Monday, 11 January 2010

MG 2010

Sinalubong namin ang 2010 ng isang bonggang Miss Gay Pageant.

Ang Venue: Sa harap ng katabi naming bahay. Lupa ang stage. Ang backdrop- dingding sa tabi ng tindahan na sinabitan ng Christmas lights.

May sound system-- karavision courtesy of Tita Bash (ang may-ari ng tindahan).

Ang bahay namin ang nagsilbing backstage. Mula sa bahay, maglalakad ng ilang metro ang mga bakla papunta sa stage.

Handa na sila Patricia, Regina, Joel at Pot-Pot-- maraming salamat kay Glydel na nagsilbing make-up artist.



Pero ayaw magpatalo ni Glydel. Sumali sya.


Ang Swimsuit Competition






















Evening Gown Competition





















Ang Q and A. Si Red-- host at reigning queen -- at si Patricia





Si Joel





Si Regina





Si Pot-Pot



Si Glydel



Pero walang nangyaring turn-over. Walang diniclare na panalo. Nagkagulo kasi.


May isang lasing na kapitbahay ang nagwala. Hindi kasi pinahiram ng motorsiklo ni Kaye. Lasing naman kasi. Nagsisigaw sya. Pumasok ang mga bakla sa bahay para safe.


"Ambabaho nyo!" sigaw nya.

Araw-araw kami naliligo. Sila, nag-iigib pa ng tubig sa deep well.

"Mga bobo!" Sigaw pa nya.

Mga nakapag-aral kami. Sya ang utak-dilis.


Pumasok sya ng bahay.


"Trespassing yan," sabi ng mga bakla.


Umatras sya.


Noong papauwi na sya, sigawan na naman ang mga bakla. Bumalik sya, tahimik na naman. At noong papauwi na naman sya, bulyawan na naman ang mga bading. Balik uli sya. Ilang beses ding nangyari ang ganito.


At noong sobrang tensyonado na ang sitwasyon, dumating ang mga pulis. Hinuli siya.


Si Palo, ang salarin. Di pa sya nagwawala nya. Enjoy pa syang nanonood ng palabas.



Tahimik na sana, pwede na sanang ipagpatuloy ang programa, nguni't nawalan na ng gana ang mga bakla.


Sa huli, si Red pa rin ang reyna.

Kinaumagahan, umuwi rin ang suspect. Nagkulong sya sa bahay nya. Namamaga ang mukha. Binugbog ng mga pulis. Sorry sya, friendly kami sa mga kapulisan.

14 comments:

Mandayo said...

hahhaha. winner ang swimsuit competition!!

alimuom.atbp said...

ibig sabihin lang, maeksena for sure ang 2010 nyo.

cheers!
red

chichirya said...

dapat sumasali ka hehe

Anonymous said...

Lingaw! sabi nga,, coming back with a vengeance hehe. nawa'y tuloy-tuloy na blogging mo mandaya. at damihan mo pa entries, pamalit sa december hiatus mo lol.. request lang naman :)

kamusta na nga pala si ranger, natuloy ka ba sa cavite?

blagadag said...

mabuhay ang mga bayot sa bukid. mabuhay ang tuig sa mga tigre. ibagsak ang mga palaaway sa mga bayot! ipakigbisog ang mga katungod sa mga bayot nga mamuhing normal ug iasdang ang katungod nga mahigugma ug higugmaon. sulong churvaness! twirl and turn with eklavu and backflip hair!

Lyka Bergen said...

If I were to judge:

4th runner up.... Pot-pot!
3rd Runner Up.... Joel!
2nd Runner Up..... Regina!
1st Runner Up..... Red!

and the Miss Barang-Gay 2010 is.......

Glydel!

Pls Lang!

KUMAGCOW said...

Wow, that was one hell of a ruckus that guy made on your event. Hope you guys are safe,and maybe make a coronation night on a different day heheh



KUMAGCOW
http://www.kumagcow.com

Mac Callister said...

hahaha kaloka ang ang trip nyo!

sana may part two ang ang pageant!

Diwata said...

Tey, ang hubog hinoon ang ni-eksena instead ang mga vayut. Pasalamat siya mga educada mo ug naay urbanidad kay kung dili, luoy siya kung tabangan sa mga bayot. Kay Red palang na rayna kaau, bcg gigamyan siya. hahahahah..

xoxo,
diwata

daredevilry said...

i love the outfits!

ZeroGravity said...

kawawa naman si Palo, hahahaha.

iurico said...

LOL - I "heart" this entry!

I am now your fan. LOL

Bonsai Makisig said...

hahahahahaha, namiss namo ni na show ni sheila mandaya.

kasali na pla jan ang classmate kong si joel.

vernilicious said...

hahahah..bongga!

pati ofismates ko natuwa sa entry na to

ur my inspiration mandaya moore..galing mag-blog

gusto nako ipdayon akong blogsite