Saturday, 21 March 2009

First Time

Nasa bukid ako. Sinadya kong di ipanaalam kay Bukid Babe na uuwi ako para naman magkaroon ako ng panahon sa mga bakla.

Pagkatapos maghapunan, lumabas kami-- ako at sina Kirby, Fiona, Patricia, Red, Kaye at Glydel.


At dahil medyo matagal di nagsama ang mga bakla, natural lang na inuman ang event. Naglalakad papunta sa tindahan ni Chona, ang Avon lady sa aming lugar, nang may dumaang motor. Huminto ito sa botika. Di ko pinansin.


May sinabi sa akin si Glydel. Di ko gaanong narinig.


"Ha?" tanong ko.


"Ex mo," sabi nya.


Di ko alam kung paano magreact. Iyon ang first time na nakita ko sya mula noong hiwalayan noong November 20.



Hindi ko nakita ang mukha niya. Pero kahit madilim, alam kong sya yon -- ang kanyang shorts, t-shirt at ang kulot na buhok na tila gustong kumawala sa kanyang baseball cap.

18 comments:

Anonymous said...

aba e sana pinara mo yung motor niya at umangkas ka!!

pag itinanong niya kung saan kayo pupunta, sabihin mo "sa langit saan pa!"

"......buhat, ng kita'y masilayan......." ahahay jusko!!!

mrs.j said...

a e i o u...awkward...

mel beckham said...

Ngotngot pa 'nang?

Ming Meows said...

dedma mo na lang sya teh. para hindi ka mukhang desperate.

Anonymous said...

may kirot at alaala sa bawat pagkikita. normal lang naman yan. pero just like Dulce (mother ni Pops) na gustong si Martin at Pops pa rin, i wish pa rin na kayo ni Kulot sa huli. well, malay natin. love comes back and grows in unexpected places. peace...

Herbs D. said...

so whathappened next??hehe

dabo said...

eeeh..hala. the irony.sa dami ng makikita..

rainisrian said...

at pag dating sa bahay? reminisce ang drama?

blagadag said...

buhay pa pala sya?

MkSurf8 said...

ilubong na intawon ang kulot.

Roy@Siam said...

I love the last line, very powerful and strikes through the core. I guess no one is ever really prepared to face that dreaded moment...

Would love to read what happens next.

Mico Lauron said...

awkward moments...

ei, tagged you po.. :)

cant_u_read said...

napaka-cosmic, kapateeeeeed! ako ngayon ay kasalukuyang nasa airport para magbakasyon sa maynila hanggang linggo. isa sa mga sumagi sa isip ko kani-kanina lang ay... pano kung makita ko ung ex ko? november din ang huli naming pagkikita. pero noon pang 2007. kaka-tense!

jericho said...

so ilang beer ang nainom mo pagkatapos? ;)

sexymoi said...

ayoko ng feeling na ganun... yung magkikita kayo ng ex mo tapos kasama pa niya yung present. haaay... kainis :)

Anonymous said...

sana mag move on na,,,kasi kakasawa na ang istorya ke kulot,,,maswerete ka nga at more ka ohms, miss ko na ang masaya na mga input at stories..

lora said...

hay.. parang naramdaman ko ang pag talon ng puso mo nung nasilayan mo sya. it doesnt mean na mahal mo pa sya, namimiss mo lang sya.

ZeroGravity said...

May nangyari dito pagkatapos na hindi mo na sinulat dito.