Eto ang bagong kinababaliwan ng mga bading.
Si Fiona at ang kanyang winning shot
Dinalaw ako ni Baby Bulantoy sa bukid. Nakipaglaro sya sa mga bakla
Ang Fiona, winning pose pa rin
Gusto ko si Bulantoy. Pero may pero. May history of violence sya.
Sa edad na 18, andami na nyang pinagdaanang gulo.
Minsan, habang rumarampa ang aking dila sa kanyang braso, may naramdaman akong kakaiba.
"Ano ito?" tanong ko sabay dampi ng halik sa peklat.
"Nasaksak ako dyan," sagot niya.
Isang kitchen knife ang sinangga ng kanyang braso. Tagos sa laman. Tinamaan pati tagiliran. Tatlong peklat-- dalawa sa braso at isa sa tiyan.
Minsan naman, sa aking pagpapacute, cheek to cheek ang drama.
"May birth mark ka pala," sabi ko sabay kiss sa gilid ng kanyang singkit na mata.
"Hindi birth mark yan. Hinataw yan ng bato," sabi nya.
OK.
Hindi ko iniisip ang kanyang nakaraan. Past is past.
"Mabait naman sya," sabi ko sa sarili. Eto rin ang sinasabi ng sinumang baklang nag-uumpisang mahulog sa isang lalaki-- anghel man o demonyo.
Nang matapos ang bilyar at inuman, doon bumalik ang takot ko.
Napapaaray ako. Nasasaktan kasi ako sa tuwing tinatamaan ng tongue piercing chuva nya ang aking nipple.
Saturday, April 3, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
14 comments:
Yeah. Mukha naman siyang mabait. Hahaha! >:)
haha! malandi...suya ko!!!
Nakakaloka ka Mandaya... Baka naman mahalintulad ka sa mga babaeng nakaranas ng dahas sa ibang bansa pag nagkataon na mahalin mo siya ng lubusan... Pero bakit mo iisipin ang nakaraan at ang hinaharap kung ang mahalaga ay ang kasalukuyan... ;)
lol. Been a reader for weeks. I almost skipped this post surmising it were some political crap. ;)
Nang, ingat sa jugog.
Basta mag ingat ka ha ate? Huwag siya gagalitin.
may mga masarap talagang masakit. hehehe
HAHAHAHA! - bookie -
mangita na pud ug lain. ka-hago. haha
panu yan pag binugbog ka nya... hala
=O
wag pu sana...
wow...astig...ibang bilyar naman pagkatapos...
Hindi ba obvious? nagpapabugbog si Bulantoy kaya maraming peklat. so dapat mandaya, magworkout ka na para mas malaki ang peklat na maiwan mo sa kanya. kakayanin nya. good luck!
ano ikinaiba nya kila kulot, ranger, at city boy? talandisa ka forever. lavet.
matanong lang. may multo ba dyan sa inyo?
Post a Comment