Tuesday, May 18, 2010

Alam nya

Parang high school kung magtanong si Bad Boy Bulantoy. May halong kantyaw.


Ako naman, parang high school din sa pag-deny. May halong kilig.


"Kainis ka talaga," gustong kong sabihin sa kanya sabay hampas sa kanyang di naman katigasang braso. Hindi ko nagawa.


"Mabait yung batang yon," sabi nya.


Ako naman, kunwari pa.


"Sino'ng batang yon?" tanong ko.


"Si Jun-Jun," walang paligoy-ligoy na sagot nya.


"Paano mo nalaman?" tanong ko.


"May nagsabi. Secret na lang," sagot nya.


"Sino nga?" tanong ko.


"Secret nga," nakangising sagot nya.


"Bahala ka. Friends kayo?" tanong ko.


"Kilala nya ako. Kilala ko sya. Pero hindi kami friends," sagot nya.


"Magkapitbahay kayo di ba?" tanong ko.


"Di naman kapitbahay. Isang barangay lang. Pero ang layo ng bahay nila," sabi nya.


"Sure ka hindi kayo magkaibigan?" tanong ko uli.


"Hindi nga. Magkalaban kami sa basketball," sagot nya.


"Sigurado akong talo kayo lagi kasi varsity yon," sabi ko.


"Magaling din ako no," giit ni Bulantoy.


Marami pa syang kinwento. Hindi nga sila friends. Nakatira sa iisang barangay pero hindi nag-uusap. Iba ang grupo ni Bad Boy Bulantoy. Iba naman ang kay Jun-Jun na walang malay.


Nagpabili ako ng beer. Napapasarap usapan namin. At noong oras na ng tulog, di ko inimbitahan si Bad Boy Bulantoy sa kwarto. Alam na nya. Sa green sofa ang lugar niya. Sagrado na ang kama ko ngayon. Si Jun-Jun na walang malay lang ang pwedeng makihiga.


Dahil dito, sa green sofa namin ginawa ni Bad Boy Bulantoy ang di dapat mangyari.

19 comments:

Mugen said...

Hindi lang mahiwagang shorts! May mahiwagang sofa na rin!

Darc Diarist said...

bwahaha. nakakaloka. lol

... said...

shala kabastos. salawahan ka talaga 'nang. bwahahaha

tagam!

Yj said...

yun yun oh!!!

alimasag said...

kaigat

casado said...

ano kayang hiwaga ang nabalot sa green sofa na yan? kailangang mahigaan! hahaha :P

Bb. Melanie said...

Nuknukan ka talaga ng alindog at appeal... Bow na talag me sa iyo ate...

Anonymous said...

bongga! as long as hindi mabasag ang pagkasagrado ng kama keri lang.

Diwata said...

PAK! ana ra madz. hahahah... kung di pwede sa katre, eh di sa sofa! Brayt child. hahahah.. pagka-erpa nalang gyud ni madam.

Lasher said...

wahahaha! ataya!

ikotoki said...

win ka neng. talandisa! haha

Désolé Boy said...

in love ako sa mga posts mo ha, hehe..
my first time here..

i agree with soltero..
kailangang mahigaan ang sofa para
madiscover ang hiwaga...

Echos Erita said...

ay, oh yeah moment na naman! kelan naman kaya ang oh yeah moments with jun-jun. aabangan ko yan!

Echos Erita said...

ay, oh yeah moment na naman! kelan naman kaya ang oh yeah moments with jun-jun. aabangan ko yan!

Hasmin Navoa said...

apir apir apir di na uso yan wisik wisik na lang! LOL

Anonymous said...

Ms. Mandaya,

I am a mandaya too from Caraga, Davao Oriental. Please check my new blog:

http://sustainablephilippines.wordpress.com

Salamatay gayod!

Miya

Nishi said...

taga san isidro ka?

Mike said...

bwahahaha! nakakaloka!

Ewan said...

ayoko ng ganito ate Mandaya.. gusto kong maging faithful ka sa guy mo...

gusto ko yung dating ikaw.. nung kau pa ni kulot... yung tipong mother figure