Thursday, January 13, 2011

Closure

Puyat ako kagabi. Masama ang loob dahil natalo sa sugal. Pero gumising pa rin ako nang maaga kanina. Inilabas ang karne sa freezer. Naglinis ng bahay. Mga alas dies ng umaga, sinimulan ang pagluluto.


Darating kasi si Kulot. Dadaan daw sya nang bahay bago sya lumipad pabalik ng Luzon.


Kahapon nagtext kami. Sabi nya, pananghalian daw sya pupunta.


Mag-aalas dos na ngayon, wala pa sya.


"Ambagal kasi ng nasakyan ko," text niya sa akin.


"Ang sabi mo lunch. Anong oras na? Nasayang ang oras ko. May lakad ako dapat," sagot ko.


"Sorry. Pwede pa ba akong pumunta dyan?" tanong nya.


Hindi na ako nagreply. Tinantya ko kung gaano pa kalayo ang panggagalingan niya. Mahigit isang oras pa na byahe.


Hindi na kami ni Kulot. Wala akong karapatang magdemand. Wala akong karapatang magalit.


At dahil hindi nga kami, wala rin akong pasensya para mag-antay.


Mag-closure syang mag-isa nya.


Matagal na'ng closed ang puso ko.

20 comments:

Nishi said...

YUN! Shit ang sarap sa pakiramdam nung mga salita mo. Haha! Nakakagaan ng loob.

JEROME GOMEZ said...

'Yun naman!

Ms. Chuniverse said...

Hahaha! Ang taray ng lola. Pero oo nga, hindi ka dapat paghintayin ng ganon katagal noh!

Pero still, fan pa rin ako ng Mandaya-Kulot love team! =)

Bi-Em Pascual said...

ahahaha FTW ka talaga mandaya... tomoh! mag-closure sha mag-isa ahahaha! magawa nga yan kay totong hihihi... mwah!

angelo'ng discreet said...

kamusta naman po? di na talaga kayo natuloy na magmeet?
alalang. parang gusto kokasi nagmeet kayo ahihihi
pero syempre akoy hamak na fan lang naman ng iyong blog.nakikisubaybay sa iyong makulay na buhay ahihihi
more more more po ahihihi

Anonymous said...

dahil mabagal ang bus nawala ang closure? unfair kay kulot! masama talaga sa relasyon ang sugal. lalo na sa lumubog na ngunit papaahon muling relasyon. he he he. but i have a feeling...na "Ang Pagbukas ng Pinid nang Pinto" ang titulo ng susunod na post mo. he he he.

esf

Unknown said...

Matagal na'ng closed ang puso ko. Statement kung statement ito, Ms Mandaya. Gaano katagal bago ka umabot sa ganitong realization? At haves kaya ng green sofa moments kung sakaling matuloy siya? Closed nga ang heart mo, pero marami pang open siguro? Ahaha, keme lang! Sa wakas eh may Kulot entry na ulit!

Muahness from Pasig Citehh!

burrito said...

weeeh? di nga? feel na feel ko pa rin ang love e :)

Kiks said...

at dumating na sya.... oh yeah!

eon said...

pero sino ang kumain ng niluto mo maam?

James - M.I. said...

Mandaya - "Next boylet pls. Ayoko ko na kay Kulot." hehehe

Mugen said...

Ay bitteresa pa siya! JOKE!

Désolé Boy said...

yan ang may balls!
.
.
hehe. good for you!

Ming Meows said...

yun ang dapat itawag sa closure. kasi pag pupunta sya sa inyo, baka may re-opening.

blagadag said...

wala car kaya may lakad. walang waiting shade kaya di nakapag wait. green sofa as in green rose. tele serye talaga. haiz.

casado said...

ewan ko ba, solid Kulot pa rin ako...and i'm sure hinintay mo din sya hihihi :)

Echos Erita said...

Ka-bitter ng lola. di pasensiyosa. haha.

close na daw ang heart. pero panigurado, open na open pa rin ang peks!

Peksman!

Char!

Echoserita's latest blog post: Tulong Para Kay Inang Bayan

Anonymous said...

Ate Mandaya, tama yan. Hindi na kailangan ng closure....Ikaw mismo, isarado na. Tama ung ginawa mo. PAK!

Sean said...

good for you, ms. mm

Mike said...

tarush girl!