Tuesday, June 9, 2009
Ang buhay niya
Madrama ang buhay ni Ranger.
Sundalo din ang tatay niya, pero namatay sa aksidente sa motorsiklo. May pension naman sana nguni't winaldas ito ng kanilang ina. Nainlove kasi sa isang pastor at iniwan ng ilang buwan ang lima nyang anak.
"Ewan ko kung saan pumunta. Kaya napilitan kaming magkakapatid na mabuhay sa sarili naming kayod," sabi niya.
At dahil may basketball ring sa tapat ng bahay nila, ito ang naging hanapbuhay nila. Palibhasa magagaling sa basketball, kumikita sila ng pang-food supply mula sa sugal sa laro.
"Sinisiguro naming panalo sa first game. Sinasadya naming matalo sa second game. Kaya ang mga kalaban lumalakas ang loob na pumusta ng malaki sa third game," kwento nya.
Ilang buwan ding ganito ang ginawa ng magkapatid hanggang sa bumalik ang kanilang ina. Walang dalang pera. Naubos sa kalandian.
"Nang bumalik sya, may kalahating sakong bigas pa, may mga pagkain pa kami-- lahat yon galing sa panalo namin sa basketball," sabi niya.
Hindi na sila nagtanong pa kung saan galing ang ina. Tinanggap nila ito. Pati ang katotohanang ubos na ang pension ng tatay nila, na pati kapirasong lupa sa South Cotabato ay ibinenta nito, tinanggap nila.
At dahil sila na lang lagi ang nananalo sa basketball, walang ng gustong makipaglaro sa kanila.
"Kaya naghanap kami ng trabaho," sabi niya.
Unang trabaho niya ang pumpboy sa isang gasoline station sa Cotabato. P50 a day ang sweldo. Tapos, lumipat sya sa isang hardware store. Mas mataas ang sweldo. P100 a day.
"Pero sobrang liit pa rin noon. Kaya naisipan kong mag-apply sa Army," sabi niya.
Sa Luzon sya nagtraining, Pagbalik nya sa kanila, isa ng sundalo. Wala na rin ang pastor. Natakot daw.
Nag-asawa sila ng kanyang kababata. Nagka-anak. Nadestino sa Basilan.
"Nang bumalik ako mula Basilan, wala sa bahay namin ang asawa ko. Umuwi raw sa Nanay nya," sabi nya.
Hindi sya nagpasabi na umuwi sya. Sosorpresahin nya ang misis.
Siya ang nasurpresa. Dahil nang makarating sya sa bahay ng nanay ng misis nya, dalawa na ang anak nya.
"Nakipagrelasyon sya sa iba. Sundalo rin. Marines," sabi nya.
Dinaan lang sa iyak ni Ranger ang nadiskubreng pagtataksil ng misis. Kinuha ang anak at umuwi sa kanila.
Nagrequest din sya ng transfer of assignment sa Maguindanao para mas malapit sa anak niya.
Anim na buwan ang lumipas, nabalitaan nyang namatay sa bakbakan ang kinakasama ng asawa niya.
Mabait si Ranger. Sobrang bait. Binigyan nya ng isa pang pagkakataon ang asawa. Nagsama silang muli. Pati anak nito sa iba isinama.
"Anak na ag turing ko sa kanya. Mahal na mahal ko ang bata. Mahal na mahal din sya ng panganay ko" sabi nya.
"Back to normal ang buhay namin," dugtong niya.
Yon ang akala niya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
24 comments:
mandaya alagaan mo nang mabuti si ranger ha.
Ngayon alam ko na bakit usong uso yung kanta ng Dagtang Lacson/Saint Rapper.
"Mga tambay lang kami sawa sa babae
May mga babaeng manloloko
Pineperahan lang kami
Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin
Masarap magmahal ang bakla
Ohh kay sarap... damhin"
Ay tatalunin ang plot ng "Tayong Dalawa" nito.
teh mas bongga yan sa TAYONG DALAWA... dapat mabigyan siya ng teleserye sa primetime bida....
pang MMK pa man sad gani...
more more....hehehe
hala naka comment na jud ko. finally.
nako makakarating ang story sa abs mangement!
You should write a book. Interesting tiyak ang mga buhay ni Kulot, Ranger, the different Babes and especially the Great Mandaya. Sabi pa nga, we are all products of all the persons who are parts of our lives. Sana nga ikaw na ang para kay Ranger. Bigo man daw at magaling, liligaya rin.
hmmmm....juicy revelation. cant wait for the story to unfold!
Nabitin! Kailan ang Part II? :D
Wawa naman si Ranger.
Madrama nga naman ang buhay ni ranger. Akala ko ba tayo lang ang may karapatan patayuan ng rebulto sa pagiging martyr. hahaha... Eniweiz, i agree!! manang, pagsulat ug libro beh... Por sure, winner na!
Love lots,
Diwata
nasan na ang mga mapanghusga?! chos!
madam, pwedeng malaman kung saan na yung apat na basketball players na mga kapatid ni ranger? baka pwedeng makipag sexmate? i mean txtmate.
so sad naman ng buhay ni ranger. Buti anjan ka para pasayahin itey!
natawa ako sa comment ni Knox Galen. may kanta pa... maparinggan nga ang kantang yan...
kawawa naman si Ranger. pero ngayon andito ka na, di na siya kawawa. kawawang-kawawa na.. joke lang ate!
ate pakiupdate pala ng link ko sa iyo. pakipalit ng link ng Zang into http://echoserita.blogspot.com
Thanks. si Zang to, proud Tagumenyo. Bisaya pud pareha nimo.
Gravacious ang drama ng buhay ni Papa Ranger evermae! lam mo maganda itong gawing nobela at ipadala sa Precious Heart Romances...Kabooogchina ka nun Teng! naimprenta na ang istorya nyo magiging teledrama pa sa dramarama sa hapon kasunod ng mga artistang daga ahihihi...Now I understand kung bakit nahulog ang loob ni Dadi Ranger seo Mama Mandy kasi andyan ka, ang tagapuno ng mga pagkukulang na hinahanap nya...Isa ka talagang Ada Mandaya! ahihihihi....
sexy ng uniform...
aabangan ko yan...
Such a moving story. And what a guy! A rare breed indeed.
Another masterful story-telling Mandaya. Can't wait to read the next chapter of Ranger's life with you...
naku mandaya, di na tayong 2 yan! tayong 3 na ang pamagat :) LOL or little red riding hood naligaw ka at! sya naman ang wolf! awoooo!awoooo! hahaha!~
"Yon ang akala niya" - Ano ito teng, Pagbabanta ng malanding kabit?
' been reading your blog for sometime and i find it excellently done..vivid and humorous..
mao ra gyud ni akong kalingawan ug basa diri sa aking nahimutangan nga disyerto..
ga, mahala gyud ug maayo si ranger..panagsa ra baya moabot sa atong kinabuhi ang laki nga sama niya..
luv yah mandaya..more power!
Bow ako sa buhay ni Ranger. Buti nlng at dumating ka sa buhay niya sis. Buti ka pa, may lovelife na nman ulit... ako kakabreak lang. haaay
Tita, pa-add naman po sa blogroll niyo ung blog kong para sa mga sawing palad http://forwardpush.blogspot.com
Maraming salamat po Tita!
hmmmm.. true story para sa mmk?
love,
nobe
www.deariago.bcom
www.iamnobe.wordpress.com
Boys don't cry... but men do.
Post a Comment