Monday, 25 January 2010

Tigilan na

"I Love You, Goodbye" sana ang pamagat ng post na ito, pero kinilabutan ako.


Kahapon, may nagtext ng "Is this ______?"


At dahil maganda naman ang mood ko, sinagot ko ito ng "Yes. Who's this pls?"


Sinagot niya ako ng "Is (last name ni Ranger) one of your boys?"


Sinagot ko naman sya ng "Who's this pls?"


Tinarayan nya ako ng konti at sinabing "Do I need to answer that?"


Tinarayan ko na rin sya at sinagot ng "Do I need to answer you?"


Lalo syang tumaray at nagtext ng "If (last name uli ni Ranger) is one of your boys, sa iyo na sya."


Hindi na ako sumagot.


Pero ayaw tumigil ng aking bagong textmate, nagmessage na naman ng: "This is (name ng girl). Pakisabi kay (last name ni Ranger) patayin ko mga anak nya. Putang ina sya."



Sumagot na ako ng "Friends lang kami ni (last name ni Ranger)."


Sumagot din sya ng "Bakit iba ang sabi ng mga friends ko?"


Rumesbak ako at sinabing "Ewan ko sa mga intrigera mong friends."


Nag-isip ako bago nagtext uli ng: "Ang totoo, friends nga lang kami. Naging close kami dahil halos pareho kami ng pinagdaanan- hiwalay sila ng misis nya, ako naman kagagaling lang sa hiwalayan. Naghingahan kami ng sama ng loob. Anong masama doon?"


Hindi sya sumagot.


Nagtext uli ako ng: "Para matahimik yang kaluluwa mo, I think seryoso sa yo si (first name na ni Ranger). Noong nagkakillala kami sa van galing Cotabato, pumunta sya don kasi balak niyang ipa-annul kasal nya. May plano sya sa yo."


Nahimasmasan ang gaga. Nagtext ng: "A ganun ba. Sorry ha. Ayoko lang kasi masayang kung anong meron kami. Sorry uli. Godlbless."


At may Godbless pa matapos nyang mag-"putang-ina sya."


Sinagot ko na lang sya ng "OK lang. Godbless din."


Tinext ko si Ranger ng "Hoy, si (first name ng girl) nagtext sa akin, tinanong ako kung ano daw tayo."


Sinagot ako ni Ranger ng "Hayaan mo na lang sya, wala sigurong magawa."


Sinagot ko sya ng "E kung pagpapatayin mga anak mo sa galit?"


(Opo, iniwan ni Ranger ang dalawa niyang anak sa bilat habang ito ay nasa Luzon para sa officer's training nya.)


Bago pa man nakasagot si Ranger, finorward ko na ang text exchanges namin ng girl.


At nang maforward ko na ang lahat, nagtext sya ng: "Salamat, ambait mo talaga."


Sinagot ko sya (naka-smile pa ako nito ha) ng: "Alam ko mabait ako kaya tigilan nyo na ako."


Nakuha nya ang punto ko, hindi na sya nagtextback.

23 comments:

reyna elena said...

hahaha kaya pala! mahirap yun, iniwan nya pala junakees nya dun! or inabot lang nang selos ang gurl?

mel beckham said...

Korek! Baka nakalimutan niya kung anong nangyari dun sa huling nagbigay ng heartache sa'yo nang.

Makagaba jud ka nang ba. Hehe

Ronnie said...

Oh my god. Nakakaloka naman yung girl. Nagbago agad ang mood. Yummy siguro ng ranger mo. Haha

daredevilry said...

wow. bow ako sayo.

intrigera said...

waw.
i love you, goodbye = tigilan nyo na ako

ouch.

Darc Diarist said...

ouch.
at talagang hindi nag-reply si ranger. tsk tsk tsk.

goddess said...

kung facebook ito, nai-status ko na ang last statement mo! panalo!!!! panalo!! panalo!!!

Anonymous said...

Hi...I'm josh from Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia.. I hope you can post more blogs kasi lately pansin ko madalang nalang mga post mo... Excited ako sa next story niyo ni Ranger..... more power and GOD speed...

Gram Math said...

I hope your ok.

ZeroGravity said...

At least, friends na kayo. Pwede ka na niyang kuhaning Kumare next time. :Debul

callboi said...

Kainis ang "God bless" nung girl. - bookie

maria g. said...

ibig bang sabihin...
more boys 2 cum?..

Manech said...

Naranasan ko na rin 'to, dati. Nahirapan ako. I wish I had your composure.

alimuom.atbp said...

only goes to show na hindi magaling na ranger si ranger dahil nalaman ng bilat ang supposedly-strictly secret nyang activities.

go, mandaya, go!

cheers!
red

blagadag said...

umpisahan na rin...ang bagong character sa buhay ni mandaya. more.

ikotoki said...

Onga, mukhang wala ka ng boys after the Ranger, the cityboy at ni kulot. whatever happened to the Goddess?

Prosti said...

gusto kong magcartwheel! Tarush~

Bryan Anthony said...

aw! sya pa naman ang fave ko sa mga boys mo!

Galen said...

May godbless pa siya na nalalaman. Hahaha.

Diwata said...

hayyy... ma-cora man pud ta sa bangag ui. killer ang drama. ngenga man pud ni si ranger kay ngano sa shungag gibilin ang knicknaks? uncha man jud diay ang plano niya? hayyyy... hegs jud ning mga keks ay.

I am stan said...

first time i would comment to your blog that i had been following for a year already.

i so like your posts.

more power and Godbless ate.

=)

Anonymous said...

angyari sa akin to dati...txt si girl sa akin...inaaway ako...dedma...i forwarded the msg to the boylet...txtbak sa akin...wag ko raw pansinin...yung txt ni boylet i forwarded sa girl...ang daming txt msgs forward ako ng forward sa kanila...in the end silang dalawa na nag away!!!ang saya...di kasi ako mabait eh...hehehehe

Ewan said...

yung girl n lng sana mamatay hindi yung mga anak nya