Noong Martes, nagsponsor si Amay, ang negosyanteng lesbiana sa bukid namin, ng Ms Gay Boa. Sa resto bar nya idinaos ang pageant.
Eto ang stage. Si Amay ang nagdesign. Machong-macho ang concept.
Parade of Nations (na hindi match sa kanilang outfit)
Ms Peru (Juliana Palermo0
Ms Japan (Zsah-Zsah Padilla)
Ms Egypt (Angel Locsin)
Ms Venezuela (Korina Sanchez)
Ms Trinidad and Tobago (Jessica Soho)
Casual Wear
Swimsuit Competition
Evening Gown Competition with a twist
Rampa
Tagay
Rampa
Tagay
Rampa
Tagay
Rampa
Tagay
Rampa
Tagay
Talent ni Zha-Zha: Lipsynch na may custom-made mic
(Sa talent lang nya ako nagka-interest)
Intermission number: Mayor's daughter with friends
Ang mga nanalo: Jessica (2nd) Zha-Zha (Reyna) at Korina (1st)
P.S.
Ako po ang nagturn over ng crown
Happy New Year!
Thursday, December 30, 2010
Sunday, December 26, 2010
Monday, December 20, 2010
Ang Pagbabalik
Medyo matagal ko ring inilihim ito.
Noong November 21, nagtext ako kay Kulot ng "Happy Birthday!"
Sumagot naman sya ng "Salamat."
Yon lang dapat. Pero nagtext sya ng "Musta na?"
"OK lang," ang sagot ko.
Tinanong ko rin sya ng "Ikaw?"
"OK lang din," ang sagot nya.
Di ko na pinahaba pa ang palitan namin ng mensahe. Sabi nga ni Goddess, tama lang yon "at baka mapunta ang greeting sa candle blowing."
Dalawang linggo ang lumipas, at sa kalagitnaan ng pakikipaglandian ko sa isang bagets sa tabing dagat, nagtext uli si Kulot.
"Musta na?" tanong nya.
Di ko naman pwedeng sagutin sya ng "nanghahada ako ngayon, bukas ka na magtext" kaya sinagot ko sya ng "OK pa rin."
"Hindi ka na nga galit sa akin?" tanong nya.
"Hindi na. Matagal na yon. Sorry pala sa lahat ha," sagot ko.
"OK lang yon. Sa mga panahong yon, naintindihan kita," sagot niya.
Naitanong ko sa kanya kung uuwi ba sya ngayong pasko.
"Baka," sagot nya.
Tinanong ko sya kung bakit baka lang.
"Baka kulangin naipon ko," sagot nya.
"Pamasahe, pasalubong," dugtong nya.
At gaya ng dati, nagbigay ako ng suggestions.
"Mag Philtranco ka na lang. Mura pa. At sa pasalubong, unahin mo ang mga pamangkin mo," sabi ko.
"Sa mga bata, madali lang. Laruan lang masaya na sila," sagot nya.
"Two years kang nawala, malalaki na kaya sila," sagot ko.
"Ay oo nga pala. Bahala na," sabi nya.
"Tapos kailangan mo pa ng pasalubong sa girlfriend mo," sabi ko.
"Di na kailangan," sagot nya.
Naiirita na ang bagets. Ang liwanag kasi ng ilaw sa celphone ko. Istorbo daw.
"May asawa ka na?" tanong ko kay Kulot.
"Wala pa a," sagot nya.
"Pero maraming GF?" tanong ko uli.
"Isa lang," sagot niya.
Focus muna ako sa bagets, pero ayaw tumigil sa pagtext si Kulot.
"Ikaw, sino boyfriend mo ngayon?" tanong nya.
"Dalawa sila. Isang taga Mati, isang taga city," sagot ko.
"So sa Mati ka na tumatambay ngayon?" tanong nya.
"Hindi, sya ang pumupunta sa bukid," sagot ko.
"E yung sa city, sa bahay mo nakatira?" tanong niya.
"Hindi pa. Baka next year. Naniniguro lang ako," sagot ko.
"A OK. Dapat sure ka talaga," text niya.
Nawawalan na ng gana ang bagets. Nawawala ako sa focus.
Kailangan kong mamili: si bagets na nasa harap ko o pakikipagtext kay Kulot ng aking kahapon?
Pinatay ko ang celphone. Ang importante ay ang ngayon.

Tuesday, December 7, 2010
Walang kati sa Tawi-tawi
Nasa Manila ako noong isang linggo.
Di kami nagkita ni Kane, nasa Quezon City sya, nasa Makati ako. Late na para magkita kami kasi palipad na rin ako kinabukasan. Alas kwatro ng umaga ang flight ko papuntang Zamboanga.
Isang araw din akong tumigil sa Zamboaga bago sumakay uli ng eroplano
Ang aking destinasyon
White sand beach o
Grabe, ang daming sumalubong sa akin sa airport ng Bongao. Muntik na akong maiyak sa tuwa
Hindi pala ako ang sinalubong nila
Mga galing Hajj sa Mecca
Pumunta sa bagong mall-- opo, mall ang tawag nila dito
Umakyat ng provincial capitol. Malabo pa rin ang eksena dahil sa ulan
Kahit ang Bongao Peak malabo
Maulan pa rin
Huli na ang lahat nang tumila ang ulan

Saturday, November 20, 2010
Call of Nature
Thursday, November 11, 2010
Tama na si Tatay
Dating OFW ang tatay ko- isa sya sa mga unang Pilipinong pumunta ng Saudi para mabuhay ang mga pamilya nila.
Kape namin Maxwell House. Sabon namin Dial at Dove. Shampoo namin ay Head and Shoulders. Nang mauso, Casio ang relo namin. Noong medyo nagka-edad na, Seiko 5. Laging may Toblerone at Kisses. Laging nasa uso ang mga sapatos. May betamax. May multiplex. May Minus One.
Para sa aming magkakapatid, iyon ang katas ng Saudi.
Noong magretiro ang tatay, pumalit sa kanya ang dalawa kong nakababatang kapatid. Sayang naman daw ang koneksyon nya. Pero di pa man umabot ng isang taon, bumalik na sa Pilipinas ang isa.
"Di ko kaya. Sobrang init kung tag-init. Sobrang ginaw naman kung tag-lamig," sabi ng kapatid ko.
Doon namin naisip kung anong hirap ang dinaanan ng Tatay sa mahigit na 20 years nya sa Saudi.
Hindi lang yon. Nag-sorry din sya sa Tatay. Hindi para sa nasayang na placement fee, kundi sa madalang na pagsagot nya sa mga sulat ni Tatay noong nasa Saudi pa ito.
"Ang hirap don," sabi nya.
"Maiiyak ka na lang bigla sa lungkot," dugtong pa nya.
Mabilis akong sumagot sa sulat ni Tatay noon, kahit na kalakip ng sulat ay ang sukat ng paa ko.
Nagpapadala din kami ng voice recording. Back to back ang blank cassette tape. Isang oras lahat. Kahit ano sasahihin mo, kahit walang kwenta.
Hanggang ngayon, nasa isang kahon pa rin ang mga tapes. Nasa isang sulok ng kwarto ni Tatay.
Nang matapos ang dalawang taong kontrata ng isa ko pang kapatid, umuwi sya. Hindi na bumalik.
Ganon din ang sabi nya-- na mahirap ang buhay doon.
"Mas mahirap kapag nagkasakit ka, kahit lagnat lang. Maaalala mo pamilya mo. Doon, walang mag-aalaga sa yo. Walang magbabantay kung bumaba na ba ang lagnat mo. Walang magluluto ng Arroz Caldo. Walang magtatanong kung gusto mo ba ng Royal True Orange at Soda Crackers," sabi nya.
Mula non, wala ng nagtangka pang mag-OFW sa pamilya namin. Tama na ang dalawa kong kapatid. Tama na si Tatay.
Thursday, November 4, 2010
Friends
Walang "Oh Yeah" moment na nangyari. Ayoko.
Hating-gabi na nang matapos syang maglaro sa wii. Ako, nasa kwarto na. Kumatok sya.
"Bakit?" ang tanong ko.
"Dyan ako matutulog," sagot nya.
Binuksan ko sya.
"Pwede ako maghubad ng shirt matulog," tanong nya.
"Bahala ka," sagot ko.
Humiga sya. May espasyo sa gitna namin. Para sa guardian angel ko.
Umusog sya papalapit sa akin. Steady lang ako.
Dinantayan nya ako. Yumakap. Steady pa rin ako.
Hanggang sa makatulog ako. Ewan ko kung ganon rin sya.
Kinabukasan nauna akong umalis sa kanya. Sa isip ko mas maigi na ang ganito- magkaibigan.
Sa katunayan, kinonfirm nya ang friend request ko sa facebook.
Friends na kami.

Sunday, October 31, 2010
Call of Duty
Noong Huebes, sinorpresa nya ako. Ako naman, nasorpresa.
Kaya nagluto ako ng paborito nyang ginataang hito para hapunan.
Pagkakain, sumabak na naman sya sa gyera
sa wii
Ako naman, busy sa pag-eempake. May byahe kasi ako kinabukasan.
Nauna akong umalis sa kanya. Di ko na sya inantay pang magising. Alam kong pagod sya galing operation.
Pagbalik ko kanina, wala na si Ranger.

Sunday, October 24, 2010
Nagbabalik
Isa sya sa mga bloggers na una kong naging kaibigan.
Ewan ko nga ba at bakit sya nawala. Sya na ang magpaliwanag.
Pero masaya ako't nagbalik na sya.
Si Empress Maruja.

Monday, October 18, 2010
Tuloy ang buhay
"Wag na wag kang magco-collapse, ambigat mo kaya," ang sabi ko kay Fiona Sabado ng umaga.
Ilang oras na lang ay ililibing na ang kanyang ina. Cool lang ang bakla. Kontrolado ang sarili. Inilabas ang bagong puting t-shirt.
"Ang liit naman yata nyan. Di kakaysa sa yo yan," sabi ko.
"Watch ka lang. Pumayat na yata ako," sabi nya.
Totoo, namayat ang bakla. Kanya kasi lahat sa pag-aalaga sa ina.
At di ko napigilang ikumpara kung anong pagsisilbi ang ginawa nya sa ina noong nabubuhay pa ito at ganon din ang ina sa kanya.
Mama Goring: Binubudburan ng baby powder ang malapad na likod ng anak.
Fiona: Pinupunasan ang pawis ng comatose na ina. Nililinisan ang sugat, na resulta ng bedsore, na kasinlaki ng palad.
Mama Goring: Nililinis ang pwet ng anak na pala-ebak.
Fiona: Nililinis ang pwet ng ina. Pinapalitan ng diaper.
Mama Goring: Hinihigop ang pingot na ilong ng siponing anak.
Fiona: Sinisigurong nakakabit ang tubo ng oxygen sa ilong ng ina.
Mama Goring: Hawak ang kamay ng anak nang ito ay nag-aaral pa lang maglakad. Di bumibitiw.
Fiona: Hawak ang kamay ng ina nang ito'y nakahiga na lamang, walang lakas. Kinakausap kahit di sumasagot.
"At least napagsilbihan mo nanay mo," sabi ko kay Fiona.
Di sya kumibo.
"At kahit anong pagsisilbi ang ginawa mo, di mo pa rin kayang tapatan ang lahat ng ginawa nya," dugtong ko.
Di pa rin sya kumibo.
"Di mo kayang tapatan ang iri nya noong ipinanganak ka," dugtong ko pa rin.
Tumingin sya sa akin. Magsasalita na sana pero inunahan ko.
"Fifteen kilos ka kaya noong ipinanganak," sabi ko.
"Ano ako lechon de leche?" tanong ng bakla.
Nagtawanan kami.
Sa simbahan, kontrolado pa rin ni Fiona ang emosyon. Pero nang matapos na ang misa, lumapit sa kanya ang pari. Sa aktong makikipag-handshake na ang pari, inabot din ni Fiona ang kanyang kanang kamay, sabay takip ng mukha gamit ang abaniko.
Umiyak sya.
Dali-dali akong tumayo. Lumabas ng simbahan. Di ko kayang tingnan si Fiona. Mas iyakin ako sa kanya.
Nairaos din ang libing. OK naman si Fiona.
Pagkagaling ng sementeryo, diretso kami sa bahay nila. Kainan na. Ang sarap ng humba.
At sa halip na pagdadalamhati, iba ang problemang inaasikaso ng magkapatid. Kulang kasi ang bote ng softdrink na pina-merienda sa sementeryo.
At dito ko nakitang kaya niyang ipagpatuloy ang buhay.

Wednesday, October 6, 2010
Moda
Ilang buwan ring busy-busyhan ang Fiona. Matapos kasi ang ilang linggong pagka-ospital ng nanay niya, inuwi nila ito sa bahay. Comatose pa rin. At ang Fiona ang nasa frontline ng pag-aalaga.
"Takot kasi sila magpakain," sabi nya.
Sa ospital pa lang kasi, nasanay na si Fiona sa pag-aalaga sa kanyang ina.
"Kapag may parang kumukulo sa tiyan nya, ibig sabihin non nakarating ang food na dinaan sa tubo," sabi nya.
Sya rin ang taga-linis ng lahat ng dumi, taga-tanggal ng laway, taga-punas, taga-bihis, taga-paypay.
At dahil di na nga kami gaanong nagkikita dahil minsan na lang itong umuwi ng bahay, hanggang text na lang kami.
"Kabado na ako, parang this is the moment na talaga," text nya sa akin kagabi.
Di ko alam kung paano magreply.
"Pero ready na ako. Nakakaawa na talaga sya. Anlalaki na ng mga sugat sa likod. Kita na ang spine," dagdag na text nya.
"Antay na lang tayo sa tamang oras," tanging nasagot ko sa kanya.
Kaninang alas nueve ng umaga, nagtext ang Fiona ng: "Wala na si Moda."

Tuesday, October 5, 2010
Altar boy
May naghamon sa akin-- magsulat daw ako sa posisyon ko sa RH Bill. Gusto nyang malaman ang political side ko.
Susubukan ko. Eto ang kwento.
Isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan ay pari. Mabait. Radical. Maka-kalikasan. Maka-masa. Maka-mahirap.
Huli na nang malaman kong maka-babae din pala sya. Nabuntis ang isang church worker. Walang kasal. Walang suporta. Sampung taong gulang na ngayon ang bata.
Kailanman ay di namin napag-usapan ang tungkol sa anak nya, pero alam kong alam nyang alam ko.
Eto rin yata ang dahilan kung bakit maka-RH Bill din sya.
Kabarkada rin ng paring ito ang isa pang pari. Gwapo. Macho. At ang balita, malaki. Pero umalis na sya sa simbahan. Nakabuntis rin ng church worker. Pinakasalan nya.
Noong huli kaming magkita, tinanong ko sya tungkol sa nangyari.
"Di naman kasi tinuro sa seminaryo na masarap pala," sagot nya sabay tawa.
Noong nasa elementarya pa lang ako, naging altar boy ako sa isang simbahan sa Davao City.
Dito ako namulat sa sex. Dito ko nakitang inabuso ng isang pari ang kasamahan ko. Di naglaon, ako naman ang naging biktima nya.
Di naman ako natrauma. Nasarapan pa nga.
Pagkatapos ng kolehiyo, bumalik ako sa lugar kung saan minsan ay naging alagad ako ng Simbahang Katoliko. Pero hindi para magsimba. Bitbit ako ng baklang pari. Di nya ako nakilala. Ako yung altar boy na inabuso nya noon.
Dinala nya ako sa kwarto nya. Ganon pa rin ang ayos. Walang nagbago. Simpleng kama. Puting bed sheet. Aparador. May Krus pa rin. Banal.
Inumpisahan nya ang ritual. Di ako naghubad. Binuksan ko lang ang zipper ko. At noong isusubo na nya, pinigilan ko sya. Tumingala sya. Tiningnan ako.
Ako naman, nakangisi. Dinuruan sya sa mukha. Umalis.

Tuesday, September 21, 2010
Swimsuit
Siya si Nicole Diamante. Kaibigan ng mga bakla na taga kabilang bayan.
Isang araw ay dumating sya sa bahay.
"Pahiram ng swimsuit," sabi nya.
Darating daw kasi ang ka-chat nyang kano at sila ay pupunta ng Samal Island.
Sinukat niya ang swimsuit na ginamit ni Patricia sa Bikini Open noong isang taon.
Bagay naman sa kanya
Di tumigil sa pagpapa-picture
"Sexy mo naman," sabi ko.
"Di naman masyado," sagot niya.
"Sigurado akong titigasan si Kano," sabi ko.
"Kahit ako, kung nananalamin, tinitigasan din," sagot nya.

Subscribe to:
Posts (Atom)