Tatlong araw ako sa Lake Sebu sa South Cotabato.
Nagbigay kuno ng training sa mga batang lumad. Tinuruan ko sila kung paano magsulat ng kwento ng kanilang tribu. Ewan ko kung may natutunan ba sila. Pero ang gaganda ng mga kwento nila. May mga alamat, may mga love story, mayroon ding hinaluan ng kanta. Bumilib ako dahil mayaman sila sa kwento.
Natulog akong mag-isa sa kwarto. Wala po akong kasama. Di ko rin gawain ang landiin ang mga boys na participants. Professional po ako.
Sa aking paggising, ito ang bumungad sa akin

Mga batang namamangka sa lawa. Galing sila bumili ng limang pisong mantika sa tindahan malapit sa resort

Si Daddy at ang kanyang kalabaw family

Nauna akong umuwi kahapon. At dahil di man lang ako nakapamasyal, nagdesisyon akong sumakay ng motorsiklo papuntang bayan ng Surallah, kung saan sasakay ako ng van papuntang Tacurong City, then bus papuntang General Santos City, at isa pang bus pauwi ng Davao City.
Ang plano ko kasi ay kumuha ng photos habang bumabyahe papuntang Surallah, kasama ang isang machong driver.
Ang Seven Falls. Ni isa wala akong nakita. Dumaan lang po ako.

Pero naudlot ang aking sight-seeing event. Hindi kami pwedeng tumuloy. May mga pulis sa unahan. E ang driver ko, expired ang registration ng motor nya. At marami sila na ganon ang sitwasyon.

Dito ako tumambay, katabi ang Albino na kalabaw, habang naghihintay na umalis ang mga pulis. Pero matigas sila, kaya ako na lang ang naglakad sa unahan para mag-abang ng dadaang van o jeep

Kasali ang pagtambay sa gilid ng highway, naging walong oras ang anim na oras na byahe pauwi ng Davao.