Ang balita, paparating na ang El Nino.
Bilang paghahanda sa nagbabantang tagtuyo, nagparamdam ako sa kanya. Agad naman syang pumunta ng bahay.
Si City Babe
Teka, pati shorts hinubad niya
At nagpose
"Bakit paiba-iba itsura mo sa picture?" natanong ko sa kanya habang nakatingin sa kuha ko.
Kinuha nya ang celphone. Tiningnan ito.
"OO nga ano. Para akong camel," sabi nya.
Pigil ang tawa, sinabihan ko sya ng: "Magbihis ka nga at itapon mo ang basura."
Sa desyerto man o syudad, maaasahan talaga ang camel.
Friday, January 29, 2010
Monday, January 25, 2010
Tigilan na
"I Love You, Goodbye" sana ang pamagat ng post na ito, pero kinilabutan ako.
Kahapon, may nagtext ng "Is this ______?"
At dahil maganda naman ang mood ko, sinagot ko ito ng "Yes. Who's this pls?"
Sinagot niya ako ng "Is (last name ni Ranger) one of your boys?"
Sinagot ko naman sya ng "Who's this pls?"
Tinarayan nya ako ng konti at sinabing "Do I need to answer that?"
Tinarayan ko na rin sya at sinagot ng "Do I need to answer you?"
Lalo syang tumaray at nagtext ng "If (last name uli ni Ranger) is one of your boys, sa iyo na sya."
Hindi na ako sumagot.
Pero ayaw tumigil ng aking bagong textmate, nagmessage na naman ng: "This is (name ng girl). Pakisabi kay (last name ni Ranger) patayin ko mga anak nya. Putang ina sya."
Sumagot na ako ng "Friends lang kami ni (last name ni Ranger)."
Sumagot din sya ng "Bakit iba ang sabi ng mga friends ko?"
Rumesbak ako at sinabing "Ewan ko sa mga intrigera mong friends."
Nag-isip ako bago nagtext uli ng: "Ang totoo, friends nga lang kami. Naging close kami dahil halos pareho kami ng pinagdaanan- hiwalay sila ng misis nya, ako naman kagagaling lang sa hiwalayan. Naghingahan kami ng sama ng loob. Anong masama doon?"
Hindi sya sumagot.
Nagtext uli ako ng: "Para matahimik yang kaluluwa mo, I think seryoso sa yo si (first name na ni Ranger). Noong nagkakillala kami sa van galing Cotabato, pumunta sya don kasi balak niyang ipa-annul kasal nya. May plano sya sa yo."
Nahimasmasan ang gaga. Nagtext ng: "A ganun ba. Sorry ha. Ayoko lang kasi masayang kung anong meron kami. Sorry uli. Godlbless."
At may Godbless pa matapos nyang mag-"putang-ina sya."
Sinagot ko na lang sya ng "OK lang. Godbless din."
Tinext ko si Ranger ng "Hoy, si (first name ng girl) nagtext sa akin, tinanong ako kung ano daw tayo."
Sinagot ako ni Ranger ng "Hayaan mo na lang sya, wala sigurong magawa."
Sinagot ko sya ng "E kung pagpapatayin mga anak mo sa galit?"
(Opo, iniwan ni Ranger ang dalawa niyang anak sa bilat habang ito ay nasa Luzon para sa officer's training nya.)
Bago pa man nakasagot si Ranger, finorward ko na ang text exchanges namin ng girl.
At nang maforward ko na ang lahat, nagtext sya ng: "Salamat, ambait mo talaga."
Sinagot ko sya (naka-smile pa ako nito ha) ng: "Alam ko mabait ako kaya tigilan nyo na ako."
Nakuha nya ang punto ko, hindi na sya nagtextback.

Wednesday, January 20, 2010
Regalo
Monday, January 11, 2010
MG 2010
Sinalubong namin ang 2010 ng isang bonggang Miss Gay Pageant.
Ang Venue: Sa harap ng katabi naming bahay. Lupa ang stage. Ang backdrop- dingding sa tabi ng tindahan na sinabitan ng Christmas lights.
May sound system-- karavision courtesy of Tita Bash (ang may-ari ng tindahan).
Ang bahay namin ang nagsilbing backstage. Mula sa bahay, maglalakad ng ilang metro ang mga bakla papunta sa stage.
Handa na sila Patricia, Regina, Joel at Pot-Pot-- maraming salamat kay Glydel na nagsilbing make-up artist.
Pero ayaw magpatalo ni Glydel. Sumali sya.
Ang Swimsuit Competition
Evening Gown Competition
Ang Q and A. Si Red-- host at reigning queen -- at si Patricia
Si Joel
Si Regina
Si Pot-Pot
Si Glydel
Pero walang nangyaring turn-over. Walang diniclare na panalo. Nagkagulo kasi.
May isang lasing na kapitbahay ang nagwala. Hindi kasi pinahiram ng motorsiklo ni Kaye. Lasing naman kasi. Nagsisigaw sya. Pumasok ang mga bakla sa bahay para safe.
"Ambabaho nyo!" sigaw nya.
Araw-araw kami naliligo. Sila, nag-iigib pa ng tubig sa deep well.
"Mga bobo!" Sigaw pa nya.
Mga nakapag-aral kami. Sya ang utak-dilis.
Pumasok sya ng bahay.
"Trespassing yan," sabi ng mga bakla.
Umatras sya.
Noong papauwi na sya, sigawan na naman ang mga bakla. Bumalik sya, tahimik na naman. At noong papauwi na naman sya, bulyawan na naman ang mga bading. Balik uli sya. Ilang beses ding nangyari ang ganito.
At noong sobrang tensyonado na ang sitwasyon, dumating ang mga pulis. Hinuli siya.
Si Palo, ang salarin. Di pa sya nagwawala nya. Enjoy pa syang nanonood ng palabas.
Tahimik na sana, pwede na sanang ipagpatuloy ang programa, nguni't nawalan na ng gana ang mga bakla.
Sa huli, si Red pa rin ang reyna.
Kinaumagahan, umuwi rin ang suspect. Nagkulong sya sa bahay nya. Namamaga ang mukha. Binugbog ng mga pulis. Sorry sya, friendly kami sa mga kapulisan.

Friday, January 1, 2010
The Making
Alam ko, matagal akong nawala.
Ayokong mag-explain. Mahabang kwento.
Pero ito lang ang mapa-promise ko, magpapakabait na ako ngayong taon.
At bilang panimula, sinalubong ng mga bakla sa bukid ang 2010 ng isang bonggang Miss Gay Pageant.
Di gaanong pormal ang event-- sa bahay lang naman namin ginanap ang beauty search. Ang audience-- mga kapitbahay. Ito ang regalo namin sa kanila, pasasalamat, sabay na rin sa paghingi ng tawad, sa lahat ng istorobong ginagawa namin sa kalilipas lang na taon.
Eto ang sample photo. Busy sa pag-gagayak ang mga bakla

Subscribe to:
Posts (Atom)