Ang ganda ng araw ko. Maaga akong nagising, katabi si Kulot. Nakayakap sya sa akin. Ako naman, yakap din. Ginawa nyang unan ang aking kanang balikat. OK lang sa akin. Tinigil ko lang ang eksenang ito nang magmanhid na ang aking balikat.
Bumangon ako. Nagpakulo ng tubig. Nagluto ng almusal. Ginising si Kulot at mga bakla nang ready na ang breakfast.
Matapos kumain, yosi. Dito nalaman ni Kulot na ubos na ang Marlboro niya. Di nya type manghingi sa aking Philip Morris. So, nanghingi sya ng pambili. Binigyan ko naman sya ng P50.
Pero isang oras na ay di pa sya bumabalik.
"Saan kaya ang Kulot?" tanong ko sa mga bakla.
Walang sagot. Itinext ko sya. Narinig ko ang message alert niya. Nasa kwarto ang cel niya. Sya naman ang pagdating ni Red.
"Nakita mo ang Kulot?"
"Haay, nasa pasugalan ni Bert," sabi ng bakla.
"Nakaupo o nanonood lang?" tanong ko.
"Nakaupo po. Player sya," sagot niya.
Uminit bigla ang ulo ko. Lumabas ako ng bahay. Papunta sa pasugalan nina Bert, dumaan muna ako kina Tita Bash at hinanap ang anak niyang si Inday.
"Day, pahiram muna kay Princess, ipapasyal ko," sabi ko.
"Di pa sya naliligo," sabi ni Inday.
"OK lang, di pa rin naman ako naliligo e," sabi ko.
(Siya si Princess)
Dali-dali kong kinuha ang baby at sumugod sa pasugalan.
Pagpasok ko kina Bert, nakatalikod sa akin ang Kulot. Busy ang lahat sa kanilang baraha. Timing ang dating ko.
"Ano ba? Nagsusugal ka na naman? Wala ng gatas si Baby!" drama ko.
Nagtawanan ang lahat ng sugarol. Si Kulot nagulat. Nakakunot ang ang noo.
Tapos binulong sa akin: "Uwi ka na, nananalo ako."
Tiningnan ko ang pera nya sa table at sinabing: "OO nga ano. Magkano puhunan mo nyan?"
Bulong nya: "Yung sukli ng P50."
Sinagot ko sya ng: "Sige uwi na ako. Good luck."
Noong medyo malayo na ako sa pasugalan, humirit pa ako ng: "Wag mong kalimutan ang gatas ng bata ha?"
Na sinagot naman ni Kulot ng: "OO."
Ibinalik ko si Princess sa nanay niya. Umuwi ako ng bahay. Pero hindi ako mapakale. Bumalik ako ng pasugalan.
"Ano na naman?" tanong ni Kulot.
"Wala. Kukuha lang ako ng picture nyo," sagot ko.
(Si Kulot ang naka-cap and green shirt)
Thursday, June 28, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
17 comments:
nakakatuwa yung scene na may dalang bata... naisip ko lang ang mga reaksyon nung mga naglalaro... hahhaa... nga pala kung mahilig ka sa prutas at yun na nga... baka ikaw ay sweet na tao, malambing, at matamis... ngunit kapag nahawakan o nakanti ay nagiging madulas, matigas at buhay na buhay! bwahahhaa...
hahahahahahahaha, artistahin ang dating mo bakla!
nakadaster ka ba nung ginawa mo yan? nakapusod ng hindi maayos ang buhok, nakalaylay ang strap ng bra sa gilid habang bakat na bakat ang bukol ng iyong - khumeini! - sa maluwag, malambot at nakaka-alindog na dressaru?
o nakatraditional mandaya costume ka?
winner ang baby...
sana naka video!
Ganda naman ng sotrya! galing..Ni Kulot syadong love ka talaga.
Paano na yung gatas may na bili ba si Kulot?
:)
Kiss
Fendi
Bwahaha!Ganyan. Dapat matuto sa iyo ang mga butangerang asawa. Hindi dapat ipahiya ang tao. Dapat me finesse. Para walang away.
At talaga namang bumalik pa para magkodakan. Grabe. Ansaya talaga diyan sa inyo. Papunta naman.
Aaaayyy wiz ko matake ang gatas ni baby sugod scene.
Feeling mo naman anakin skywalker mo yun. Ching!
consintidora!!!
*update mo kami kung magkano ang panalo ha?
yatot, dapat kasi may props. pwes, si baby princess ang dinala.
kiks, basa ang bulaklaking duster ko that time.
jc, kung naka-video, kita nyo na ako.
fendi, walang nabili si kulot. di naman nya anak yon no
aryo, drama lang naman ang akin. pampatawa lang pero sabay patama na rin.
punta? malayo ang sa amin.
oxana, sa bukid namin, ako lang ang nakakagawa ng mga ganoong bagay. marami pa ako ginawang kabalastugan-- wait lang
aries, nakauwi sya ng P200. pwede na yon. sya bumili ng ulam for dinner
ngayon ko lang napansin na may typo error yung pagkaka-link ko sa yo. pakitignan nga. kung type mo, di ko na babaguhin. :-D
shubert, gusto ko yan. ang problema, baka ma-pressure ako na magbuntis.
Kalokah ka Mandaya! At ginamit pa namang props ang Princess with matching colorful bracelet.
Nanalo ba si Curly at nakainom ka na naman ba ng gatas nya?
Mabuhay ka!
ms lyka, ang colorful na bracelet ay ang tinatawag namin na buyag (pwera usog) beads.
nanalo si kulot. mautak din kasi tinago nya ang mga buong pera sa bulsa kaya nang maubos ang nakalatag na barya sa mesa, nagdrama syang talunan at umuwi.
gatas ba kamo? mala condensed milk tita.
Ganda naman mg aentries mo pang powell award.
www.pinoybalut.com
tnx anon
teka nga, anong powell award yan pinoybalut? lord baden powell award? pangboy scout yon di ba?
bakla ka! hahahaha! kaaliw itong mga kwento mo kainis. hahahaha. you made my day. *kamot ulo*
At ikaw naman pala'y nagbabalik, ate ahahaha! Keri na rin ang 200p, pampatid gutom na rin 'yun hahahaha!
Post a Comment