para mo na ring niloko anak nila," sabi ko.


"Seryoso naman ako a," sabi niya.


"Hindi seryoso ang maging girlfriend mo sya pero tayo pa rin. Hindi seryoso ang itago mo sa kanya ang relasyon natin. Hindi seryoso ang sabihan mong nasa Tagum City ka para maghanap ng trabaho e naandito ka lang pala sa akin," sabi ko.

Natahimik uli ang Kulot.

Friday, 14 November 2008

Pagtanggap

Isang linggo na si Kulot sa bahay ko city. Tinanggap ko sya hindi lang dahil gusto ko pa sya. Tinanggap ko sya dahil alam kong babalik at babalik sa kanya at sa babae nya ang mga ginawa nila.


Wala pang isang linggo sa bahay si Kulot, nakatanggap ito ng text sa isang kabarkada nya sa bukid.


"Patawag naman," sabi nya sa akin.


"Ayoko nga," sabi ko sa pag-aakalang sa babae nya sya tatawag.


"Emergency lang, tatawagan ko si Balong," sabi nya.


"Sure ka si Balong?" tanong ko.


"Sure nga," sagot nya.


Halatang naiinis na ang Kulot kaya pumayag na rin ako.


Si Balong nga ang kausap nya. Naka-loudspeaker sa umpisa pero pinatay rin nya para sila-sila lang nga magkarinigan. Mga limang minuto rin silang nag-usap ni Balong. Pagkatapos, natahimik ang Kulot.


"Bakit raw?" tanong ko.


Wala pa rin imik.


"Hoy," kulit ko.


"May ka-textmate daw sya," pabulong na sabi nya.


"Sino ang may textmate?" tanong ko.


"Ang babae," sabi nya.


Di na ako nagtanong pa. Hinayaan ko siya sa problema nya.


Wala pa akong ginagawa nyan ha pero nabubulabog na sila.

Tuesday, 11 November 2008

Hustisya

Ang pamangkin kong si Tuesday. Grade Two. Namumublema sa subject niyang RE-ED o religious education. Kinokontra ang mga madre sa Assumption College of Davao.


Unang tao daw sina Adan at Eba, ayon sa madre.


"Pero paano ang evolution of man na napanood ko sa National Geographic?" tanong niya.


Iba naman ang pagtingin nya sa isyu ng pagpapatawad. Ang turo daw kasi sa kanila ay kailangang magpatawad kahit na ano pa man ang kasalanan ng isang tao.


"Kahit na sinampal niya ako?" tanong ng pamangkin ko.


"OO," sagot ng madre.


"Sister, kahit na sinuntok nya ako?" tanong uli.


"OO, kasi yon ang gusto ni God," sagot uli ng madre.


"Kahit na nagka-blackeye ako, forgive ko pa rin sya?" kulit ng bata.


"Yon nga ang gusto ni God," giit ni sister.


"Kahit na ninakawan ako, kinuha ang lahat sa akin, pati bahay ko?" tanong pa rin ni Tuesday.


"OO nga," di matinag na sagot ng madre.


Ikinwento ito ni Tuesday sa amin. Nahirapan kami kung ano ang sasabihin.


"Kasi hindi pwedeng forgive na lang nang forgive," sabi niya.


Wala pa ring nakaimik sa amin.


"Pwede ko naman sya ipa-barangay. Idemanda kaya. O di kaya gantihan," dugtong ng bata.



Nagsalita ang tatay niya.



"Kung gusto mong pumasa, forgive ang isasagot mo," sabi ng kapatid ko.



"Iba sa school, iba sa totoong buhay," dugtong ko.


Naniniwala ako sa statement ko. Mahirap unawain ang konsepto ng pagpapatawad. Madaling sabihing madaling magpatawad samantalang may mga taong ang hirap patawarin. Madali ring sabihing mahirap magpatawad samantalang may mga tao namang kay daling patawarin.


Naniniwala ako sa pagpapatawad. Naniniwala rin ako sa karma.


Nag-uumpisa na nga ito kay Kulot at sa babae nya.

Saturday, 8 November 2008

Sino'ng Kabit

"Dito muna ako," sabi nya.


Hindi agad ako nakaimik. Masaya na hindi. Naguguluhan.


"Paano sya?" tanong ko.


"Di nya alam na naandito ako," sagot ni Kulot.


"Ano pala alam nya?" tanong ko.


"Na nasa Tagum City ako. Sabi ko doon muna ako sa isang kamag-anak habang naghahanap ng trabaho," sagot niya.


Di ko na sya tinanong kung gaano katagal ang balak nyang tumigil sa akin. Pero may dala syang dalawang manok panabong. Ibig sabihin noon, medyo matagal. Di naman kasi pwedeng bisita lang ang pakay niya ay with matching manok pa.

Natulog lang kami noong gabing dumating si Kulot. Di pa ako ready. Chos!

Kinabukasan, maaga syang bumangon. Nagluto ng almusal. Sunny Side Up eggs at danggit. Pagbangon ko, nakaready na ang breakfast. Nililinisan nya ang ibabaw ang gas range.


"Di mo ito nililinis ano? Ang dumi na o," sabi nya.

Smile lang ako.

Kumain muna kami bago nya itinuloy ang gingawa. Pagkatapos ng gas range, nagwalis sya ng bahay. Ang bait ni Kulot. Pati lababo, nilinis nya.


Tapos sa labas naman. Inayos nya ang aking mga tanim.

"Di dapat nakalinya ang mga pots. Dapat pagkumpulin ang iba't-ibang sizes para maganda tingnan," sabi niya.


Smile uli ako.

Pagkatapos, pinaliguan nya ang kanyang mga manok.






Nang matapos ang lahat ng gawain, inasikaso naman nya ang kanyang sarili. Ginawa ang isa sa mga bagay na natutunan nya sa mga bakla. Threading para matanggal ang kanyang facial hair

Wednesday, 5 November 2008

Moving In

Dahan-dahang napupuno ang sampung units dito sa tinitirhan kong apartment.

Nasa Door 7 ako. Ang katabi kong Door 8 ay maglola ang nakatira. Mabait ang matanda. Ang anak niyang si Lani ay naanakan ng isang opisyal ng manufacturer ng sabon, shampoo. Cute ang anak nyang si Elena. Laging nasa bahay. Tumatubling sa sofa.


Sa Door 9, isang pamilya. May bata ring limang taong gulang.


Sa Door 10, mas malaking pamilya. May aso na di gaanong cute at dalawang ibong nagsasalita ng "Pangit." Hindi namin type ang pamilyang ito. Medyo burara. Medyo marumi ang labas ng bahay nila.


Sa Door 6 naman, bagong pamilya. May isang anak, wala pang dalawang taon. Mataba ang bata pero hindi cute. Sigurado akong di sya kagandahan paglaki. Pero ang daddy, medyo cute. Turn off nga lang dahil gutay-gutay na ang underwear niyang sinampay.


Sa Door 3, pinay at ang asawa niyang hapon. May anak na makulit. Seven-years old yata. Pero ang tsismis, hindi anak ng hapon ang bata.


May lilipat daw ngayong linggo sa Door 5. Bagong pamilya rin. Six months old daw ang anak. Sana cute ang daddy.


Kahapon, nagkita kami sandali ni Bananas. Kumain ng pasta habang pinag-uusapan ang isang raket na pagkakaperahan. Pag-uwi ko, may lumipat sa bahay ko.


Malaki ang dalang bag.




Di man lang sya nagpasabi na lilipat na pala sya sa bahay ko.

Nanonood sya ng TV nang dumating ako.

Sunday, 2 November 2008

Moving On

Ang hirap gawin. Sinubukan ko.


Noong isang gabi, may party sa bahay ni Bill. Mga kaibigan lang at ilang bagong kakilala.


May lechon de leche, pasta negra, pasta pataka (yung kahit ano na lang nilagay pero masarap), beer at emperador brandy.


Naandon din para kumanta si Jeremie, ang bulag na bilat na kumakanta sa Kanto Bar sa MTS. Acoustic ang drama nya. Pass the hat lang ang bayad.


At dahil mga kaibigan ko sila, may sinet-up sila sa akin na lalaki. OK sana ang guy. Medyo Cute. Pero may pero.


Nakareserve ang isang kwarto para sa amin.



"It's time to move on," sabi ng kaibigang kong si Jingle habang papunta kami ng guy sa room.


Pero hindi ako naka-move on. Mahirap.


Hindi magaling sa kama ang lalaki. Parang robot.


Sa kalagitnaan ng "Not-So Oh Yeah" moment namin, tumigil ako. Tumayo. Nagbihis.


"Bakit?" tanong niya.


"Wala," sagot ko.


"Bakit nga? Di mo ako type?" tanong uli nya.


"Hindi, nasa akin ang problema," sagot ko.


"Subukan natin uli," sabi nya.


"Wag na," sabi ko.


"Sige na," sabi niya sabay hawak sa kamay ko.


Hinayaan ko syang hubarin ang shirt ko. Hinayaan ko syang hubarin ang pantalon ko. Pero sadyang di marunong si lalaki.


Tinigilan ko sya.


"Galingan mo naman para maka-move on ako," sinabihan ko sya.