Sunday, 1 July 2007

Langka

May na-harvest kaming bunga ng langka sa aming orchard. Chuva lang ang orhard, nag-iisang puno ng langka sa likod ng aming maliit na bahay. Matamis sya. Juicy. At ang laman, medyo matambok.

"Sarap nya no?" sabi ko kay Kulot.

"Paanong di sasarap e katabi lang ng septic tank ang puno," dugtong niya.

Nawalan ako ng ganang kumain.


Yung dalawang hiwang maliit ay para sa aming consumption. Yung malaki naman ay para recado sa halo-halo.

At dahil tulog pa si Kaye, napagkaisahan na paglaruan sya.


Pero may kwento tungkol sa langka ang mga bakla.

Last year, naimbitahan silang magperform sa isang party ng isang barangay. Kaya ang apat na bakla, kahit di naman talaga mga performers, napa-OO kasi may bayad.

Eto ang nangyari.

Ang unang number ay kay Princess Fiona alias Juday. "It's Raining Men" ang kanyang number. Ang costume ng bakla-- swimswit na nilagyan ng beads.

Dance ang Fiona. At dahil buong lawn ang stage, sinamahan pa niya ito ng tumbling, cartwheel at split. At sa kalagitnaan ng lipsynching at sayaw niya, nakita niya ang puno ng langka. Inabot ang isang sanga at naglambitin.

Natapos ang number ni Fiona. Susunod na sana si Red nang biglang lumapit ang may birthday-- si Mrs. Santos.

"OK na yon," sabi ni Mrs. Santos

"Meron pa kaming tatlong numbers Madame," sagot ni Red.

"Hindi, OK na yung isa," mabilis na sagot ni Mrs. Santos.

"Ha?" tanong ni Red, na atat na atat ng sumayaw.

"OK na yon. Eto ang bayad. Kain na kayo at ipapahatid ko na kayo sa tricycle," sabi ni Mrs. Santos.

Nagtaka ang mga bakla at bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Pinapakain na sila at sinabihan pang ipapahatid na. Ibig sabihin non, pinapauwi na sila.

At umuwi nga ang mga bakla.

Makalipas ang ilang araw, nakita ni Red si Mrs. Santos at kinausap ito.

"Madame, bakit naman di nyo pinatapos ang numbers namin?" tanong ng bakla.

"Aaaaaaa," nahihirapang sumagot ang matanda.

"Di nyo ba type ang sayaw?" tanong ni Red.

"Maganda naman ang sayaw e," sabi ni Mrs. Santos.

"Ano pala ang naging problema?" tanong na naman ni Red.

"Kasi habang sumasayaw si Fiona, noong time na nakasabit sya sa puno, may nakita ako," sagot ni Mrs. Santos.

"Ha? Ano?" tanong ni Red.

"May lumabas sa pagitan ng hita niya, at alam kong hindi yon buto ng langka," mabilis na sagot ni Mrs. Santos.

Walang masabi ang Red. End of conversation.

14 comments:

Chris Cafuir said...

another funny post.

sana araw araw may post ka. you have brightened up my day again.

aries said...

sa susunod kasi gamitan ng packaging tape!

*tita mandaya, patabang unta ko with my post on the bisaya language. need inputs lang.salamat.

kiks said...

hahahahaha. oh my. aren't we in the same side of the world- charing!

nallorca ang mrs santos. napalunok sya! haha..

Anonymous said...

saan kaya galing na orchard 'yong buto ni Fiona. nakakikiliti na man yon. kakaibang egg watching episode.

svelte said...

hahahaha....kainis

Blogger 8508.0531 said...

ahahaha. imagine that buto...

...and then i imagine poor Mrs. Santos.

ahahaha.

Batang Yagit said...

hahahah...funny...and green

yatot said...

sinasabi ko na nga bat may lumabas sa may puno ng langka eh! bwahahhaha

Lyka Bergen said...

Fiona's Buto ng Langka lang pala ang dahilan. KJ naman yang Mrs Santos na yan!

Habang kinakain nyo ang langka na galing ng orchard.... naisip nyo ba na nabalot ito sa itlog ng Fiona bago isubo sa bunganga?

Yuck... i dont like langka anymore!

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

crhis, ano akala mo sa akin, umeebak ng stories?

aries, walang packaging tape. sa bisaya pa, dapat namilo ang bayot.

kiks, hahahaha

anon, sa sarili niyang orchard

svelte, na-link na rin kita

blogge, tnx for dropping by

batang yagit, green? yellow kaya ang langka... char lang

yatot, may sinabi ka ba?

ms lyka, kung natikman mo lang langka namin, ang tamis at super juicy te

jun of zerogravity said...

ano kaya yun, uhm, tangkay ng langka?

anak ng pating, sabihin ko sa mga kaibigan kong nalulungkot magpunta dito sa blog mo kung gusto nilang sumaya.

goddess said...

puta!
ndi ako matigil sa katatawa!

sana sinabi ni Red, gusto kasing lumabas nung pamangkin ni fiona!

nakakaloka!
ndi man lang nagpackaging tape!

daniel palma tayona said...

pakiramdam ko eh nais niyang maging si Darna. yung butong nilunok niya eh imbes na sa tyan, sa singit pumunta.

hahahahaha, kakatawang post

Ewan said...

heheh natawa ako