Umuwi ng maaga si Red. Hindi raw maganda ang pakiramdam niya. Pero hindi sya sa kanila dumiretso. Sa bahay namin ang uwi nya.
"Ang aga naman? May boom-boom pa a," sabi ko.
"Pagod ako," sagot niya.
"Ang mga bading?" tanong ko.
"Ayun, nasa disco pa," sagot niya.
Pero di ako naniwala na pagod nga si Red. Basa sya ng pawis-- ibig sabihin nagpakasawa ito sa pagsayaw.
"Maraming tao?" tanong ko.
"Marami rin," maiikli lang ang mga sagot ng bakla ngayon.
"Lalaki?" tanong ko.
"Marami din," sagot niya.
"Nakailan ka?" tanong ko.
"Isa lang," sagot niya.
Ayaw ko ring maniwala.
Tahimik lang ang bakla.
"Actually, hindi ako nakaisa. Hindi ko tinapos," sabi ni Red.
"Bakit naman?" tanong ko.
Eto ang kwento.
Cute daw si lalaki. Konting usap lang at pumayag agad ito. Dinala ni Red sa madilim na lugar. Doon nangyari ang krimen. At habang nasa posisyong pang-aso si Red at si lalaki naman ay nakapatong sa kanya, naramdaman ng bakla ang paninigas ng katawan ng kapareha.
"Akala ko malalabasan na," sabi ni Red.
"Tapos?" tanong ko.
"Hindi pala," sagot nya.
Ilang saglit na katahimikan sa parte ni Red. Itinuloy niya ang kwento.
"E naramdaman ko nga na nanigas ang katawan ng guy. Naramdaman ko rin na may konting basa. Pero tuloy-tuloy ang pagbasa ng likod ko..." kwento ng bakla.
"Ha?" singit ko.
"Inihian niya ang likod ko," sagot ng bakla.
Tawanan kami ni Kulot.
"Natigilan ako. Umupo. Nawalan ng gana. Gusto kong umiyak. Feeling ko nabastos ako," tuloy ang kwento ng bakla sa eksenang para syang biktima ng pang-aabuso.
Tawanan pa rin kami ni Kulot.
"Nag-sorry ang lalaki. Sabi niya di daw niya napigilan. Gusto ba naman nyang tapusin pa namin," patuloy ni Red.
"Ano sabi mo?" tanong ko.
"Sabi ko magbate syang mag-isa nya," sagot ni Red.
"Tapos," tanong ni Kulot na natatawa pa rin.
"Nagbate nga sya," sagot ni Red.
Tawanan na naman.
Sa nangyaring iyon kay Red, ang suggestion ko sa mga bakla ay magbaon ng extra shirt para may pampalit.
Pero ang Kulot iba ang nasa isip: "Dapat magpa-print kayo ng "Bawal Umihi Dito" shirt."
Wednesday, January 30, 2008
Monday, January 21, 2008
Chasing Pavements
Sinusulat ko ito habang paulit-ulit na nakikinig sa kantang Chasing Pavements ni Adele. Maganda ang kanta. Bagay sa akin. Sayang nga lang at kailan lang ito lumabas. Dapat ay noon pa man ay ito na ang theme song ko.
Marami na akong napagdaanang relasyon. At kung ikukwento ko lahat, baka nobela ang kalalabasan nito. Pinili ko na lang sila, ayon sa kahalagahan nila sa buhay ko— batay sa mga sumunod: 1. Kung ano ako ngayon. 2.Kung ano ang natutunan ko sa kanila. 3. Kung gaano sila kagaling. 4. At kung gaano sila ka walang kwenta.
JAMES
Law graduate. Nagtatrabaho bilang acting legal officer sa isang government office. Maputi. Maganda ang katawan—resulta ng regular workout at tennis. Nagkakilala kami sa isang bar. Sa umpisa hanggang “hi” at “hello” lang. Hanggang nag-umpisang maglandian. Isang buwan ding nagdate bago niya ako inayang pumunta sa lugar niya. Doon ko nadiscover ang hilig niya kay Barbra Streisand. Dahil habang ginagawa namin ang dapat ay matagal ng ginawa, bumubirit si Barang ng “Papa Can you Hear Me.” Hindi ko ito pinansin. Mas na bighani ako sa flawless skin ni James. Mula ulo hanggang paa, walang peklat. Pati singit, parang ginamitan ng Tide Ultra. Walang pinalampas ang dila ko. Walang syang reklamo.
Mula noon, parang kami na. Mula rin noon, mas marami akong nadiscover kay James. Mahilig syang makipagdebate. Akala siguro niya nasa law school pa sya. Malay ko ba sa mga Rebulic Act na yan. Pero go pa rin ako. Kuntodo research din ako para may masabi. Pero talagang mahilig makipagpaligsahan ang James. Gusto nyang patunayang mas mataas ang inaabot ng ihi niya.
At dumating ang panahong napuno na ako sa ganitong klaseng pag-uusap. Nabitiwan ko ang di dapat bitawan. Sinabihan ko sya ng: “Kung talagang magaling ka, bakit di ka pumasa sa BAR?”
Nag-walk out sya. Wala na akong narinig pa mula sa kanya. Hindi ko sya hinanap. Kung iisipin, mas na-miss ko si Barang sa kanya. At dahil doon, naghanap ako ng kopya ng Yentl. Ngayon, saulado ko na rin lahat ng kanta sa pelikulang yon.
Mabait kung mabait si James. Malinis din siya sa katawan. Nagbi-bleach sya ng singit niya (kaya pala maputi). At isang gabi, habang akala niyang tulog na ako, nakita ko siya, naga-apply ng Ponds Cold Cream. Mas bakla pa sya sa akin.
Good riddance.
JORGE
Isang engineer. Nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya ng gas. May asawa. May dalawang anak. Kung si James ay pogi, si Jorge naman ay gwapo. At tulad ni James, mahilig din si Jorge kay Barang.
Minsan, gusto niyang magkita kami kahit na tambak ako sa trabaho. Sandali lang daw. Early lunch lang daw. Sabi ko di ako pwedeng magtagal at busog pa ako. Pumunta pa rin sya ng office ko. Pinababa. Pinasakay sa pick-up niya.
“Listen to this,” sabi niya.
“OK” sabi ko.
Pinindot ang player. Kumakanta na si Barang ng “Coming in and out of your life is hard for me to do.”
Potah! Kinilig ako.
Ilang buwan din kaming nagsama ni Jorge. Di namin pinag-usapan ang tungkol sa pamilya niya. Di rin namin pina-usapan ang tungkol sa amin. Para sa akin, tama na yong lagi syang naandyan. Tama na yong akin muna sya bago sya umuwi sa asawa niya.
Doon ako mali. Hindi pala siya diretso uwi sa asawa niya. Nakikipagkita pa pala sya sa iba.
Ang ending: inaway ko sya. Sumulat ako ng two-page letter. Ang ganda ng pagkagawa ko sa sulat. Lahat ng galit nilabas ko. At, lahat ng ito ay sinulat ko in English.
Hindi lang yon ang ginawa ko. Sa galit ko, tinakot ko sya. Tulad ng isang tunay na office girl, sa ibaba ng letter ko ay may “cc: wife.”
Hindi na kami nagkitang muli pa ni Jorge. At tulad ng kay James, mas na-miss ko si Barang.
JOHN
Businessman mula South Cotabato. May asawa’t anak. Lingguhan lang kung pumunta ng Davao kaya naman ang lakas ng loob na yayain akong maglive-in kami. Ako naman, naki-live-in. Feeling kabit. Namili ng balde, tabo, palanggana at kurtina.
Tatlong buwan din kaming nagkasama. Hanggang sa napagod ako sa kaaantantay ng weekend— kung kailan naka-schedule syang pumunta ng Davao. Isang Biernes, dumating sya sa inuupahan naming bahay na wala na ako.
Hindi ako nag-iwan kahit maikling sulat. Klaro yon, hindi ako nagpapahabol.
Hindi sya mahilig sa music. Mas lalo kong na-miss si Barang.
DEXTER
Bagets. Semi-callboy ang dating. Walang hada kung hindi sure ang pera. Naadik lang ako sa sex. Pero matatawag pa ring relasyon kasi lagi na lang sya. Ilang buwan din akong di tumikim sa iba. Tinigilan ko sya. Hindi na cost-effective.
Lesson: Huwag magregalo ng sapatos sa lalaki. Aapakan ka niya.
PAUL
Waiter. Barkada ng boyfriend ng isang bakla. Gwapo. Maganda ang katawan. Smooth ang skin. OK na sana kami dahil umabot din kami ng five months. Hanggang sa nangyari ang isang pot session sa CR ng bar.
Wala naman akong problema sa marijuana. Ang ikinagalit ko ay ang pangyayaring habang humithit sya ay hithit-buga din ang isang bakla sa tabako niya. Nakarating agad sa akin ang kwento. Hindi ko inaway ang bakla. Hindi ko rin inaway si Paul. Diretso hiwalay ang ginawa ko.
Lesson: Huwag magregalo ng relo sa lalaki. Huwag bigyan ng props para sabihan ka ng “Your Time is Up.”
BRIX
Pang matinee idol ang beauty. Nakita ko syang naglalakad sa daan. Konting kaway, maraming smile. Lumapit sya. Join sa akin. Mula noon, kami na. Binihisan. Pinag-aral. Actually, nag-enrol lang sya. Walang natutunan. Walang natapos. Sadyang mahina ang utak. Umabot din ng isang taon ang relasyon namin.
At dahil nadala na ako sa nangyari sa amin ni Dexter, hinanapan ko ng mapapasukang trabaho si Brix. Naging cashier sa tambayang bar. Makaraan ang ilang buwan, napagkaisahan na maghiwalay. Kaya na raw niya. Nagpasalamat naman sya sa mga tulong ko.
Hindi ko pinigilan ang paghihiwalay namin. Ang totoo, gusto ko na ring kumalas dahil nakilala ko si Kulot.
KULOT
Six years na kami ni Kulot. Mula sa tabaing 17-year old boy, isa na syang ganap na binata. Yun nga lang, natural matubig pa rin ang kanyang katawan.
Masunuring bata si Kulot. Noong nagkakilala kami, tatlong taon na syang tumigil sa pag-aaral. Nakumbinse ko syang bumalik sa pag-aaral. At sa ika-apat na beses niyang mag-enrol bilang second year high school, natapos niya ito.
Tinuloy-tuloy niya ang pag-aaral hanggang natapos niya ang high school.
Di naman magastos ang Kulot. Di rin sya mahilig sa mga material na bagay. OK na sa kanya ang ang pinaglumaan kong black pants para sa kanyang school uniform. Binili ko rin sya ng sapatos, pero minsan lang kung gamitin dahil nakakantyawan daw sya ng mga kaklase dahil makintab daw ang DMs niya. Para daw syang teacher.
Pero di biro ang dinaanan ko. Sa unang tatlong taon namin, para akong Nanay. Taga-check ng assignment niya. Taga-turo. Kadalasan, ako na mismo ang gumagawa. Super guidance ang drama. Pati kalinisan sa katawan itinuro ko sa kanya. At may mga okasyong ako na mismo ang pumuputol sa kuko nya.
Mula gusgusing tambay, naging kaaya-aya sa paningin si Kulot. Lumabas ang nakatagong kagwapuhan.
Pagkatapos ng high school, nagbalak pa syang mag-college. Dinala ko sya sa city para mag-enrol ng Criminology. Matapos ang isang taon, ayaw na.
"Sayang lang ang pera mo," sabi niya.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Kasi feeling ko di ko rin naman matatapos yan. Ngayon pa lang nawawalan na ako ng gana," sagot niya.
Di na ako nagpumilit. Desisyon nya yon.
Balik bukid kami at sumabak sa negosyo - beauty parlor at halo-halo parlor. Sya ang tagapangasiwa. Maganda ang takbo sa umpisa, pero nang maglaon e nawalan na naman ng interes. Ang solusyon, tinanggalan sya ng power at kumuha ako ng ibang bantay.
Dito nagsimula ang aming mga problema. Dahil di naman sya nag-aaral at wala na syang papel sa negosyo, bakit ko pa sya bibigyan ng pera? Nakasanayan na kasi namin na inaabutan ko sya ng pera -- either bilang school allowance o share niya sa earnings sa negosyo namin.
At dahil dito, naghiwalay kami. Tatlong buwan.
Sabi ko sa kanya: "Kung bibigyan kita ng pera na wala namang dahilan, para na kitang ginawang callboy"
Wala syang nagawa.
Matapos ang ilang buwan, at dahil na rin sa sulsol ng mga kamag-anak niya, nag-usap kami. Hindi na sya ang dating Kulot. O, bumalik sya sa dating Kulot-- gusgusin, marumi ang kuko, di maayos ang itsura.
Nag-usap kami. Nagdesisyong mag-aaral syang muli. Automotive daw. Pero dahil nag-umpisa na ang klase, sa baking/cooking class ang bagsak niya. Naiinggit ako. Nag-enrol din kasabay niya.
Ngayon, pumapasok na kami sa baking business. Interisado sya. Inuumpisahan na namin ang pagpapatayo ng pwesto.
Hanggang kailan kami? Ewan.
Straight si Kulot. Darating ang panahong magdedesisyon syang mag-asawa. Hindi ko ito ipagkakait sa kanya. Sa katunayan, willing akong magvolunteer na ako ang gagawa ng wedding cake niya. Gusto kong makitang masaya sya, sa piling ko man o sa piling ng iba. Gusto kong makitang maayos siya. Iyon naman talaga ang naging silbi ko sa buhay niya.
Pag-ibig ba ito? Sa parte ko, OO. Sa kanya, ewan.
Kahit kailanman ay di ko tinanong sa kanya kung love din ba niya ako. Mahirap na, baka di ko magustuhan ang sagot.
At kahit na sabihin niyang "I Love You," di pa rin ako maniniwala. Hindi ko naman nakikita kung ano talaga ang tunay na nasa puso niya, sa isip niya.
At kung dumating man ang panahon na mag-aasawa siya, ipagdadasal ko ang kaligayahan niya.
At, kahit kasalanan man, ipagdadasal ko rin na malandi ang magiging asawa niya at matapos itong manganak ay mahuhuli nya itong kinakalantari ng ibang lalaki. Lalayas ang babae, maiiwan ang Kulot at ang kanyang anak. Babalik sya sa akin. Instant family kami.
Sana lang naman.
Sa ngayon, kuntento na ako sa ganito.

Tuesday, January 15, 2008
MG
Natuloy ang Miss Gay Pageant noong pasko. Pero di tulad sa inaasahan ang nangyari. Sabi kasi ni Amay (ang lesbianang negosyante sa lugar namin), party lang ng mga bakla at tomboy. Private daw ang affair.
Anong private? Sa harap ng tindahan niya ginawa ang stage. At sa di kalayuan ay ang highway kung saan dumadaan ang mga bus at truck.
Ang daming tao. Tama lang na pinagbawalan ako ni Kulot na sumali. Pero sinamahan naman niya ako para manood.
Eto ang mga photos ng pageant.
Si Fiona during sa Q and A portion.
Ang tanong: "What to you is the best symbol of Christmas?"
Sagot: "The best symbol of Christmas is the Christmas Tree. Why? Because Christmas Tree is the best symbol of Christmas."
Si Fiona pa rin sa kanyang talent.
Di na niya ginawa pa ang Marimar Dance. Kung mapapansin nyo, parehong tela ang skirt niya sa unang photo at ang tube sa photo sa ibaba.
Si Patricia. Nanalo bilang 2nd Runner Up. Kinabukasan, pag-uwi ng bahay ay inaway ng kanyang Nanay hindi dahil sumali sa MG.
"Bakit inubos mo lahat ng prize money sa inom? Dapat nag-iwan ka para sa akin," dialogue ng Nanay ni Patricia.
Si Glydel. 1st Runner Up lang ang gaga.
Si Re-Re. Ewan at bakit sumali pa. Ang laki ng panga.
Ang mga bakla. Nakapaligid sa nanalong si Kirat (ang may suot ng korona).
Ngayon sabihin niyo sa akin kung nasaan na ang hustisya.

Sunday, January 13, 2008
Ang Pagbabalik
Akala ko bakasyon ang solusyon sa pagod ng katawan. Akala ko lang yon.
Pumunta ako ng Baguio. Nanginig sa lamig. Kumain kung saan-saan. Kumain ng kung ano-ano. Umakyat ng Oh My Gulay para lang kumain ng pasta. Pati SM Baguio, ang tanging non-airconditioned na mall, ay pinasok ko. Namili sa palengke. Namili sa Good Shepherd.
At matapos ang tatlong araw, bumalik ng Manila. Pero sa Kamuning pa lang ay sumakay na uli ng Jam Trans bus papuntang Cabuyao, Laguna. At kahit na overnight lang ang ginawa ko sa Cabuyao, nakakapagod pa rin.
Matapos ang limang araw na byahe, bumalik ako ng Davao.
"We would like to remind you that Davao has a No Smoking Ordinance," ang maririnig mo sa eroplano ilang minuto pa lang nang ito ay lumapag sa Pandaigdigang Paliparan ng Lungsod ng Davao.
Sa Davao, bawal manigarilyo sa public places. Sa jeep bawal. Pati sa taxi bawal.
Pero sa inyo na ang Baguio. Sa inyo na ang Manila. Sa inyo na rin ang Cabuyao, Laguna.
Wala pang isang kilometro mula sa airport, lulan ng isang non-aircon taxi, nagsindi na ako ng sigarilyo.
Nagbalik na si Mandaya.

Wednesday, January 9, 2008
Friday, January 4, 2008
Talagang Busy
Naging busy kami noong pasko. 35 cakes ang order on Christmas Eve.
Naging busy rin kami New Year's Eve. 45 cakes ang order. Pero 55 ang niluto namin kasi dinagdagan namin ng 10 pieces for personal consumption sa bahay nina Kulot, Fiona, Re-Re, Kaye, Red, sa pinsan ni Kulot at sa kasambahay nina Kulot.
Ang huling delivery namin ay 11:45 p.m. Mainit pa ang apat na cake nang dinala ito sa mga nag-order. Hindi na nagawa pang lagyan ng icing dahil matutunaw naman sa init ng cake.
Eto ang division of labor: Si Kaye ang taga-gawa ng box. Si Re-Re ang taga-measure ng ingredients. Kami ni Kulot ang taga-timpla, salang at ahon sa oven. Pagkalabas, kami na rin ni Kulot ang taga-alis sa pans para palamigin. Si Red at Fiona naman ang taga decorate. Ang aarte ng dalawa-- ang daling maubos ng royal icing. Hindi man lang inisip na ang sakit sa braso magbate ng egg whites.
"Ang galing mo naman. Di na kailangan ng electric mixer," sabi ni Red sa akin habang ako ay gumagawa ng icing.
"Kung iipunin ko lahat ng binate kong lalaki, wala lang ito," sagot ko.
"Kasali na dyan ang mga lasing na ang tagal labasan kahit ngawit na kamay mo," dagdag ni Fiona.
At di lang ngawit na braso ang inabot ko. Napaso rin ako sa oven.
"Kasi meron naman sagwan. Bakit ayaw gamitin?" tanong ni Kulot.
"Mas madali kasi," sagot ko.
Sinubukan ni Kulot ilabas ang cakes na di gamit ang sagwan. Napaso din sya. Hahaha! Patas na kami.
Nakakapagod ang ginawa namin. Pagsapit ng alas dose, wala na kaming lakas. Di na kami kumain. Pinahupa lang namin ang putukan at natulog na kami. Walang nangyaring putukan.
Hanggang ngayon, pagod pa rin ang katawan ko. Di pa nakakarecover.
Ang solusyon, bakasyon.
At sa lunes (Jan. 7), pupunta ako sa Manila, then sa Baguio for three days. Bago bumalik ng Davao, pupunta rin ako sa aking hometown-- Cabuyao, Laguna!
Eto na muna. Regalo ng mga bakla sa bukid. Photo sa beach night of January 1. Sina Patricia, Fiona, Glydel, Re-Re at Red

Subscribe to:
Posts (Atom)