Friday, January 4, 2008

Talagang Busy

Naging busy kami noong pasko. 35 cakes ang order on Christmas Eve.

Naging busy rin kami New Year's Eve. 45 cakes ang order. Pero 55 ang niluto namin kasi dinagdagan namin ng 10 pieces for personal consumption sa bahay nina Kulot, Fiona, Re-Re, Kaye, Red, sa pinsan ni Kulot at sa kasambahay nina Kulot.

Ang huling delivery namin ay 11:45 p.m. Mainit pa ang apat na cake nang dinala ito sa mga nag-order. Hindi na nagawa pang lagyan ng icing dahil matutunaw naman sa init ng cake.

Eto ang division of labor: Si Kaye ang taga-gawa ng box. Si Re-Re ang taga-measure ng ingredients. Kami ni Kulot ang taga-timpla, salang at ahon sa oven. Pagkalabas, kami na rin ni Kulot ang taga-alis sa pans para palamigin. Si Red at Fiona naman ang taga decorate. Ang aarte ng dalawa-- ang daling maubos ng royal icing. Hindi man lang inisip na ang sakit sa braso magbate ng egg whites.

"Ang galing mo naman. Di na kailangan ng electric mixer," sabi ni Red sa akin habang ako ay gumagawa ng icing.

"Kung iipunin ko lahat ng binate kong lalaki, wala lang ito," sagot ko.

"Kasali na dyan ang mga lasing na ang tagal labasan kahit ngawit na kamay mo," dagdag ni Fiona.

At di lang ngawit na braso ang inabot ko. Napaso rin ako sa oven.

"Kasi meron naman sagwan. Bakit ayaw gamitin?" tanong ni Kulot.

"Mas madali kasi," sagot ko.

Sinubukan ni Kulot ilabas ang cakes na di gamit ang sagwan. Napaso din sya. Hahaha! Patas na kami.

Nakakapagod ang ginawa namin. Pagsapit ng alas dose, wala na kaming lakas. Di na kami kumain. Pinahupa lang namin ang putukan at natulog na kami. Walang nangyaring putukan.

Hanggang ngayon, pagod pa rin ang katawan ko. Di pa nakakarecover.

Ang solusyon, bakasyon.

At sa lunes (Jan. 7), pupunta ako sa Manila, then sa Baguio for three days. Bago bumalik ng Davao, pupunta rin ako sa aking hometown-- Cabuyao, Laguna!

Eto na muna. Regalo ng mga bakla sa bukid. Photo sa beach night of January 1. Sina Patricia, Fiona, Glydel, Re-Re at Red

26 comments:

Anonymous said...

"All things are bright and beautiful. All creatures big and small. All things are great and wonderful. The Lord God made them all".

Agree ba kayo lahat?

Anonymous said...

bb. mandaya,

bilang tugon sa iyong iniwang mensahe sa aking blog, hindi lamang ikaw ang ipipinta ko nang tanging balat lamang ang suot, aba'y pati na rin ang mga magagagandang sila Patricia, Fiona, Glydel, Re-Re at Red.

Manigong bagong taon!

Misterhubs said...

Ay, mga sirena! :-)

atto aryo said...

Pupunta ang Mandaya sa Manila?! Aba e kailangan ilatag ang red carpet. Sama kami pag me welcome party! :-)

MINK said...

sila ba sina:
marina
Dyesebel
Ariel
Ursula
at Dugong?
hehehe, biro lang po!

Have a very happy new year Mandaya and the rest of the gang!!!

Bryan Anthony the First said...

viva pizza hut babes

ahahahaha

salamat sa langit at may blog
nakakalimot ka sa problems even for a little while

woof!

Kiks said...

modang beaches ang dating. at si patricia, me buhok sa dibdib?!

Coldman said...

bagong version ba to ng Viva Hotbabes? Hahaha! =)

fuchsiaboy said...

ukay ka!

sexymoi said...

Ahehe busy pala. Antay ako ng mga post mo eh. :)

Anyway, enjoy your vacation po. :)

*nataniel* said...

Hehe, nice talaga. mga diyosa : )

Momel said...

At bigla naman akong naloka sa picture nyo! Ang gaganda nyo dun, keep up the good work! Etchoz!

Hi po!

Sweet noh?

Anonymous said...

Marami kaming naghihintay ng post mo. Happy New Year! Taga-Laguna ka pala. Paano ka nakarating ng Davao? So maiiwan si Kulot sa iyong bakasyon? Anyway, ingat ka at hihintayin ko na lang ang bago mong post.

Anonymous said...

anak ng patola ... taga cabuyao laguna pa pala ang bakla. kapit bahay yata kita ...

Anonymous said...

Happy New year Mandaya.

May you bake more cakes and more blessings for the year 2008.

More posts din pala.

Raiden Shuriken said...

I'm happy for you. New year, new career. Saan ba pwedeng dalawin ang bakeshop na 'yan? Cheers!

Winter said...

ateng.. exchange links naman..

kalansaycollector said...

sushal ang mga sirena. hihi

Lyka Bergen said...

Nakaka-relate ako sa mga cake orders churvalou na yan. Family business kasi namin yang cakes na yan. Di pwedeng di tutulong sa nanay gumawa ng cakes. At di lang cakes ha! Pati na rin Apple Pies, and lahat ng klaseng desserts and all. Pagoda Massacre talagah during holidays. Davu?

Best Smile si Glydel! Viva Glydel!

Lyka Bergen said...

Aaaay! Uuwi pala ako dyan! Jan 12 nasa Iloilo na ketch. Daan ka ng Iloilo lolah and kita tayo. Cge na! Tse!

mrs.j said...

wala na bang mas dedaring pa?

Anonymous said...

ay mga shokoy! .. ay mali .. mga shoke pala! niyahahahaha!

Anonymous said...

Congrats Mareng! Nanalo ka na naman ng Titi ng Estrellas!

mschumey07 said...

Have a nice trip and enjoy your vacation.

jericho said...

walang tatalo sa posing ng mga bakla. congrats pala mandaya for winning the Titi Award.

Danny said...

Kering Keri talaga! Inggit ako!